20

23.6K 488 9
                                    


Love is when another person's happiness is equally as important as your own.
* * * * * *

Marco

SANDALI lang ang buhay kung gugustuhin lang sa ating kunin ng Panginoon. Iyan ang natutunan ko sa nangyari kay Denise. Hindi naging maganda ang katapusan ng buhay niya, but he is a living example on why we celebrate our every second alive. At maging sa huling sandali niya, nanaig pa rin ang pagmamahal niya kay Freya. Kung tutuusin dapat nagagalit ako sa kanya sa pang gugulo nila ni Larae sa buhay ni Jairus at Freya pero hindi eh.

Dahil kundi dahil sa ipinakita niyang kabayanihan hindi mabubuksan ang mga mata ko kung ano ang mga napapalampas kong mga oras na wala sa tabi ko si Cassie at ang anak namin.

"Desidido ka na ba sa desisyon mo?" Iyon ang bumungad sa aking tanong ni Dan.

Isinandal ko ang katawan ko sa malambot na upuan ko. Nakakapagod ang mahabang oras ng pagsuri sa mga pasyente ko at ang pag tingin sa department ko para tiyakin ang maayos na pag function nito. Pero lumalakas ako bigla sa tuwing maiisip ko ang matinis na boses ni Jazsmine at sa mga ngiti nito na napaka inosente.

"I can't wait for them to become a Lopez, Dan." iyon lang ang palaging sumasagi sa isipan ko. "Cassie has always been a Lopez, at gagawin ko ang lahat para magpakasal siya sa akin at para maging legal na ang pagiging Lopez ni Jazsmine."

There's no wasting of time. Alam mong sinabi ko kay Cassie na mag sisimula kami pero hindi na ako makakapag hintay ng matagal. Kung malalaman ni papa ang tungkol kay Jazsmine baka mas pangunahan pa niya ako at gumawa ng mas ikagagalit ni Cassie. I know how manipulative my father is.

"Kailan mo sasabihin kay Cassie na alam mo na ang tungkol sa anak ninyo?"

Isa pa iyan sa nagpapasakit ng ulo ko. Ayokong pangunahan si Cassie sa pagsasabi sa akin ng totoo pero nahihirapan din akong magtago baka magalit na naman siya sa akin. Ayoko ng magkamali. Mahalaga sa akin ang bawat oras at sa bawat minuto na nasasayang ko na hindi ko naipapakita ang pagmamahal ko sa mag-ina ko ang nakapag papasira ng ulo ko.

"I'll cross the bridge when I get there." matalinhaga kong sagot sa kanya.

"Cassie is a great woman Marco, di ka dehado sa kanya. She has that strong personality perfectly fit for you. At alam kong mabuti siyang babae, help her forget the past."

Help her forget the past. Ilang ulit iyong dumaan sa isip ko. Paano ko sisimulan? Paano ko siya maiaahon sa nakaraan? Ang dami kong mali na dapat itama para tuluyan ng maghilom ang mga sugat na nagawa ng nakaraan.

Nakatunghay lang ako sa maluwang na kalsada. Nakalabas na ako ng hospital at papatawid na para kuhanin ang sasakyan ko, dadalawin ko ang anak ko sa school. Amanda na i-ninroll na ni Cassie si Jaz para mag nursery. How I wish anduon ako, with my daughter, with her first day of class.

Nililinlang na tuloy ako ng mga mata ko ngayon dahil sa sobrang kasabikan ko sa kanila nakikita ko na sila sa tapat ko, with Jazsmine shouting daddy to me. Ipinilig ko ang ulo ko para tumingin sa iba. Kung parati akong ganito ng ganito malamang mental na ang kababagsakan ko.

Makapal na naman ang traffic, rush hour na naman kasi kaya nagkakagulo na naman sa kalsada ng may marinig akong nag uunahang mga pagbusina. Inilingon ko ang mata ko. Bakit andun pa rin yung mga imahinasyong gawa ko? Si Cassie with Jazsmine, Cassie shouting at Jazsmine habang tumatakbo ito papunta sa akin.

"Damn it!" mura ko sa sarili ko. Kung anu–ano na kasi ang nakikita ko. Baka mamaya masiraan na ako ng bait nit—

"Jazsmine no!" mas naging malinaw ang pagsigaw ni Cassie. Kita ko ang pag aalala sa mukha niya saka ko ibinaling ang tingin sa tinutukoy niya.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon