Chapt. 10: Cold Treatment

167 12 0
                                    

I dedicate this chapter to @reith2004 Viochu , lekxoxo for voting me! ♥
Thankyou also to @rumskiiee @cutiecheska23 @sambalingasay24 for following me. ♥

-------------------------------

Hatch's P.O.V

Pinaandar na ni Matt yung sasakyan nya, si carla hihi. Grabe ang sarap pala sumakay sa sasakyan eh. Wala kasi kaming ginawa kundi lumipad ng lumipad. T-teka.. ang sakit parin ng likod ko.

"Oh baket?" Tanong ni taga lupa pero hindi nya inaalis yung tingin nya sa daan.

"Uhmm.. ano kasi, masakit parin yung likod ko" sagot ko habang kinakapa ko yung likuran ko kung san banda masakit.

"Baka dahil yan sa pagkalaglag mo-Hahahaha! " hala? Makatawa to. Bakit ang saya nya?

Sa sobrang bilis nya mag patakbo nilipad yung hat ko na suot suot ko. Hawak hawak ko kasi ito pero binitawan ng kanang kamay ko para kapain yung masakit sa likod ko tapos ayun.. babye hat T.T ~

Tumayo ako habang nag mamaneho sya pero kumapit ako sa inuupuan ko para di mahulog. Malapit ko na sana maabot yung sumbrero ko kaso b-biglang tumaas yung p-palda ko. Bigla ko tong hinawakan at umupo. Dahil sa kagustuhan ko makuha yung bagay na binigay nitong taga lupang to, eh hindi ko na namalayan maigsi lang pala yung damit na suot ko.

"Wag kang mag alala, di ko naman pag sasabi sa iba na kulay pink yung panty mo-HAHAHA!"

Lalo tuloy ako nahiya, pakiramdam ko lahat ng dugo ng katawan ko pumunta paakyat sa mukha ko. A-at.. at.. nakita nya talaga ang panloob ko.

Tumahimik ako ng ilang minuto. Tapos may tumawag sa cellphone nya, yun daw tawag dun eh, tapos de-pindot yung sa kanya dun sa salamin. Patawad, di ko alam tawag dun eh. Nainis ata sya? halata naman sa mukha nya. Hindi narin sya kumibo, bakit kaya?

"Ahm. Tag-lup-- "

"Nandto na tayo" mabilis nyang sagot at pumasok sa isang malaking bakal na gate. Pero mas malaki padin yung sa langit, at ginto pa. Hehe. Tapos pinuwesto nya muna ng maayos si carla at hininto ito. Bumaba na sya at hinihintay ko na sabihin nya sakin kung ano ang gagawin ko pero wala, kaya bumaba na ko at sinundan sya.

Nasa likuran nya ko at napansin ko na ang daming taga lupa ang nakatingin samin ng matatalas at masasama. Bigla akong natakot at di ko namalayan na huminto si Matt at nauntog ang ulo ko sa likod nya.

May narinig akong nag salita,  tumingin ako sa kanya na parang sumisilip mula sa likod ni Matt. Isang babaeng maganda at maputi ang nasa harapan namin. Naka suot sya ng uniporme na katulad kay Matt. Matangkad sya at singkit ang mga mata nya. Ngumiti sya kay Matt nung napansin nya ko sa likod nito.

"So, you got a new girl" sabi nya. Napasilip naman ako sa mukha ni Matt at ang sama ng tingin nya sa babae.

"What are you doing here?" Tanong ni Matt habang nag pipigil sugurin yung magandang babae.

"To study? Like duh Matt, school kaya to. Atsaka, dito ako pinasok ng parents ko, at bilang ikaw naman ang may ari neto, diba you should accompany me to where the registrar is?" Tinanong nya rin si Matt.

Hala, ang galing naman mag inggles nito, ako kasi kaunti lang alam ko eh. Pero naiintindihan ko naman.

"But if you don't want, it's fine" dugtong pa nya.
At nag lakad na sya kabaliktaran sa direksyon kung saan kami pupunta. Yumuko ako dahil ang daming taong nakapalibot samin. Nahihiya ako. Narinig ko na paalis na yung babae dahil sa takong ng sandals nya. Pero bago sya makalagpas kay Matt may binulong sya.,

"At mag ingat ka, baka lokohin ka lang din ng babaeng kasama mo, gotta go." At tuluyan na syang umalis. Hindi gumagalaw si Matt. Anung nangyari? Ok lang kaya sya?

Hinawakan ko sya sa braso para lumingon sya at "Mat-- "

"Don't touch me! " napatalon naman ako sa sigaw nya. G-galit ba sya? B-bakit sakin? Wala naman akong ginagawang mali ah.

Yumuko ako at nag simula na syang tumalikod sakin at nag lakad. Sumunod nalang ako at.. bumagal ang lakad nya. At dahil doon, napa bangga nanaman ang ulo ko sa likuran nya.

"Pwede bang lumayo ka sakin?" Mahinahon ang boses nya pero di ko makita ang mukha nya dahil sa nakayuko lang ako. Ang sakit ng dibdib ko,.
Tumango lang ako bilang sagot.

Nag lakad sya at sinundan ko sya. Pero ngayon, may distansya na. May binuksan syang isang pinto at pumasok dun. Pumasok din ako at ang lamig naman dito. Nakita ko yung kahon na puti, aircon daw ang tawag doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil maikli lang yung damit ko.

May nakaupo doon na isang lalaking matanda, nakasalamin, kulot at medyo may kaputian na ang buhok nya. Nakasuot sya ng desente at sa lamesa nya may nakapatong na parihaba na kahoy na nakasulat na Dean Gregorio Reyes

"Paki enroll to. " sabi ng taga-lupa dun sa matanda.

"Who's she?" Tanung nung matanda. Mukhang nakalimutan ata nilang nandito ako para pag usapan ako ah. Hm? Enrol? Ah, ipapasok nya nga pala ako sa paaralang ito.

"Just somebody. My maid I guess" napalingon ako sa binatang nasa harapan ko. B-bakit.. s-sabi nya pinsan pero ngayon, katulong..

Bigla akong nalungkot.

"Ok Mr. Hunter. I'll call you nalang pag tapos ko ng interview-hin sya." Sabi pa ni Dean Greg. Greg nalang, ang haba kasi po eh. Tumango nalang yung taga lupa.

Hindi nya ko pinansin nung lumabas sya sa kwartong ito. Hindi ko rin napansin na kinakausap ako ni Dean Greg, ngumiti sya sakin at sabi,

"Iha, what is your full name?"

Ahm. Full name ko? Buong pangalan?

"Hatch. Hatch lang po."

Kumunot yung noo nung matanda at sabi nya pumunta daw ako kay Matt para alamin yung totoong pangalan ko baka daw kasi nakalimutan ko lang daw. Kahit nakipag talo pa ko sa kanya, nag pasya akong sundin nalang sya at lumabas na ko ng kwartong iyon.

Ang laki ng paaralang ito, may palaruan, kainan, mga bilihan ng damit, eskwelahan ba talaga to? Bigla ko lang naalala na di ko nga pala alam kung nasaan si Matt ngayon, pero nawala ang pag aalala ko nung nakita ko sya sa isang puno na may kausap na magandang babae. Bagong kasintahan nya siguro.

Papunta na ako sa direksyon nya ng biglang may humarang sa dadaanan ko. Ngumiti ako sa kanila at nag patulog mag lakad pero hindi sila umaalis. Anung meron?

"Ikaw, bago ka lang dito pero kung makadikit ka kay Prince Matt akala mo kung sino ka ah." Sabi ng isang babae,

"Oo nga, akala mo naman kagandahan ka eh ang panget mo nga eh Haha." Yung pangalawang babae naman.

"Hindi ka bagay dito no!" Dugtong pa ng pangatlong babae at tinulak ako ng malakas. Napaupo ako bigla sa isang damuhan pero.. pero basa ito at may mga putik. Nadumihan na ang damit na bigay nya.

Hala pano ito? Tanong ko sa sarili ko at napansin kong napatingin dito si Matt pati yung babaeng kasama nya. Patuloy pa din sila sa pag bibigayan ng magagandang mga ngiti at tila ba'y hindi nila napansin na may umaapi sakin.

Bumalik ako sa katotohan nung naramdaman kong may mainit na bagay ang dumampi sa balat ko. Tinapunan ako ng mainit na likido na hawak hawak nila na may nakasulat hot chocolate. Napabulong ako ng ang sakit sa sarili ko.

Umalis na ang tatlong demony--este babae sa lugar kung nasan ako. Para tong isang hardin. Kasabay ng pag alis nila, ang pag patak ng luha ko sa pisngi ko habang nakatitig sa taga lupa na masayang umalis at hindi man lang ako tinulungan.

B-bakit.. bakit ganun sya? At umiyak na ko ng tuluyan.

_________________________________
Short update xD hehe. Please read my 2 other books. Entitled It's Him Again (welcome back) & Your Nerdy Chick.

Do follow me guys para madedicate ko sainyo next Chapter ko ♥
~ Ree/iyakin.

Cupida: The fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon