9

536 21 1
                                    

"Ma'am!"

Napakurap ang mata ko at napabaling kay Maricel na nakakunot ang noo sa harapan ko.

"Ha? Bakit?"

"Kanina pa po kayo wala sa sarili niyo. Kanina pa po ako nagsasalita rito hindi naman po pala kayo nakikinig."

"Ay pasensya ka na. May iniisip lang ako. Mamaya nalang. Salamat."

Lumabas na ito ng opisina ko kaya napahawak naman ako sa ulo ko pagkatapos ay tinampal-tampal ang pisnge ko.

"Ano ba 'to. Bakit ba iniisip ko ang text ng lalaking 'yon!"

Pagkagising ko kaninang umaga ay may natanggap ako na text kay Aries.

Ang mensahe ay 'Good morning, hermosa! Have a nice day. Take care, mi niña hermosa.'

Maalala ko lang ang ginawang pagkindat nito kagabi ay namumula na naman ang aking mga pisnge.

Bakit kase my beautiful girl pa! Hay nako nakakainis.

"Mama!"

Halos mapatalon ako ng makita ko si Dewy na tumatakbo palapit sa akin.

"Anak, sinong kasama mo?" Lumuhod ako para magkapantay kami.

"Ninang!"

"Sinong?--Klaire!"

Lumakad ako palapit dito habang hawak sa kamay si Dewy para makipag beso rito.

"Hi mars! Wow! Ganda ng office mo ha."

Hindi ko na kailangan isenyas ang couch dahil naupo na ito agad.

"Anong ginagawa niyo rito? Sinama mo pa talaga ang anak ko ha. Wala ka bang practice ngayon?"

Itinaas naman nito ang mga paa at nag indian sit.

"Naka bakasyon ako ngayon. Nagpaalam naman ako sa parents mo."

"May trabaho ako, Klaire ha!"

Nakita kong ngumisi siya at kinindatan si Dewy kaya naman alam ko ng nakipag sabwatan ito sa anak ko.

"Mama, please? Let's go to the mall with ninang Klaire. She is sad and she needs us, mama." Dewy pouted.

Napabuntong hininga nalang ako dahil minsan lang naman talaga ang bakasyon nitong si Klaire. Alam kong kailangan niya ng pahinga kaya naman wala na akong nagawa kung hindi magpahila sakanila papuntang parking lot.

"Car ko nalang gamitin natin. Hatid nalang kita later dito to pick up your car."

Pumayag na ako dahil tinatamad din naman ako magdrive.

Nasa pasenger seat kaming dalawa ni Dewy. Nakakandong sa akin dahil namiss niya raw ako.

Might enjoy this short break to erase that bad memory on my mind.

"Dewy, mamaya babalik si mama sa office ha. Si ninang Klaire na ang maghahatid sa iyo pauwi."

"Why po, mama?"

"Diba, I have a work today but mama skipped it for you, so consequence ni mama na bumalik sa office to finish her work. Understand?"

"Am I bad, mama? You will be tired because of me."

Nakita kong paiyak na ito kaya naman niyakap ko nalang ito.

"Of course not, anak. It's my choice. Diba, I told you before na pag may ginawa kang choice, you need to face whatever its consequences. Remember?"

"Yes po mama. I understand na po."

"Very good, my Dewy." I kissed him on the cheek to assured him that everything is all right.

Love At First ThrustOnde histórias criam vida. Descubra agora