Chapt. 7: Fear of Dark?

153 13 0
                                    

Hatch's P.O.V

Siya pala si Matt.. pero bakit sa kanya pako napunta? Eto ba ang gusto ni Ama? Eto ba yung next mission ko? Pero hindi eh.. Itinakwil nako sa ulap. At ipinadala dito lupa. Anu ng gagawin ko? Kakayanin ko bang mabuhay dito? Hayy..

Binuksan ko ulit yung malaking kahon na bakal. Nakakatuwa lang kasi may malamig na hangin to sa loob, feeling ko tuloy nasa u-ulap ako..

Bigla akong nalungkot nung naisip ko yung ulap. Makakabalik pa kaya ako dun? Makikita ko pa ba sila Gurung Eros at si Aimee? Magiging Cupida parin ba ako?

Kumuha ako ng mansanas na nakalagay sa kahon na malamig. Ang galing naman, pati ung prutas malamig. Teka, anu to?

Kinuha ko yung isang bote. Malamig din siya. At parang may kahoy na pabilog na naka takip dito. Tapos ang naka lagay 'Imported Red Wine' ahh..

Anu ung Red Wine? Inumin ba to? Masarap kaya ito? Buksan ko kaya? Nag hanap ako ng pang bukas dito. Pero kutsilyo lang ang alam ko. Nung una ayoko hawakan dahil alam ko makasalanang bagay to, kadalasan ito ang ginagamit sa patay. Pero naisip ko din naman na hindi naman lahat ng kutsilyo ay makasalanan. Hihi.

kinuha ko ito , naka tusok to sa isang kahon na kahoy, andami namang kutsilyo dito? Umupo ako at ipinatong ung bote sa lamesa. Tinusok ko yung maliit na kutsilyo dun sa takip at hinila ito. Yehey!~ nabuksan ko.

Inamoy ko muna. *amoy amoy*

"Anu ba to? Bakit ang iba ng amoy? Bakit parang kakaiba?"

Bahala na nga. Nilagyan ko ung isang baso. Tapos ininum ko..

Eh? Bakit ganto ang lasa? Mapait sya. pero mga ilang segundo lang masarap na sya sa panlasa. Nag lagay pa ko sa baso at ininom to.. nakailang inom narin ako at halos naubos ko na yung inumin.

"Ang sarap gus--aray.. a-ang sakit ng ulo ko.." tinangka ko tumayo pero biglang sumakit ang ulo ko at nakaramdam ako ng antok..

Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa at pumikit.. gusto ko talga matulog.. at  dahil sa pakiramdam na yun, hinayaan ko ng makatulog ako ng mahimbing.

Matt's P.O.V

Nandito nako kila Nikka. Mag sisix pm na nung umalis ako ng condo. Kamusta na kaya yung taga bundok na yun? Ay mali, yung takas mental pala.

Ok lang kaya sya? Kumain na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya? Hayy nako matt, bakit mo ba kasi sya inaalala. May date ka oh. Haha. As if namang mag seryoso ako sa date na to. XD

*ding dong, ding dong*

Pinindot ko ulet ung doorbell ng dalawang beses. Anu ba yan, ang tagal nya.  Pa chix?

Pipindutin ko na sana ulit ung doorbell nila na malapit ng masira kakapindot ko ng biglang,

"Hi baby" ngiti nya sakin.

"Hi babe" I smiled at her sweetly.

"Lets go?" Tanung ko.

Tumango lang sya. sumakay na kami sa kotse. Ang dilim naman dito sa street nila, puro puno at ang tahimik. Aswang ba to? Haha. Ako na mapang lait. :)

Nag dadrive ako. Ang daldal ni Nikka, andaming sinasabi di ko nga pinapansin eh. Haha. Kakainis kasi. Tinatanung ako kung anung favorite color ko, food, drinks and etc. Anu to Autograph?! Haha xD kakatawa lang sya.

"We're here." Inimik ko na. Kawawa eh, nakamangot na haha. saya ko ata? hm.. ewan din eh. Pero parang kinakabahan ako.. bakit kaya?

Bumaba na sya at pinulupot nya ang braso nya sa kanang braso ko. anu ba yan parang linta naman to. Hm.. nandito kami ngayon sa Max's Restaurant. I-enjoy ko nalang siguro to? At ayun, umorder na kami.

Kamusta kaya sya?

Hatch's P.O.V

Nagising ako at.. "a-aray ko po.." napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit. Dahil kaya ito sa ininum ko?

*grr~* hala. Tunog ng tyan ko? Pero ang mga anghel di naman nakakaramdam ng guto--ay oo nga pala, di na ko anghel. Hayy..

T-teka.. a-asan ako?.. alam ko na sa kusina daw ako sabi ni M-matt.. di ko mabanggit pangalan nya. Makasalanan sya eh. Hmp.

Tumayo ako ngunit, "a-aray. Ang sakit" tumama ang tuhod ko sa isang matulis na bagay..

Bakit ba ang dilim dito? Bakit walang liwanag?.. n-natatakot ako.. hindi ako sanay sa dilim.. s-sa langit kasi laging may liwanag.. kahit pag gabi, ang buwan ang ilaw namin..

Tama.. may ilaw dito pero nasaan? Hindi ako maalam sa mga bagay at gamit ng mga tao.. pano ba to... naiiyak nako. Natatakot talaga ako.. a-ayoko ng ganto.

Nasan ka na ba Matty.. ?

___________________________________

Sorry kung maikli, at di ko na to chineck kung may mali  v^^ hehe xD bawi ako sa next chapter pero baka matagalan dahil busy sa Thesis at 4th periodical namin sa Monday ;3
Anyways, thankiss! :* keep still po :)
~ Ree.

Cupida: The fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon