SC: If It's Not You...

1.4K 63 13
                                    

I D A L I A     A G U I L E R A


"Sure ka bibigyan mo ng second chance si kuya?" Tanong ni Bettina habang kumakain ng fries.


Kinunotan ko sya ng noo at napa-huh na lang sa walang kwenta nyang tanong.


"Di uso second chance." Bettina shrugged and continued eating. Umiiral na naman ang pagka-bitter nitong babaeng 'to.


"Huhugot yan, pustahan tayo. O kaya magpaparinig." Bulong ni Minxielle na katabi ko. Inabangan namin ang susunod na sasabihin ni Bettina.


"Ako nga di nabigyan ng second chance eh." Pagpaparinig nito. Napatawa kami dahil tama nga si Minxielle. Nagparinig nga si Bettina. As if naman babalik sakanya yung tao kung magpaparinig sya.


"Ang bitter mo teh." Usisa ko at inirapan sya. Umirap din ito pabalik bago nag-mura.


"Ampalaya ulam nyan araw-araw eh." Asar din ni Primera. We laughed, knowing full well why Bettina is like that.


"But seriously, Ida... You and kuya Asher are talking again?" Chanel asked and I shrugged.


After I met Asher once again on Leal and after he explained things at sinabing ako naman daw ang hahabulin nya. Hinahayaan ko na lang syang gawin ang gusto nya.


That night, he came to my house na ikina-gulat ko. Akala ko okay na sya dahil nasabi nya na ang gusto nyang masabi, hindi pa pala sya panatag duon.


He asked my mom if I can court him. Noong una ay naguluhan at nagulat si mama dahil hindi ko naman kinukwento ang tungkol kay Asher. She agreed, nontheless. On the condition of he won't hurt me.


Pagkatapos ay muli akong kinausap ni Asher. He told me if we're okay na. Binalik ko na lang ang tanong sakanya dahil hindi ko alam ang isasagot. Sinabi nya sa akin na totoo yung mga sinabi nya at gagawin nya talaga ang balak nya.


After that, nagsimula na syang kulitin ako. Sending me random texts and what-nots. He'd ask me on a few dates and sometimes I say yes. Pag hindi naman ako pumapayag sya mismo ang pumupunta sa amin para lang makasama ako.


I just went with the flow. Hindi alam kung saan patungo itong ginagawa nya. Sa masakit na destinasyon na naman ba?


O baka ngayon, sya at ako na?


Kumagat na lang ako sa hamburger ko at nagkibit-balikat.


I still have my doubts. Wala naman akong superpowers para malaman kung ako na ba talaga tinitibok ng puso nya, duh?


Titingnan ko muna kung anong balak na gawin ni Asher. Then, I'd also be the one to judge if he deserves my love once more.


A part of me agrees to immediately giving him a chance. As much as I would like that, I can't afford to get hurt again.


"I just hope you'd get the love you deserve this time, Ida." Sinserong saad ni Justice bago ako nginitian. Nginitian ko sya pabalik.


"Ano ba yan, mga sad girls kayo. Eww." Anas ni Minxielle. Sinamaan naman sya ng tingin ni Bettina.


"Wow ah. Porket in a healthy relationship ka na." Saad nito. I can hear a tint of jealousy in Bettina's tone. Nalungkot naman ako para sa kanya.


"Syempre. Di kasi ako tanga tulad nyo." Minxielle retorted. Chanel, Justice, Bettina and me all scoffed at what she said.


"Eww ka, Xielle! I saw you and Zavier devouring each other's lips kanina kaya!" Malakas na saad ni Chanel kaya napatawa kami.


Alluring The Ashes (The Youth #5: Asher Cuevez)Where stories live. Discover now