Ngumiti ako.

“Cassandra... She’s kind. And brave too. She really did everything just to make us believe in her. Our family didn't want to have a DNA test because they didn't want to hurt Eli. But fortunately, they eventually decided to do that to find out the truth. Hindi kasi talaga tumitigil si Cassandra. She’s very brave. She’s my idol…”

“Uh-huh…” lumapit sa akin si Lee at hinawakan ang kamay ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakitang naniningin rin siya ng mga sumbrero habang nakikinig sa akin. Pinigilan ko ang pagngiti at bumalik na lamang sa paniningin.

“Nakulong si Eli at si Tita Amelia, ang totoong Mama niya. Hindi naman dapat namin ipapakulong si Eli pero… pinagtangkaan niya ang buhay ni Cassandra. Babarilin niya dapat kaya lang… humarang si Brandon kaya siya ang nabaril…”

“Really? And… Brandon Monteza?”

“Oo. Paano mo siya nakilala?” tumingin ako sa kanya.

“He’s Cassandra’s boyfriend, right? Nakilala ko lang siya sa mga parties.”

Oh! Tumango tango ako.

“Yes, he’s Cassandra’s boyfriend. Ang galing nga, e… Tinaya niya ang buhay niya para lang hindi masaktan si Cassandra…”

“I can do that too,” he said.

Kunot noo ko siyang nilingon.

“I also can risk my life for you…” he whispered and smirked playfully. Pero alam kong seryoso siya sa sinabi niyang ‘yon.

Tinitigan ko siya. Gusto ko ang sinabi niya ngunit umiling ako.

“Wala namang magtatangka sa buhay ko kaya hindi na mangyayari ‘yan.”

He chuckled.

“Are you worried? I’m just saying that I can risk my life for you. Because I love you.”

“Tumigil ka nga.”

Humalakhak siya at hindi na nagsalita. Kinurot niya nga lang ang pisngi ko kaya hinampas ko ang kamay niya at tinitigan siya ng masama.

Nakapili ako ng hat para sa Papa niya at agad naming binili ‘yon. Ako ngayon ang nagbayad dahil para sa Papa niya ‘yon. Hindi siya ang pwedeng magbayad kaya wala siyang nagawa.

“How about you? Naging architect ka na. May sarili ka pang kumpanya. Ang layo na ng narating mo…” sabi ko habang naglalakad kami palabas ng mall.

Kakain na kami ng lunch.

“I just worked hard for it and I’m still working hard. Marami rin kasing kilyente ang gusto akong kunin kaya naging mabilis ang pag iipon ko. Nakapag patayo agad ako ng kumpanya.”

“Sampung taon na ang lumipas. Sapat na iyon para maging successful ka. I’m proud of you…” halos ibulong ko ang huli.

He turned to me. He can’t seem to believe that I just said that.

“Really?”

“Really…” I smiled.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Napatingin ako roon ng ilang sandali ngunit nag angat rin ng tingin sa kanya. He smiled at me. I smiled back.

The day of his father’s birthday came. I was very nervous while in the car. I’m wearing a blue formal dress. I found out that it was a big party and a lot of families would attend kaya ginandahan ko talaga ang damit na susuotin. Pinaghandaan ko talagang mabuti ito dahil gusto kong maging maganda ang impression nila sa akin. Hindi ko nga lang alam kung sapat ba talaga ito para hindi na sila magalit sa akin.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon