08

2.4K 61 3
                                    


Dominic.

Tahimik ang paligid. Andito parin kami sala pero sa pagkakataong ito ay andito na rin si dad.

Tanging hinihintay lang naming mag salita ay si Aurora. Kanina pa s'ya tumahan pero wala pa s'yang planong mag paliwanag.

Dad cleared his throat before speaking. Seryoso ang mukha n'yang nakatingin sa akin.

“I told you to watch over her.” seryoso n'yang sabi.

Kumunot ang noo kong dinapuan ng tingin si Aurora. “Hold on, bakit ako? She's not a kid anymore to be babysitted” pag angal ko.

Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni dad. He's now angry, pero ang galit nya ay hindi n'ya mabunton sa kung sino mang may kasalanan.

I'm not at fault. Bakit sa akin s'ya nagagalit?

Huminga s'ya nga malalim at diretsong nagtanong. “Who's the father?”

Ngayon ay nakatingin kaming lahat kay Aurora.

It's obvious that I'm not the father. Aurora was my personal nurse and in exchange, my parents will pay her and they even take care of her needs.

Good God she's also a baby sister for me. And my parents knew we are not dating. We just have to act like we're dating if ever Drea is around.

Ngayon na okay na kami ni Drea ay tumigil na kami ni Aurora sa pag kukunwari.

And this is what happened pa. She got pregnant.

“Aurora answer me!”

Bumalik ako sa realidad nang marinig kong sumigaw si dad.

Agad kong nilapitan si Aurora dahil muli itong umiyak. Inalo ko sya pero para na naman s'yang bata kung ngumawa.

“Damon, calm down. Mas tinatakot mo yung bata” boses iyon ni mama. Bumuntong hininga lang si dad.

Next thing we heard was dad's chuckle. “See? Bata pa ang tingin mo sa kanya yet she's already bearing a child inside her. Listen Aurora,” taimtim na tinitigan niya ang babaeng umiiyak sa bisig ko.

“Does the child's father know about this?” Dad asked her directly.

Umangat ang ulo ni Aurora at nagmamakaawang tumingin sa akin.

Right at this time alam ko na ang sagot. Malamang sa malamang ay hindi aware ang tatay ng pinagbubuntis n'ya.

“Dad,” tawag ko kay daddy.

Gusto kong tumulong. Malaki na rin ang naitulong ni Aurora sa 'kin. Kaya ako naman,

“Dad, let me explain-

“Manahimik ka Dominic kung ayaw mong pati ikaw ay idamay ko rito.” may diin ang mga salitang binitawan ni Dad.

Parang umatras ang dila ko sa talim ng tingin niya sa 'kin.

Bumuntong hininga na lamang ako. Tiningnan ko si Aurora. “Sorry” bulong ko sa kanya.

Tumango lang sya at umayos sa pag kakaupo. Pinunasan nya ang basa n'yang pisnge saka nagsimulang magsalita,

“I didn't tell him about our baby. Right after I found out that I'm pregnant, I broke up with him. Tito, I'm really sorry for disappointing you. Gusto kong palakihin ang anak ko ng mag isa, ayokong ipagpilitan s'ya sa tatay n'ya.” umiiyak na pagpapaliwanag n'ya.

His Silent Agony (COMPLETED)Where stories live. Discover now