09

2.5K 55 3
                                    

Drea

“Do you take this man as your lawfully wedded husband?” asked by the priest.

“I do.” sagot ko agad.

“I now pronounce you husband and wife. You,” sinenyasan ng pari si Dominic, “may kiss the bride.”

Malaki ang ngiting dahan dahang lumapit sa akin si Dom at inangat ang suot kong belo.

Ipinulupot nya ang braso nya sa beywang ko at hinila ako papalapit, saka dahan dahang nag lalapit ang mga mukha namin.

Napapikit na lamang ako at hinintayng mag dikit ang aming mga labi.

Everyone is cheering. Lahat sila ay nagpalakpakan at ang iba ay sumisigaw ng “Kiss!!”

Malapit nang mag lapat ang mga labi namin ni Dom ng bigla kong iminulat ang mga mata ko.

Nagising ako sa ingay ni Den² kakatawag sa 'kin,

“Mommy! Mommy! Wake up na! It's pass shower time na oh.” hinila hila pa nito ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

Inaantok na tiningnan ko ang anak kong inosente lang na nakangiti sa akin.

Bakit ngayon nya pa ako binalak gisingin? Andun na ako sa kiss the bride scene eh!

Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas singko palang ng umaga.

What the! Ang aga aga pa ah?

Pinanliitan ko ng mata si Den² at mabilis na bumangon sa kama para habolin sya.

Bumubungisngis itong tumakbo palabas ng kwarto namin.

“Aisssh halika dito! It's too early pa!” tawag ko sa kanya at hinabol sya hanggang sa mauwi kami sa maagang kulitan.

Tawa lang ng tawa si Den² matapos ko s'yang maabotan at kiniliti.

“Ikaw, saan mo natutunan maging makulit huh?” patuloy lang ako sa pag kiliti sa kanya.

“M-Momma HAHAHAHA Maaaa e-enough na po” wala syang ibang magawa kundi ang tumawa.

Hindi n'ya kayang harangan ang kamay kong kumikiliti sa kanya dahil sa liit pa ng mga kamay nya.

Kinulit at kiniliti ko lang si Den² hanggang sa lumabas na sila mama sa kuwarto nila.

“Ano bang ingay yan? Ang aga aga! Teka.. Gising na kayong dalawa?” gulat na tanong niya.

Sumunod na lumabas si papa at nakapikit pa ang isang mata nito, “Kayong dalawa talaga. Sinabihan ko na kayong huwag mag iingay ng ganito ka aga”

Umayos kami ng upo ni Den² sa sofa dahil sa seryosong mukha ni papa.

“Hay naku Dreu nagba-bonding lang yang dalawa, hayaan mo na,” lumapit si mama sa amin at kinarga si Den²

“Good morningg lolo, Good morning lola. Maaga tayo ngayon dahil mag sisimba tayo diba?” bungisngis na tanong nya.

Oo nga pala. Sunday ngayon kaya kailangan naming pumunta ng simbahan para magpasalamat.

»»»

8 am.

Kahit ngayong nasa simbahan na kami ay hindi parin nawawala sa utak ko yung napanaginipan ko.

Ang sabi sabi pa naman ay kapag napanaginipan mo, malabo na raw na mangyari yun sa totoong buhay.

Ibig sabihin malabong maikasal kami ni Dominic sa isa't isa?

Ang pangit naman pala ng panaginip na 'yon!

His Silent Agony (COMPLETED)Where stories live. Discover now