Chapter 15

7.7K 86 12
                                    

Naging abala si Sarah ng mga sumunod na araw. Nag concentrate siya sa trabaho. May shooting , may rehearsal, photo shoot . Hindi pa rin siya tinitigilan ng mga reporters sa issue tungkol sa kanila ni Gerald, issue tungkol kina Gerald at Maja.

Nagdesisyon na rin siyang pumirma uli ng kontrata sa ABS CBN. Matagal niyang pinag isipan kung dapat pa ba niyang i renew ang kontrata niya o lumipat na lang ng ibang network. HIningi din niya opinion ng mga magulang at mga taong namamahala sa career niya. Sa bandang huli , may mga pinabago lang siya at hiniling at ng ibinigay naman ay pumirma na siya uli kasama ang manager niyang si Boss Vic. Anduon din mga big bosses ng ABS CBN.

Duon natanong na naman siya ng media. Tinanong siya kung sa palagay ba niya ay maapektuhan ang friendship nila ni Maja ngayong nababalitang may relasyo na sila ni Gerald.

"Maja is old enough to know what she is doing. Kung anuman po ang desisyon niya sa personal na buhay niya, karapatan po niya yun."

"Sinabi ni Kim na nagpaalam daw si Maja sa kanya bago ito nakipag date kay Gerald, saiyo ba nagsabi si Maja?" Tanong ng isa pang intrigerong reporter.

"Wala, wala naman pong kailangang pag-usapan sa amin ni Maja. Basta ako gusto ko na lang po munang dumistansiya muna ng hindi na ito gumulo ng gumulo at lumaki ng lumaki. Si Maja matanda na din, alam na po niya ang ginagawa niya at desisyon niya. Hayaan po natin siya."

"Kung andito ngayon si Maja, ano message mo sa kanya?" Ayaw pa ring tumigil na tanong ng isang reporter.

"I wish her true love.Totoong pagmamahal. Siyempreevery girl deserves true love as in'yung paninindigan talaga siya."

"Mukhang may halong paring na naman yan." Pahabol ng reporter.

"Bahala na po kayong mag interpret ng sinabi ko. Yung sa akin , tutuong wish ko yun sa kanya at sa lahat ng babaeng nagmamahal at magmamahal. Sana naman po tigilan na ninyo kami. Kung maligaya na sila, hayaan na natin sila. Hayaan na rin po ninyo akong mag move forward. Sana huwag na ninyo ako uling tanungin about them." Pakiusap ni Sarah sa mga press na nanduon.

"What about Sam Milby? Tutuo bang nanliligaw na siya ngayon saiyo? Di nga ba at siya ang unang una mong naka date na wala kang kasama. Kayo lang dalawa? Marami ang nagsasabi na si Sam Milby na daw ang bago mong inspirasyon."

"Matagal na kaming magkaibigan ni Sam. Idol days pa. Tutuong lumabas kami , nag dinner kami. Kami lang dalawa pero hindi siya nanliligaw sa akin. Inamin naman na niyang gusto niyang ligawan si Shaina di ba? Huwag na nating bigyan ng malisya ang pagiging magkaibigan namin."

"Tutuo bang siya ang na daw ngayon ang madalas na magbantay sa rehearsal mo na dating ginagawa ni Gerald?"

"HIndi naman, nanduon siya kasi guest din siya at isa siya sa mga co hosts ko." Paiwas na sagot ni Sarah. Nakakaramdam na ng pagka asiwa ang dalaga sa mga tanong ng mga reporters. Alam niya hindi tutuo lahat ng mga sagot niya pero kailangan niyang magsinungaling para hindi na humaba pa at hindi na sila maintrigang tatlo nina Shaina at Sam.

Tinanong din si SArah kung ano masasabi niya sa mga kumakalat na balitang ngayong wala na sila ni Gerald ay mukhang marami ang nakahandang pumila para manligaw sa kanya. Binanggit ang pangalan nina Kean Cipriano, Matteo Guidicelli, Dondon Hontiveros maging si Christian Bautista.

Napapailing na lang si Sarah. "Wala naman po akong naririnig na ganyan. Isa pa sa ngayon, concentrate muna uli sa trabaho. Malaking blessings nga po na napakaraming trabahong naghihintay sa akin. Duon muna ako magpapakaabala.

Akala ni Sarah ay tapos na ang tanong tungkol kay Sam ng isang malapit na reporter kay Sam ang bigla na namang nagtanong tungkol sa binata.

" Pasensya na Sarah kasi kaninang sinabi mong talagang magkaibigan lang kayo ni Sam at si Shaina ang talagang nililigawan niya, nag text ako kay Sam agad agad at tinanong ko siya. Heto ang sabi niya, yes , we have gone on about three group dates already and so far , everything is just platonic between us. Nothing romantic or what so ever. Ano masasabi mo dun?" Tanong ng reporter matapos basahin ang text ni Sam.

Nag-iisang IkawOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz