Last Word Two

631 26 4
                                    

Hindi ko na tinapos ang pakikipag inuman sa aking mga kabarkada dulot ng masamang balita na pinarating ni Garen sa akin.

Inis, puot o galit, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa tuwing naiisip ko yung ginawa ni Gabriel at ng kaibigan niya sa akin. Ano bang balak nila? Naghihiganti ba sila kaya nila ginawa yun?

Kailangan kong malaman kung nasaan si Gabriel, ayoko siyang husgahan, gusto ko malaman ang dahilan niya kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon sa akin.

Mag aalas dose na nang makarating ako sa condo ko, pagpasok ko ay diretso na agad ako sa kama at humiga, at dahil na rn siguro sa pagod at sobrang pag iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naglalakad ako sa isang pamilyar na lugar, isang lugar na isang taon na ang nakalipas noong huli kong makita, alam ko, alam kong dito ko makikita ang hinahanap ko, kaya naman ay patuloy akong naglakad patungo sa pintuan, sa pintuan ng bahay namin ni Gabriel.

Pagpasok ko ay agad kong tinungo ang sala, at doon ay nakita ko siya, nakaupo at nakatingin sa akin, blangko ang expression ng mukha niya at halata din sa kanya na inaabangan niya ang pagdating ko.

Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, galit ba o panananabik, nalilito ako, ang alam ko ay dapat magalit ako sa kanya ngunit bakit ganito na lang ang bilis ng tibok ng puso ko?

Lumapit ako sa kanya, nakatitig lang siya sa akin, lumuhod ako sa harap niya para magkapantay ang aming mga ulo.
Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako noong pumatak ang mga luha sa mga mata niya.

"Mahal na mahal kita Zeke, matagal kong hinintay itong pagkakataong ito." sambit nito at di kalaunan at naramdaman kong dumampi ang mga labi nito sa akin, hinalikan niya ako, ang halik na siyang hinahanap hanap ko, pero bakit ganito? Matagal ko na dapat hindi ko na nararamdaman ito dahil matagal na itong nawala, bakit tila bumabalik sa dati ang puso ko, bumabalik sa panahon na si Gabriel pa ang laman nito.

Maya maya pa biglang nagbago ang lahat, nawala si Gabriel at naiba ang ayos ng kapaligiran, nasa bahay pa rin ako pero maraming mga ilaw, tumingin ako sa likod at nakakita ako ng isang kabaong.

"Kabaong?" sambit ko sa aking sarili.

Nilapitan ko ito upang matanaw kung sino ang nasa loob nito, ngunit laking gulat ko ng malaman kung sino ang nakahimlay dito. Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko, tila hindi ko matanggap ang nakikita ko.

"H-hindi, hindi pwede to, Gabriel, hindi ka pa pwedeng mamatay!! Hindi!! HIIIINNNNDDDDIIII!!!"

"Babe!! Gising!!" sigaw ng isang boses na siyang nagpagising sa akin.

Tinignan ko kung sino ito, nakita ko si Eunice na may bakas sa mukha nito ng pagaalala.

Panaginip lang pala, akala ko totoo na, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may nararamdaman akong ganito para kay Gabriel, dapat ay matagal nang nawala ito.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Eunice.

Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin, pero ang pinagtataka ko ay bakit tila may nagbago.

"Huy" sabi nito na nagpabalik sa aking ulirat.

"Ah, ok lang ako, masama lang ang naging panaginip ko." sagot ko sa kanya.

"Mukhang nasstress ka lately ah, hindi kaya dapat ay magpahinga ka muna?" sabi nito sa akin.

"Huwag kang mag alala, ok lang naman ako, ngayon lang naman nangyari to." sagot ko sa kanya, ewan ko ba, parang awkward ang usapan naming ito para sa akin.

No Last Words, Just Regrets [BxB]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin