Chapt. 3: MISSION FAILED

196 12 0
                                    

Andito na ko sa lupa ngayon.

"Yehey!" Masaya kong sabi habang palipad-lipad.

Nag hahanap ako ngayon ng mga papanain ko. Hayy. Kanina pa ko nag iikot ikot dito.

Pilipinas ata tawag dito sa bansang ito. Hm.. Magaganda ang mga lugar dito napaka saya nila panuorin. Mga mapag mahal. Ngunit, hindi maiwasan na mag away sila laban sa isa't isa. Lalo na ang mga nag mamahalan. Hayy.. nakakalungkot lang isipin..

'Teka, dapat hindi ako nag papadala sa imosyon ng mga tao diba?' Tanong ko sa rili ko habang umiiling-iling..

"Umalis ka na, hindi na kita kaylang.. p-please.."

Napatulala ako sa nakikita ko.. isang babae, ang ganda niya. Ngunit umiiyak sya. Bakit?

"Ayoko. Mahal kita Marie. Maniwala ka.. kaylangan kita.." sabi ng isang lalaki.

Wait, kasintahan nya ba yun?

Napapaiyak nako, hindi ko na kaya ang nakikita ko. Itinaas ko ang bow ko, at kumuha ako ng isang arrow at ipinuwesto ito..

Hayy.. mag kaayos na kayo please.. bulong ko habang nakapikit ako. Pag bukas ng mata ko sabay ng pag bitaw ng kamay ko sa string.

*whoosh~*

Ngumiti ako.. nararamdaman ko ang kalalabasan nito. Pag katama ng pana sa babae, lumiwanag ang mukha nya.

"Mas maganda kang tignan" sabi ko habang nakangiti.

Niyakap ng babae yung lalaki. Hm.. Tinulungan ko lang siya ilabas ang tunay niyang nararamdaman.. At yun nga, Mahal niya din ang lalaki.Mahal na mahal.

Lumipad nako ulit upang mag hanap ng bagong papanain yehey! Ang saya saya naman. Nakatulong akooo ~

Tumigil ako sa itaas ng isang bahay. May naririnig akong nag sisigawan  at nag aaway..

"Ayan ayan! Umiinom ka nanaman. Anu bang gusto mong mangyari ha?!" sigaw ng isang medyo may edad na babae.

Mag asawa na sila.. ngunit nag aaway parin sila. Hayy..

"Hon, wag ka ng magalit *hik* gusto ko lng uminom *hik* di ko alam kung bakit.. mahal mo pa ba ko ha.. *hik*? " tanong ng lalaki.

Grabe, lasing na lasing talaga siya.

"..."

Teka.. bakit hindi niya masagot??

"Teka *hik* bakit hindi mo masagot ha?

*hik hik* hindi mo nako mahal no?"

"…" hindi parin sumasagot ang babae.

Itinaas ko ang pana ko, at handa ko ng bitiwan..

*whoosh~*

Sa pag bitiw ko ng pana ko, hiniling ko na mag kaayos na sila, at ipag patuloy ang buhay nila na kaagapay ang isa't isa.

"Mahal kita hon.. mahal na mahal"

ngumiti ako sa sinabi ng babae. At niyakap nila ang isa't isa na puno ng pagmamahalan.

Umalis nako, at masayang lumipad. Isa nalang.. isa na lang at matatapos na.

Nag pahinga muna ako. Anong oras na kaya?? Tanong ko sa sarili.

Bumababa ako dito sa isang daanan na may mga sasakyan at madaming estudyante na nag lalabasan sa isang eskwelahan.

Mga kolehiyo?

Tumabi ako sa isang estudyante na may relos. Tumingin ako sa oras.

5pm na pala' mag tatatlong oras nako dito kaylangan ko ng matapos ito..

May nakita akong isang dalaga na umiiyak.

Ganyan ang pag mamahal, iniiyakan..

"Tumigil ka Matt. Alam kong mahal mo ako. Diba??Tanong ng babae habang umiiyak.

"Anung iniiyak iyak mo dyan ha? Hindi kita mahal Ana. Never kitang minahal." Sabi ng lalaki.

Sobra naman siyang mag salita..

"H-hindi yan totoo'. M-mahal mo ako.. diba ang sayasaya pa natin kanina?? Matt, i love you.."

"Hindi Ana. Hinding hindi. Niloko lang kita, tanggapin mo na yun! Atsaka, hindi ako cheap para pumatol lang sayo"

Aba! Sumusobra na siya ah..

T-teka. Ang hirap huminga..

Tinaas ko ang pana ko..

" Hindi kita mahal Ana. Asa ka! Haha!"

T-tumigil kana. P-please.. tinutok ko ang pana ko.. nanginginig ako.. umiiyak nako.

"niloko lang kita Ana napaka assuming mo naman," ngumise ang lalaki habang natatawa..

Wala.. binitawan ko na ang pana ko. Kinakabahan ako..

*whoosh~*

Tumigil ka na taga lupa.. wala kang puso..

Tumama ang pana sa kanya, pag sabay nun ang pag pikit ko..

"Tingin mo ba seseryosohin ko ang katulad mo? Tss. Hindi ako napatol sa katulad mong desperada" pag patuloy pa nya..

napamulat ako bigla, at masamang tumingin sa kanya..

H-Hindi.. hindi maaari..

agad akong bumaba sa lupa.. sa pag sayad ng paa ko, para akong nakuryente. Pero di ko yun pinansin dahil sa galit ko.

Lumapit ako sa lalaki at sinampal siya. Sa pag dampi ng kamay ko sa balat niya para nanaman akong nakuryente..

"Fvck. Who the hell are you?!" Tanong nya..

T-teka.. n-nakita nya ko.. nakikita niya ko.. hindi maaari..

Pumikit siya.. at sa pag mulat niya tila siya'y nag tataka.. kasabay nun ang dahan dahang pag lipad ko ng kusa..

Teka.. anung nang yayari?.. t-teka..

Nakita ko si Guru.. at malungkot siya..

Bakit sya malungkot??

"Hindi mo nagawa Hatch.. " umiiling na sabi ni guru..

hindi parin ako tumitigil sa pag iyak.

Bakit.. bakit ang bigat sa pakiramdam..

Bakit ang sakit sakit..

Napapikit ako.. ang bigat talga sa pakiramdam..

Habang humihikbi ako.. bigla na lang dumilim.. wala akong maalala kung anung nangyari kundi ang pag bagsak ko patungong lupa..  at ang pakiramdam na yun...

Ang sakit sakit..

______________________________
Say whaaaat? ^^

~ Ree.

Cupida: The fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon