Hindi siya nagsalita. Ramdam kong tinitigan niya pa ako nang mabuti. He grabbed my hand and pulled me toward the counter, away from the people looking at us. I let him pull me and just sighed.

"What's wrong?" malambing niyang tanong nang kami nalang dalawa roon. Bahagyang lumayo ang mga staffs ko sa gilid.

"Wala naman. May gusto ka bang kainin?" pag iiba ko sa usapan dahil mukhang napansin niya ang mood ko.

Umayos ng tayo si Lee at seryoso na akong tinitigan. "What's the problem, Mina? Tell me."

"Wala namang problema... I'm just a little tired because of the party last night. Kinailangan ko rin kasing gumising ng maaga kanina para makapunta agad dito..." palusot ko.

"Don't lie to me. Kagabi ko pa napapansin na matamlay ka."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Pagod nga kasi ako. Sorry. Nagpapahinga na muna siguro ako..."

"I'll take you to your condo, then."

"Hindi na," agad kong pigil at tumingin sa kanya. "I brought my car. I can't leave it here."

He sighed and looked at me seriously. Hindi ko siya matagalan kaya nag iwas ako ng tingin.

"Mina, please... what's wrong?" malambing niyang kinuha ang kamay ko.

Parang kinukurot ang puso ko. Hindi ko siya kayang iwasan nang ganito.

"Anong sinabi ni Mama sayo kagabi?"

Nagulat ako sa tanong niya. Napa angat ako ng tingin sa kanya. Mariin ang titig niya sa akin.

"Ganito ka na pagkatapos mong magbanyo kagabi. Tell me, nakausap mo ba roon si Mama?"

Hindi ako nakasagot. I didn’t know he noticed even small changes in my mood. Alam niya agad na merong mali noong pagbalik ko palang sa kanya galing cr!

"What did she tell you?" tanong ni Lee, seryoso na talaga.

"W-Wala siyang sinabi... Nagkamustahan lang k-kami..." hindi ako makatingin.

"Tell me the truth," he said, alam agad na nagsisinungaling ako.

I sighed. Ayoko sanang sabihin sa kanya 'to pero mukhang alam naman niya na. And we both know that his mother is really mad at me. There's no point of keeping this a secret.

"Lee... ayaw sa akin ng Mama mo. Alam mo naman 'yon, diba?" sabi ko at tumingin sa kanya.

He didn't speak. He just stared at me.

"Alam mong hinding hindi niya ako magugustuhan at..."

"She will like you eventually," matigas niyang sinabi.

"Sampung taon na ang nakalipas. Hindi tayo sigurado kung mapapatawad niya pa ako..."

"Sasabihan ko siya. Alam niya na hindi mo kasalanan ang nangyari."

"Lee, wag na. Yes maybe she knows it's not my fault but she's hurting. She's hurting that's why she's blaming it all to me. Sa ngayon, intindihin muna natin ang nararamdaman niya. Hindi pa siya nakaka move on sa nangyari..."

Nagtiim bagang si Lee, hindi nagsalita.

"At nakakapag paalala pa ako sa kanya sa nangyari kay Seb..."

"What do you want to happen now, then?" hamon niya, seryoso at may galit na sa tono.

Nagbaba ako ng tingin. Kinagat ang labi.

"Iiwan mo ko?" tanong niya.

"Lee..."

"You will leave me just because of that?"

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now