𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻𝟹

Começar do início
                                    

"Kung tama ang pagkakatanda ko eh Ice raw ang pangalan niya. Nako iha napakabait ng batang iyon. Kaya akala ko boypren mo."

"Tch. Akala niyo lang mabait yung kumag na yun." Bulong ko.

"Ipaghahanda ba kita ng agahan?" Tanong niya.

"Hindi na po. Susunod na rin naman po ako sakanila." Sabi ko at nagpaalam. Umakyat ako sa kwarto namin at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba ako para magpunta sa garahe. Kaso wala na doon ang motor kaya wala akong choice kundi ang lakarin nalang. Hindi naman gaanong malayo, pero malayo pa rin.

I plugged in my earphones and walked. While walking I'm looking at the trees I pass by. Then looked up at the sky, back to the trees, and the sky again. What? I'm admiring the nature's beauty.

Napaigtad ako ng biglang may bumusina sa gilid ko. Tinanggal ko yung earphones ko at tiningnan ng masama yung driver ng kotseng bumusina sa likuran ko.

"What?!" Inis na tanong ko. Bumaba si Nick Adelson at nilapitan ako.

"Okay ka lang?!" Nag-aalalang tanong niya. "Sorry hindi kita napansin may kausap kasi ako sa phone." He explained. Taka ko siyang tiningnan.

"What? What do you mean?" Tanong ko. Tiningnan niya ako na parang new-weirduhan siya saakin.

"I...I almost hit you—you didn't notice?" Gulat na tanong niya.

"No." I answered in an obvious tone.

"Oh." I turned my back at him and started walking again. "Hey, do you want me to give you a lift? Mukhang iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin."

"No." Sagot ko at mas binilisan ang paglalakad. Narinig ko ang pagbukas at pagsara niya ng pint kaya akala ko ay titigilan na niya ako.

"Come on. Ano lalakarin mo magmula dito yung school?" Tanong niya at sinasabay sa paglalakad ko yung takbo ng kotse niya.

"Yes." I answered.

"Please? Promise titigil na ako just please come in? I can't let you walk in the streets." He insisted. Tumigil ako at bumuntong hininga.

"Just this once. Then stop pestering me or else I'll strangle you to death Nick." Sabi ko. Tumango siya kaya lumapit ako sa kotse niya at sumakay.

He started driving. Tahimik kaming parehas. Hanggang sa magsalita siyang muli.

"Can we talk?" Tanong niya.

"We're already talking." Sagot ko. I heard him chuckle, so I looked at him. "What are you laughing at?"

"Nothing. It's just that...I missed your sarcastic attitude." He said. I rolled my eyes and looked out the window again.

"Look I know what I did was so wrong. I get that if you're still mad at me. I'm sorry." He said and looked at me. I sighed but didn't speak. "I just...just want to let you know that everything I did, everything I said, I mean it. Seriously. Honestly being with you made me forget about that deal." He added. Nanatili akong tahimik.

"I'm sorry." Sabi niya ulit at binalik ang tingin sa daan.

"I forgave you." I said. Napatingin siya saakin at sa daan.

"What? Forgave? Like the past tense of forgive?" Gulat na tanong niya.

"Depende kung nakikinig ka ng mabuti sa English teacher natin nung elementary tayo." I said and chuckled.

The Only Girl Of Section 5Onde histórias criam vida. Descubra agora