Three

100 15 0
                                    


"Hoy, Terrie. Magsi-six PM na, baka gusto mo nang umuwi at iuwi na lang yang homework mo?" tanong bigla sa akin ni Rina. I am doing my homework in the campus because I don't want any hassles. Gusto ko kapag nasa bahay ako, family lang and other social life. Madali kasi akong madistract.

Sinara ko naman na ang notebook ko dahil tapos naman na ako. I checked my phone. .

From: Kuya Tim
Baby sis, uwi ka na. Baka nag-aaral ka na naman diyan. Masarap ang ulam kasi si Papa ang nagluto. Huwag mong sabihin kay Mama ah. Hahaha. Keep safe :*

I can't help but to supress a smile. Yung kuya ko na yun, maloko pero sweet. Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Hindi talaga kasi ganoon kagaling magluto si Mama, pero dahil na rin nasanay na kami sa kakaiba niyang lasa, wala na kaming nagawa at hindi na kami nagreklamo. Healthy food naman kaya okay lang. Si Papa kasi palaging busy sa trabaho. Siya talaga ang great cook. Idol nga ni Kuya Tim eh.

"Oy ano yan? Uy may boyfriend na siya. " asar nitong katabi ko.

"Tuleg, si Kuya Tim yung nagtext. " depensa ko naman. Namula ang pisngi niya. Gotcha! Alam kong may pagtingin si Rina kay Kuya Tim pero torpe 'tong kaibigan ko. And wondering kung bakit hindi ko tinutulungan si Rina para maging sila ni Kuya? It's because I am not the destiny and I am no cupid. Bahala sila. Haha.

"Sige, gotta go. " sabi ko na lamang.

Sumakay na uli ako ng jeep. Palagi akong nakatingin sa labas, I'm just wondering, and I guess, hoping to see him. Pero parang sa sinabi kong iyon ay para ko na ring hinihiling na magkaroon ng shooting star sa umaga.

Malapit na akong bumaba sa bahay namin pero hindi ko pa rin siya nakikita. Maybe I am assuming so much. Sorry, God.

"Manong, para po. " sabi ko at huminto ang jeep. Dahil nga maraming nagdadaang jeep ay napahinto ako sa gitna ng kalsada. Safe naman siya dahil hindi kaskasero ang mga jeepney drivers dito. Hinihintay ko munang makadaan ang isang jeep bago ako tumawid sa kabilang banda para makasiguradong hindi ako madidisgrasya.

Pero hindi ko inaasahang lulan ng jeep na iyon ang kanina ko pa hinihintay.

Medyo mabilis ang takbo ng jeep nila at alam kong nakatingin na naman siya sa akin. Napatingin rin ako sakanya, I don't know why kaya ang lagay eh, hindi pa ako tumawid kahit na wala ng dumadaang jeep. Medyo malayo na ang jeep na sinasakyan niya but I saw him peeped.

Nang tuluyan nang makaalis at hindi ko na siya maaninag ay saka ko lang naalala na kailangan ko nga palang tumawid.

But before I knew it, I can feel my lips forming a wide smile. And now I started to wonder, does time really stopped whenever he is passing by?

Just A GlimpseWhere stories live. Discover now