She shrugged and smirked.

"I don't know"

"Bitter ang chinarot. Ako gigising ng may Isaiah. Ikaw?" Asar ko pa dito.

"Baka gusto mong gumising ng walang pinsan makita mo ka." Gigil na bulong pa nito sakin.

Napatawa nalang ako dito at lumapit na sa bagong kasal ng tawagin na ang mga bridesmaid para sa pictorial.

It was a grand beach wedding. The peaceful sound of the crashing waves, and the cold breeze that is messing our hairs are truly refreshing.

"Congrats Dalen. Sana matagalan mo tong pinsan ko." Biro ko pa dito 

Nag biruan pa kami ng ilang sandali bago tuluyang nag pose sa camera. 

My husband is not here. Well, technically. He attended the wedding but he's somewhere far where people cant see him. 

"Kainan na!!!" Sigaw ng patay gutom kong pinsan matapos ng pictorial

Napahilamos nalang ako ng mukha ng nagtinginan ang mga bisita sa salarin. 

"Nakakahiya kang epal ka" bulong ko dito.

"Bakit? Eh di ba ganon naman talaga yon? Bukod sa mismong kasal pagkain ang pinaka mahalaga sa mata ng mga guest?"

Napa iling nalang ako sa kabaliwan nito.

"Basta walang mag t-take out ah! Kain lang."

Inilabas ko nalang ang cellphone ko para maka usap si Isaiah through chat.

To: My Love

'How are you there? Boring ba?' i typed him a message

From: My Love

'Not really. Watching you this whole time isn't boring at all.' 

Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko. 

Pasimple kong binuksan ang camera ng cellphone ko at sinipat ang mukha para sa mga dumi.

Mamaya nag smudge na pala yung mascara ko at nagmukha na kong panda ng hindi ko namamalayan tapos mapangitan sakin si Isaiah at iwan ako bigla.

Di ko na pinapansin yung mga nag p-perform sa harap. 

To: My Love

'Magfocus ka sa kasal! Ikaw ah!'

Nag lagay pa ako ng mga emoji para kunyari galit ako. This is so not me. Ang childish Summer!

From: My Love

'Theyre not going anywhere. I am guarding you. Baka bigla ka nalang umalis' 

Bigla tuloy akong na guilty. Na trauma yata siya nung nag  runaway ako. 

To: My Love

'San naman ako pupunta?' 

Kagat labi akong nag-type ng sagot.

Hiding The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now