PROLOGUE

2.7K 121 4
                                    


3rd Person POV

"M-a gagaling pa ba ako?"tanong ng babaeng nakahilata sa hospital bed.

"Ayaw ko pang mamatay mama,gusto ko pa kitang makasama ng matagal"ani ng babaeng may malubhang sakit.

"Gagaling ka pa,anak tiwala lang nandito lang si mama hmm" malambing ngunit umiiyak na sabi ng ginang sa kanyang anak.Katabi nito ang kanyang kaibigan na si Arlene.

Siya si Vanessa Tekaji Davis 18 yrs old,isang gangster.Lumalaban sa sakit na heart cancer. Matagal na niyang alam na may sakit siya sa puso ngunit pumapasok parin siya sa mga delikadong lugar upang matulungan niya ang kanyang ina sa paghahanap ng pera.Lumalaking walang ama si vanessa kung kaya't nahihirapan ang kanyang ina sa pagt-trabaho. Isa siyang solo gangster dati 16 yrs old pa siya at doon niya nakilala si Arlene Mortego isang solo gangster din gaya niya.Hanggang mag 18 siya patuloy parin siya sa pagiging gangster niya dahil dito nakakuha siya ng malalaking pera dahil sa pusta ng kanyang mga kalaban.

        Sa pakikipaglaban niya sa gitna ng arena nararamdaman niyang sumasakit ang kanyang dibdib kung kaya't nahihirapan siyang huminga.Sa bandang gilid ng arena nakikita niya ang kanyang kaibigan niyang nag-alala.Tumilapon siya dahil sa malakas na sipa ng kanyang kalaban,nahihirapan na siyang bumangon dahil sa nararamdaman niya bago pumikit ang kanyang mata nakikita niyang  dinaluhan siya ng kaibigan ngunit niya marinig kung anong sinasabi nito.

"M-ma! n-nahihirapan a-akong h-huminga ma! m-ma t-tulong" nahihirapang sabi ng dalaga.

Natataranta at umiiyak namang tumayo ang ina para tumawag ng doktor.Hindi niya kayang makita ang ganyang kalagayan ng kanyang anak,nasasaktan siya nito.Nakatulog ang dalaga sa labis ng paghihirap.

"Mrs.Davis malubha na po ang sakit ng iyong anak.Hindi namin masisiguro kung nakakatulong ang chemotherapy para mailigtas ang anak niyo laban sa cancer" Ani ng doktor.

Pagkaalis ng doktor ay nilapitan ng ginang ang kanyang anak.

"Anak gusto din kitang makasama ng matagal pero nahihirapan kana"umiiyak nitong sabi ng ginang.

"Tita, lalabas muna ako bibili muna ako ng makakain natin"ani ni arlene.

"Salamat iha mag iingat sila"saglit tinignan ng ginang ang dalaga at tinuon ang kanyang paningin sa kanyang anak.


"M-ma"mahinang sabi ng dalaga.

"Anak,may gusto ka pang kainin? Nauuhaw kaba?"aligagang sabi ng ginang.

"Mabubuhay pa ba ako?"mahinang sabi nito.

Umiiyak nalang ang ginang sa tanong ng kanyang anak.Pati siya hindi niya alam kung mabubuhay pa ang kanyang anak.

"Ma ayaw po kitang iwan pero nahihirapan na ako ma"mahinang sabi ng dalaga habang umiiyak.

"Anak"sabi ng umiiyak na ginang habang hinahawakan nito ang kamay ng kanyang anak.

Anak pwede ka ng magpahinga,ayus lang si mama dito hmm,gusto ko maging payapa ka ah"pangungubinsi ng ginang sa kanyang anak.

"Promise mo sakin anak maging payapa ka at maging masaya na walang halong pagsisi anak ha,magiging maayos lang si mama dito, magpahinga kana mahal na mahal ka ni mama"sabi ng ginang na labis na nasasaktan.

"P-romise mo din ma na-na alagaan mo s-sarili mo ma ah,m-mahal na mahal ko kayo ni papa ma-.............a"sabi ng dalaga hanggang sa huli niyang hininga.






A/N: So ayun nga inedit ko na yung prologue kasi nung una hindi pa ako satisfy eh.I hope magustuhin niyo.Feel free to ask me about dito.Thank you!

Feedbacks and votes are highly appreciation of mine.Please support my story.Thank you(◡ ω ◡)

REINCARNATED AS A VILLAINESSWhere stories live. Discover now