3

630 22 3
                                    

"Dewy! Love!"

Kumaway ako para makita n'ya ako at agad naman itong ngumiti at tumakbo papunta sa akin.

"Mama!"

Kinarga ko ito at pinulapog naman ako nito ng halik na nagtanggal lahat ng pagod na nararamdaman ko.

"Diba I told you na roon ka lang malapit sa cafe ni mama?"

He pouted. Namumula ang pisngi dahil nagbilad nanaman sa arawan.

"Mama, the sea is calling me."

Pinaningkitan ko s'ya ng mata.

"What are you? Fish?"

"No!" Umiiling pa ito.

"I'm Neptune! The king of sea!" Tinaas pa nito ang dalawang kamay kaya agad kong kiniliti habang buhat-buhat at pabalik sa cafe na pagmamay-ari ko.

Gustong-gusto ko pag tumatawa o ngumingiti ang tatlong taong gulang kong anak dahil nawawala ang mata nito sa tuwing masaya. Chinito ito at maputi tulad ng labanos.

"Amadeus, stay here okay? Mama will close the cafe then we will go home na."

Tumango lang ang anak ko dahil alam n'ya na pag buong pangalan na n'ya ang ginamit ko ay strict mode na ako. Minsan naman ay sumusunod ito sa akin pero madalas ay matigas ang ulo pero sobrang sweet naman kaya hindi ko kayang magalit ng matagal.

Sinara ko lang ang cafe bago kinarga muli ang anak ko na agad namang sumandal sa balikat ko. Paniguradong nag-aantok na ito.

Limang minuto lang ang nilakad namin bago kami naka-uwi sa bahay namin. Dalawang palapag ang bahay namin at malapit ito sa dagat. Kaming dalawa lang ng anak ko ang nakatira. Tatlong taon na kami nakatira sa Siargao at masaya kaming dalawa.

Naalala ko noong nalaman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ay tuwang-tuwa sila para sa akin at sobrang pag-aalaga ang ginagawa nila sa akin. Si daddy ay ilang buwan akong hindi pinansin pero ng manganak ako ay kauna-unahan pa s'ya. Sa Bulacan ako namalagi noong nagbubuntis ako at doon din ako nanganak. Syempre tumigil ako sa pag-aaral ko noon ng isang taon pero sinikap kong bumalik noong sumunod na taon pero homeschool ako dahil sa anak ko. Pagkapanganak ay lumipat na kami rito at dito na namuhay. Nagtayo lang ako ng isang maliit na cafe sa tulong ng aking mga magulang kaya sobrang pasasalamat ko sakanila. Noong una ay takot na takot ako dahil wala akong ideya kung paano ba maging ina pero noong nakita ko sa unang pagkakataon ang anak ko, kung may mas lalalim pa sa pagmamahal ay 'yun ang naramdaman ko. Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ko ng araw na 'yon. Sabi ko, gagawin ko ang lahat-lahat para lang maprotektahan ang anak ko at 'yun ang ginagawa ko. Hindi naging madali pero kinaya ko sa tulong ng gabay sa akin ng mga magulang at kaibigan ko. Ayaw nga kaming paalisin nila mommy sa bahay pero sabi ko gusto kong lumayo at palakihin ang anak ko sa sarili ko kaya hinayaan nila ako. Ilalayo ko ang anak ko sa mga makakasakit sakan'ya at isa na ron ang ama n'ya.

"Mama."

Akala ko ay nagising ang anak ko pero nananaginip lang pala ito. Kahit sa panaginip mama's boy talaga!

Maliligo na sana ako ng biglang mag-ingay ang cellphone ko.

"Daddy!" Masigla kong bati at bumaba muna para hindi magising si Dewy.

"Si Amadeus? Nasaan ang apo ko?" Agad nitong hinanap.

"Natutulog na po. Napagod. Tinakasan nanaman ako at nagpunta sa dagat buti nalang talaga at binabantayan ng mga staffs. Kayo po daddy, kumusta po? Ang mommy?"

"Hi anak! Nagluluto ang mommy!" Narinig kong sigaw ni mommy.

"Mabuti naman kami ng mommy mo pero miss na miss na namin kayo. Hindi naman kami maka-alis at medyo busy sa supermarket. Dumadami ang branch ng supermarket natin anak."

Love At First ThrustWhere stories live. Discover now