Chapter 7

556 31 9
                                    

Luther and I slept together. Fortunately wala pa namang jugjugan na naganap. Mas nauna akong nagising sakaniya at tulog na tulog pa ito sa taas. Ngayon ang alis ni Leinah pabalik ng California at hinihintay niya na lamang ang susundo sakaniya. Parehas kaming nasa kusina habang kumakain while Dwayne is playing on his ipad sa sala.

"Lei, may tanong ako."

"Ano 'yon?"

"Babaero ba si Luther?" Seryosong sabi ko pero bigla itong tumawa.

"Five years ago hindi naman siya babaero. Ewan ko lang ngayon. But knowing him? Hindi naman siguro."

"Ah, pero maraming babaeng nagkakagusto sakaniya?"

"Oo naman no. Maraming pumipila riyan kahit noong highschool palang kami. Naging crush ko pa nga 'yan noon."

Bwisit. Biruin mo pati pala 'tong kaibigan ko e nahumaling sakaniya? Ibang klase.

"E buti wala pa siyang naging girlfriend? Ano? Never nainlove?"

"Gaga. May babae 'yang kinabaliwan." Sumilip muna siya sa pinto ng kusina saka lumapit sa akin. "Four years din silang nagkasama kaso wala e. Hindi nag work."

"Four years? Sa four years na 'yon hindi naging sila?"

Aba't ang tagal naman non tapos walang label? Kaya ba ang sabi ni Getget sa akin ay 'yun ang gusto niya simula pa lamang?

"Noong senior high kami doon niya nakilala 'yon. Tapos ayun, niligawan niya. Umabot ng apat na taon ang panliligaw niya pero iniwan din siya noong third year college na kami. Nagkaproblema sila e."

"Bakit 'di siya sinagot? Sayang naman."

"Gusto ng babae kapag naka graduate na sila at successful doon magiging sila. Pero I swear, parang sila rin naman kung umasta sila. Mahal na mahal 'yon ni Luther. As in!"

"Ka close niyo 'yung babae?"

"Oo. Kaibigan din namin. Si Dala. Actually kaaway namin 'yon noong highschool dahil ang sama ng ugali. E kaso noong nagkasama sila ni Luther, biglang nagbago. Ang laki ng character development ni Dala noon. Actually same sila ni Luther. Nagbago rin si Luther noon at natutong makipag halubilo sa ibang tao dahil kay Dala. E kaso noong nagkahiwalay nga, ayan. Balik nanaman siya sa dati."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang malaking curiosity sa babaeng 'yon at kay Luther.

"Bakit nagkahiwalayan?"

"Si Luther kasi 'yung tipo ng tao na nagmumukhang sugar daddy kakalibre. Ayaw ni Dala na sinasagot ni Luther ang lahat. Umabot na kasi sa punto na si Luther na ang nagbabayad ng tuition fee ni Dala sa school tapos sinisendan niya pa ng allowance sa bank account."

"Ba't niya kasi binabayaran?"

"Hindi ko naman masisisi si Luther kung bakit niya ginawa 'yon e. Namatay kasi 'yung tatay ni Dala noong senior high kami tapos ayun nagkaproblema sa business nila. Tapos nalaman niya na 'yung Mommy niya pala may sinusustentuhan pang lalaki. Mas lalo silang lumubog sa utang to the point na naghihirap na pala sila. Syempre si Luther, tutulungan niya. E ayaw naman ni Dala nang ganon kasi magmumukha raw silang katulad ng Mommy niya at nung lalaki niya."

"Hala grabe naman pala. Oh, tapos? Nang dahil doon kaya iniwan siya?"

"Nag working student si Dala. E 'yung may ari ng restaurant pinagseselosan nitong isa. Pinagdududahan dahil bakit daw binigyan ng scholarship, bakit tinutulungan. Ayun dumagdag lalo sa problema nila. Palagi nalang daw silang nag aaway. Hanggang sa napuno na siguro kaya naghiwalay na lang."

"Hindi pa nga naging sila tapos nag hiwalayan na?"

"Oo. Grabe nga e. Sayang silang dalawa. Akala ko pa naman noon hanggang huli na. Hindi pala. Pero ang sabi ni Dala sa akin noon may isa pa raw na reason kaso hindi niya sinabi sa akin. Basta umiiyak lang siya noon. Kahit anong pilit kong sabihin niya na sa akin ayaw niya. Iyak lang siya ng iyak."

Walk Her Down The AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon