Two

129 17 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw. .

"Terrie, tara kain tayo sa Jollibee. Kanina pa ako nagugutom eh. " yaya sa akin ni Rina, one of my closest friend. Hindi naman na ako tumanggi dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Sobrang busy lang namin kasi exam na naman next week at siyempre kailangan pa naming ipass ang aming mga portfolio. I am taking up BEED, because I am fond of kids. Teacher din ang mama ko and as I can observe, she enjoys it .

"Malapit na pala tayong mag-final exam ano? Makakapagbakasyon na tayo sa wakas. " natatawang sabi niya.

"Kaya nga. Tingnan mo nga yang eyebugs mo, pagpahingain mo na. " then I let out a hearty laugh. She snorted. Hahaha.

Nasa gilid lang ng school namin ang Jollibee at ang Jollibee naman ay nasa gilid ng kalsada. Habang naglalakad kaming papuntang Jollibee ay maraming nagdadaang jeep.

"Yung mga requirements pala sa ---- "

May nagdaang jeep at napatingin ako sa mga pasahero nun. Ngunit bigla na namang kumabog ang dibdib ko nang makita ko na naman ang lalakeng nakatingin sa akin noong nagdaang araw. And he is looking at me, again. Ngayon ay medyo napagmasdan ko na ang mukha niya. I wasn't wrong, he's handsome eventhough it was just a glimpse.

Pero naputol na lamang ang pagtitig ko sakanya nang mabilis na umandar ang jeep nila.

"Ano? Kanina pa ako naghihintay ng sagot mo rito, what happened to you? Hello?" napailing na lamang ako. Nakalimutan ko nga palang may kasama ako. Ni hindi ko man lang narinig ang mga pinagsasabi niya.

Because you were too preoccupied , Terrie.

Singit ng utak ko. I wouldn't deny that. Pero naalala ko na naman yung lalake.

And a question popped on my head. Why can he suddenly make me feel like we are the only person in the world having that connection?

Just A GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon