Last Word Five

724 29 9
                                    

Sinunod ko na lang ang sinabi sa akin ni Garen, kahit na wala akong gana ay pumunta pa rin ako. Mukha kasing seryoso ang pag uusapan naming dalawa, ganun kasi sya, kapag kailangang pag usapan ang isang sensitibong bagay, ayaw niyang nadedelay ang lahat, gusto niya ay maaksyonan na agad.

Wala pang alas nuwebe ng dumating ako sa Cafe, umupo na lang ako sa usual spot namin at umorder na ako ng agahan para sa amin ni Garen, for sure kasi ay hindi malelate yun.

Sakto din namang pag alis ng waiter ay dumating si Garen, napataas ang kilay ko sa suot nito. Hindi ko kasi lubos akalain na magshoshorts lang ito at polo na unbuttoned at nakasando sa loob. Usually kasi kapag may pag uusapan kaming importanteng bagay ay naka smart casual ito.

"Mukhang napaaga ka ata?" tanong sa akin ni Garen na ngingiti ngiti pa.

"Ikaw man sabihan na "you're dead" ng abogado mo, sinong hindi magmamadaling umalis?" sagot ko sa kanya.

"Relax! ang init ng ulo eh." nakangiting pag amo sa akin ni Garen. Ano bang nakain ng tukmol nito at tila sinapian ng engkanto ng pagngiti.

"Paano akong magrerelax, ang dami ko iniisip, tapos may dadagdag pa!" reklamo ko sa kanya. "Tapos madadatnan kita dito na arrrgghh!! parang namamasyal lang!" dugtong ko pa.

"Ito naman, masyadong high blood, gusto ko lang kasi pagaanin ang atmosphere, masyado ka na kasi na-iistress eh, kaya ganito ako ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako, naaappreciate ko naman yung ginawa niya, kaya nagpasalamat ako sa kanya.

"Salamat." sabi ko sabay ngiti ng kaunti.

"Ok, lets proceed to our real topic." sabi nito at naging seryoso na ang mukha nito.

"Since nalaman ko na hindi pa naprocessed ang divorce ninyo ni Gabriel ay nag imbestiga pa ako para makita kung ano pa ang mga nangyayari, hindi kasi ako kumbisido sa kahit anong dahilan na pumapasok sa isip ko." sabi nito sa akin.

"So ibig sabihin ay may kinalaman din kay Gabriel itong pag uusapan natin?" tanong ko kay Garen.

"Maaaring may kinalaman, maaaring wala din." sagot niya sa akin. "May natuklasan kasi akong bagay na medyo nakakabahala, it's about your joint account with Gabriel."

"Bakit? Ano bang meron sa joint account namin?" tanong ko ulit sa kanya.

"I think hindi mo napapansin ngunit nababawasan ang pera sa account ninyo ng ex-husband mo, kaya hindi pa rin ako convinced na patay na siya kasi si Gabriel lang ang maaaring gumawa noon bukod sayo." sabi sa akin ni Garen.

Bigla naman akong kinutuban sa sinabi niya, parang sa loob loob ko din ay nakaramdam ako ng kaunting pagasa, pagasa na buhay pa si Gabriel.

"Pero, paano kung patay na talaga si Gabriel? Meron ka rin bang idea kung sino ang maaaring gumawa nito?" tanong ko sa kanya.

"Of course, I have this suspect na sure akong siya lang ang maaaring gumawa noon." sagot niya. "It's none other the Alex, ang bestfriend at abogado ni Gabriel. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya kaya kailangan ko pang mag imbestiga tungkol sa bagay na ito, sa ngayon kasi ay hindi ko alam kung saan napupunta yung mga nawawalang pera sa account nyu." sambit ni Garen sa akin.

Napaisip na talaga ako, marahil ay may ginagawang kababalaghan itong si Alex kaya hindi niya pa prinoseso ang divorce papers namin ni Gabriel, siguro ay iba pa siyang binabalak.

Hindi na ako makakapaghintay, kailangan nang masagot lahat ng tanong sa isip ko.

"I think kailangan ko nang imeet si Alex." payak kong sabi kay Garen.

No Last Words, Just Regrets [BxB]Where stories live. Discover now