Simula

1 1 0
                                    


Umuulan ngayon ng malakas, hindi ko nga alam may bagyo yata. Pero patuloy parin ako sa paglalakad hindi malaman kung saan dadalhin ng mga paa.

Niloko niya 'ko.

Nagsinungaling siya.

Pinaasa niya 'ko.

Paasa siya.

Kala 'ko okay na 'e. Pero hindi parin pala. Ang sakit sakit niyang magmahal. Hindi ba pwede magmahal ng hindi nakakaramdam ng sakit?

Nagmahal lang naman ako pero bakit hindi naman ako nakaramdam ng pagmamahal galing sa kanya? O talagang iba lang siya magmahal? Iba yata definition ng pagmamahal niya 'e.

Napailing nalang ako.

Gustong gusto ko siyang intindihin, kaya ko naman siyang intindihin 'e. Titiisin ko kung maaari. Pero pinapahirapan niya 'ko. Ginagawa niya ang mga bagay na maaring makapagpabitaw sa aming dalawa. 

Ginawa ko ang lahat para lang mapatibay ang relasyon namin. Pero pilit niya itong sinisira.

Tanga ba ako?

Kase alam ko naman na ayaw niya na sakin, na napipilitan lamang siya. Hindi nga niya yata ako nagustuhan simula palang. Dahil sinabi niya yun.

"Hindi kita gusto, kahit kailan."

Ang sakit niya magsalita.

Kung makakayanan ko lang sanang ibalik ang oras ay matagal ko 'na itong nagawa. Hindi na sana ako nasaktan. Yung mga panahong alam 'kong wala na akong panghahawakan pero eto si tanga pilit kinakapitan ang mga salitang wala namang kahulugan.

Sana hindi ko nalang siya nakilala. Hindi nalang sana kami pinagtagpo pa. Pero pinagtagpo ba ang tawag doon kung saan ako naman yata ang humanap sa kanya?

Nababaliw na nga yata ako.

Gustuhin ko mang tanggapin na wala na talaga. Na hindi kona mababago pa ang isip niya. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

Pilit 'kong sinasagip ang sarili sa pagkakalunod sa kaniya pero pilit parin akong hinihila neto sa ilalim na para bang nararapat sa'akin eto.

Ang malunod sa sariling pagkakabaliw sa isang taong wala namang pakialam sa akin at walang ginawa kung hindi ang saktan ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AureliaWhere stories live. Discover now