62

791 38 9
                                    

A S H E R    C U E V E Z

"Kuya, bakit ba kasi?" Saglit na lumingon sa akin ang kapatid at inirapan ako bago bumalik sa pinapanood.

"Sabihin mo kasi kung asaan sya." I answered and Bettina sighed. Kinuwa nito ang remote at tinigil muna ang pinapanood na palabas sa TV.

"Bakit kaya hindi sya ang tanungin mo noh, kuya?" May halong inis sa mukha nito pero agad itong napalitan ng panunuya at mapang-asar na mukha.

"Nahihiya ako..." mahinang saad ko at umiwas ng tingin. I heard Bettina's loud laugh. Tangina.

"OMG, isang Cuevez? Nahihiya? Ampon ka ata, kuya eh." She mocked and made a face. Sinamaan ko lang ito ng tingin bago muling inisip kung nasaan si Ida.

"Is she in her house?" Tanong ko na lang. Bettina shrugged.

Inagaw ni Bettina ang coke na hawak ko at uminom. "Ewan. Inaya nya kami kanina na gumala kaso wala sila Chanel, Xielle at Justice kanina eh. Di na natuloy." Paliwanag nito pagkatapos uminom.

I sighed and rest my back on the couch. Bettina tilted her head as if she's thinking of something. Nang harapin ko ito ay naka-ngisi na ito ng mapang-asar.

"Kamukha mo si Pennywise dyan, Bettina." She immediately glared at me before smiling maliciously again.

"Bakit mo tinatanong kung nasaan si Idalia ha? Ikaw haaa." Saad nito. Hindi ko na lang ito pinansin dahil miski ako ay hindi alam kung bakit inaalam ko kung nasaan sya. I just feel like we have something to talk about.

Or maybe I just really want to see her?

"Mama, si kuya oh! Lumalandi na naman." Sumbong ni Bettina. I glared at her and she laughed. I heard footsteps and saw mama entering the living room.

"Ay weh? Talaga?" Bungad ni mama sa amin. My mother is seven months pregnant kaya kapansin-pansin ang tyan nito. Looking at my mom is like seeing an older version of Bettina. Malamang anak ni mama si Bettina eh.

"Totoo, mama! Kilala ko kung sino!" Malakas na salita ni Bettina. Umupo si mama sa tabi nito bago ako mapang-asar na nginitian.

Here we go again. Me being bullied by my sister and mom. Pinagtutulungan nila ako palagi. Ako na ang bullied brother at bullied son. Joke.

"Si I---hmph!!" Bago pa man masabi ni Bettina ang pangalan ng kaibigan nya ay tinakpan ko na ang bibig nya. Tinanggal ko lang ito ng kagatin nya ang kamay ko.

"Ay ayaw ipaalam, Bettina. Gusto nya lumandi ng patago." Asar ni mama. I sighed before chuckling.

"Mama, I'm not seeing someone." I defensively answered. Tumaas ang kilay ni mama bago napatawa.

"Ahh okay. Nasa in denial stage pa lang kayo." Mama answered and I looked at her in confusion. Bahagya itong napatawa bago nagpatuloy,

"Hayaan nyo, makaka-alis din kayo dyan. Wag lang sana kayo mag-tagal sa friend zone stage." Dagdag nito. I accusingly looked at my sister.

"Tapos bawal din kayong mang-friend zone." Agad kong tinuro si Bettina na nakatingin sa akin ng masama.

"Mama, kay Bettina mo sabihin yan." I laughed when I saw Bettina's defensive face.

"I don't like him nga, ano ba! I like someone else." Bettina quickly answered. Umiiling ako na napatawa at pagkatapos ay tumayo. Nagpaalam ako na aalis bago hinalikan sa pisngi ang kapatid at nanay.

Alluring The Ashes (The Youth #5: Asher Cuevez)Where stories live. Discover now