1. The Beginning

381 39 54
                                    

Chapter 1: The Beginning

Third Person's P.O.V

Nanginginig sa takot ang binatang si Francis habang nakatali ang kanyang buong katawan gamit ang lubid sa isang metal na upuan.

Inilibot niya ang paningin sa lugar na kanyang kinalalagakan at ganoon na lamang ang pagkabahala niya ng bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na kawarto.

Marumi ito at may nakatambak na basura sa gilid, umaalingasaw din dito ang mabaho nitong amoy. Sumasakit ang mukha niya dahil sa malaking bangas na nakuha niya sa taong kumidnap sa kanya.

May tumutulo ding dugo sa kanyang mukha na sumabay sa mga luha niya. Mahapdi at masakit ang buo niyang katawan.

Kahit nanghihina sinubukan niyang magpasag para matanggal ang taling nakagapos sa kanya, pero kahit anong paglumikot man ang gawin niya hindi pa rin niya itong magawang matanggal.

Napapikit siya sa inis sa sarili dahil hindi niya man lang magawang makatakas. Kahit kailan napakahina niya talaga at palagi na lang siyang umaasa sa tulong ng iba.

Naalala niya pa kung paano siya nakuha ng mga taong kumidnap sa kanya.

Naglalakad lang siya pauwi ng hapong iyon ng may humaharurot na itim na van ang biglang tumigil sa unahan niya at sapilitan siyang isinakay.

Nagawa niya pang manlaban at makatakbo papalayo pero nahabol pa rin siya ng mga ito.

Sunod-sunod siyang sinuntok ng isa sa mga lalaking humahabol sa kanya dahilan ng pagiging lupaypay ng katawang lupa niya.

Sapak sa mukha at tadyak sa sikmura ang inabot niya. Dahil sa pamamanhid at pananakit ng katawan hindi na siya nakapalag pa.

Paulit-ulit siyang sumigaw at humingi ng tulong pero wala man lang tao ang nagawi sa eskinitang dinada-anan niya araw-araw.

Ang huli niya lang na na-alala ay ang malakas at marahas na suntok sa sikmura niya na tuluyang nakapagpanaw sa kanyang ulirat.

At ng siya ay magising nandito na siya sa lugar na ito habang nakagapos ang buo niyang katawan at nakabusal ang kanyang bibig.

Makalipas ang ilang minuto may narinig siyang mga yapak at mga boses na nagtatawan na papalapit sa kwartong kinaroroonan niya.

Kinabahan naman siya sa mga maaaring gawin sa kanya ng mga ito.

Kagat-labi siyang yumuko at nagpanggap na tulog. Narinig naman niya ang pagpihit ng seradura at ang pagpasok ng mga kalalakihan na pawang nagtatawan.

Mas lalo niya pang ipinikit ang kanyang mga mata at pinakalma ang puso niya na lumalagabog sa kaba.

Ramdam niyang may lumapit sa kanya at bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig na ikinamulat niya.

Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin at bumungad sa kanya ang nanlilisik na mata ni Bruno. Oo kilala niya ang mga taong kumuha sa kanya.

Si Bruno ay kanyang sigang kaklase sa paaralan na kanyang pinapasukan. Palagi siya nitong binubully at binugbog dahil hindi naman siya lumalaban rito.

Siya ang pinapagawa ng mga assignments at projects nito at ng mga kasamang nitong kaibigan at kapag hindi niya ito natapos at naipasa agad, pasa ang aabutin niya sa mga ito.

Kasalukuyan niyang kasama sa kawarto ang kuya ni Bruno na nasa kolehiyo na at kasama ang mga college students nitong mga kaibigan na mukhang handang handa na saktan siya base na rin sa mga dala nitong pamalo.

Hindi lingid sa kaalaman niya na kasali ang kuya ni Bruno sa isang fraternity kaya walang gustong makabangga ito dahil sa koneksyon nito.

Kaya ganoon na lamang ang kayabang at kaangas ito dahil may kuya itong kinakapitan at reresbak kung sakaling may kumanti dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everson Academy (Dark Artifacts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon