34

238 13 4
                                    

Lorie's pov*

Aysh! Nakakahiya! Sana naman hindi nakita ni kai, pero kasi, bakit siya tatalikod ng ganun? Huhuhu!! Nakita niya!!

"Huy!" napatingin naman ako kay emery.

Hindi ko ito pinansin, ang sama sama niya! Nakakamatay ang ginawa niya kanina nu!
Ang taas taas kaya sa rooftop kahit ngang sisilip ka palang pero yung lamang loob mo nasa paa muna.

"HAHAHA!, hindi mo ako papansinin lorie?"

"Ewan ko sayo." hindi ko ito binalingan ng tingin.

"Sayang pa naman to." pinanuod ko siya sa gilid ng mata ko, meron itong hawak na lollipop. Hay kainis, ayaw ko siyang pansinin, tumalikod nalang ako sa kanya.

"LORIE!" napapitlag naman ako sa ginawang pagsigaw ni emery. "Gagawin ko nalang bente?, ayaw mo talaga?" sge isang buwan na walang kibuan."  hala grabi naman siya? Siya na nga may kasalan tas ako pa tinakot niya? Ang sama naman kasi niyang mang trip e...

"Oo na!." labag sa loob kong sambit.

"Nice!" ani nito at inakbayan ako. "Oh." nilapag nito sa mesa ko, nasa benteng lollipop nga. Hindi ako nag pasalamat at basta nalang  isinilid sa bag ko yung lollipop.

"Psst!" sitsit ko sa kanya, kalalabas lang ng guro namin, bigla lang kase akong nagutom.

"Oh?" hays ito nanaman tayo sa "oh" niya.

"Pasama." sambit ko.

"Ano cr nanaman?" tumango ako sa kanya. "Tssk!" tumayo ito umalis sa kanyang upuan. "Bilis!"

"Oo, ito na." naglakad na kami palabas ng classroom. "Joke sa canteen tayo, gutom ako." tinaasan lang ako nito ng kilay. "Hehe!"

"Look whos here." mataray na sambit ni mina silang dalawa lang ni shasha ngayon.

"Well, kami lang naman ang dyosa ng kagandahan tas you and you muka kayong kabayo ." taas kilay kong saad.

"Really?" kami mukang kabayo?"

"HAHA...matuto ka kasing tumingin sa salamin para makita mo."

"Oh, hi emery?" baling ni shasha kay emery, Saan nga pala kayo kanina?"

"kung saan kami kanina." sagot nito.

"Ah... Siya nga pala, bukas don pa rin kami, hanap nalang kayo ng iba." mataray na sabi nito.

"Sure." tipid nitong sagot. "Lorie tara na."

"Meron pa pala emery, layuan mo nalang si ken." napahinto kami ni emery, abnormal ba siya?.

"Hindi ako sumusunod sa utos ng iba" taas noong ngisi ni emery kay shasha.

"Pwede ba emery, Bakit ba ayaw mong lumayo sa kanya? Huwag mong sabihin may gusto karin kay ken?"

"Ano naman ba paki mo?, kaibigan ko siya."

"Kaibigan lang ba talaga?" pang uusisa nito kay emery, tumingin ako kay emery.

"Hindi.....dahil akin siya." halos lumuwa na ang mata ko sa sinabi ni emery.

"Akin siya!" sigaw naman bruha. Bigla naman nitong sinugod si emery. Hindi mo siya maagaw sakin." Na alarma na ako ng maabot nito ang buhok ni emery kaya nakisali na ako.

"Huy shutaa ka!." sigaw ko at hinatak buhok ni shasha, lumapit naman sakin si mina, pero wag ako dhaiz dahil mabilis kamay ko, hinatak ko rin ang panget nitong buhok. Napatingin ako kay emery, hindi ito kumikilos, hinayaan niya si shasha kong ano gawin nito sa kanya. Halos mapunit na ang uniporme ni emery sa kakahatak ni shasha. Hindi makaganti si mina sakin dahil nakaluhod ito habang hatak hatak ko ang bruha niyang buhok, inis ko rin hinatak si shasha kaya nahirapan itong abutin si emery. "Gaga ka!" sigaw ko at tinali ang buhok ni shasha at mina. "Ayan, muka kayong kambal tuko." ani ko dahil magkadikit na ang mga ulo nito. "Tara na emery." saad ko at inalalayan ito. yung dalawa naman ay nakaluhod at hirap  tanggalin ang buhok nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sadistic boyish Where stories live. Discover now