CHAPTER 1

103 10 0
                                    

KIPKIP ang mga papeles pilit pinapakalma ni Maeve ang kanyang sarili. Every time she entered her boss office she always felt shivered. Sinong hindi kakabahan kung haharapin mo ang isang malaking dragon na ano mang oras ay maaari kang bugahan ng apoy? Humugot siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto nito.

"Come in!"

Kagat ang pang-ibabang labing pumasok siya sa loob. Nakayukong naglakad siya patungo sa mesa nito at iniabot ang mga papeles.

"Iyan na po lahat ng pinapakuha niyong papales kay Sir Rom, boss."

Trane Hieven Vegafria, isa siyang maimpluwensiyang tao. Mabilis niyang napapasunod ang iba sa nais nito. He's always cold and emotionless, sobrang tipid kung magsalita ngunit kapag silang dalawa lang ay may nasasabi naman ito.

Ang ayaw lang ni Maeve sa ugali nito ay ang walang pusong tinatanggalan nito ng trabaho ang mga empleyadong salungat at nagkamali lang ng isang beses. Ngunit kahit ganoon ito ay hindi maiwasang ni Maeve na makaramdam ng pagkagusto dito. Despite of his flaws Maeve still inlove with him.

Nang hindi ito sumagot ay nagtaka si Maeve, she slowly lifted her head to look at him but her eyes wided when she saw him staring at her intently. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at yumukong muli.

"M-May kailangan pa po kayong ipagawa, boss?"

Hindi na niya sinubukang i-angat pang muli ang kanyang paningin dahil sa oras na iyon ay ramdam niya ang mainit na titig nito. Naiilang siya sa klase ng titig na ibinibigay nito sa kanya.

Ang pamilyar na tibok ng kanyang puso ay namayani sa kanyang dibdib. Ang bawat pintig ay mabilis at hindi nagpapaawat sa kanya. Her heart was always like that every time Trane is around. Isa din sa kanyang kahinaan ay ang kakaibang mga mata nito kaya kahit ilang segundo man ay hindi niya magawang tumitig dito.

"You're three years working with me but still you can't look at my eyes directly. Don't you wanna see me?" he sounded so offended, but it felt like he was only doing that so he would get her attention.

"H-Hindi naman sa ganoon, boss."

"Then look at me, Maeve..." her name sounded so charming when it slipped from his lips.

Napalunok siya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya matingnan ito ng direkta sa mga mata... kung bakit naging isa ito sa kanyang kahinaan. Sa ibang lalaki ay hindi naman siya ganoon, kaya niyang makipagtitigan kahit ilang oras pa. Naiiba lang talaga si Trane sa kanila. Sa klase ng tinging ibinibigay nito ay pakiramdam niya hinihigop ang kaluluwa't lakas niya. Nanghihina ang mga tuhod niya kapag nagsisimula na naman itong titigan siya animo'y nakikita nito ang kaloob-looban niya.

Bumuntonghininga siya saka mariing umiling dito. "M-May gagawin pa pala ako, boss."

Naramdaman niya ang pagtayo nito. Bigla siyang kinabahan nang makita sa gilid ng kanyang mata ang bulto nitong papatungo sa kanyang puwesto. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at lalo lamang na yumuko.

"I said look at me."

Muli lamang siyang umiling. She can't do that. Napalabi siya ng maalalang ganito lagi ang takbo ng usapan nila. Anong magagawa niya kung hindi niya talaga kayang makipagtitigan dito? Bakit ba pinipilit pa nito iyon, nababadtrip tuloy siya.

"May kailangan pa kayo, boss?"

"Stop calling me that!"

Nang mag-angat siya ng tingin kay Trane ay nakatingala ito, mariin na nakapikit at napabuntonghininga. Mukhang nabigyan niya pa yata ng problema.

"But you're my boss and I am just your employee. Empleyado mo kaming lahat dito at kinakailangan naming tawagin ka sa ganoon bilang pagrespeto."

Nagsalubong ang kilay ni Trane. Pagkatapos ay biglang dumaan ang dilim sa gwapong mukha nito, wala pa ding emosiyon ang mga mata. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit agad namang napatigil. It reminded her of an angry beast.

CEO Unexpected Heartbeat (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon