. . . ⇢ 58 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

"i'm sorry.." binitawan ni mr. park si jay.

nasasaktan siyang nakikitang nasasaktan at nagkakaganito ang anak niya. makikita sa mga mata ni jay kung gaano nito ka-mahal ang dalaga tapos biglang naging ganito ang lahat.

gusto sabihin ni mr. park na hindi pa siguradong magkapatid sila ni joy dahil hindi niya pa nakakausap ang mom ni joy about dito. pero hindi niya masabi-sabi dahil ayaw niyang umasa si jay tapos totoo pala.

mas masasaktan lang lalo si jay.

pero may parte din kay mr. park na natutuwa nang makita si joyce after 20 years niyang paghahanap dito. at magiging masaya siya kung totoo mang anak niya si joy dahil hindi niya ito nakapiling mula pagkapanganak hanggang ngayon.

malungkot lang na pinanood ni mr. park ang anak na bagsak ang balikat habang umaakyat sa hagdanan. napabuntong hininga siya at kinuha ang phone niya saka nagpipindot don.

inilagay niya sa tainga ang phone niya at seryosong nagsalita. "bakit mo 'ko inunahan? bakit mo sinabi sa kanya ang about dito without telling me?"

"jeric-"

"gusto mo rin ba guluhin ang buhay ng anak mo tulad ng kung paano mo kami guluhin ni joyce noon?"

"of course not! gusto ko si joy for jay pero gusto ko habang maaga pa, malaman nila na hindi talaga sila para sa isa't-isa. at 'yung about sa'tin? 'wag mong ibato sa akin ang kasalanan mo. ikaw ang pumasok sa unit ko." mahahalata ang galit sa boses nito.

hindi nakapagsalita si mr. park at agad na pinatay ang tawag. ayaw niya mang aminin pero tama ang sinabi nito, siya ang tatanga-tangang pumasok sa unit ng ibang tao at si jay ang naging bunga.

ganun pa man, isang blessing si jay para sa kanya.

muling bumalik sa memorya ni mr. park ang itsura ng anak niyang nanghihina at umiiyak. ngayon niya lang ulit nakita si jay na ganito dahil ang last ay noong umalis ang mom niya.

kinuha niya ang leather jacket niya at susi. kailangan niyang pumunta kila joy ngayon para makausap ang mom nito, para magkaliwanagan na ang lahat at kung totoo nga bang magkapatid sina jay at joy.

-♡️-

francine
@luvfrncn

francine
hey

francine
hindi ka pa rin daw umuuwi sa inyo

francine
hinahanap ka na sa amin ng mom mo

francine
joy?

joy
dito muna ako kila cyril

joy
sabi naman ni cy welcome naman ako kahit kailan so siguro mananatili muna ako dito para makapag-isip isip

francine
nakapag-usap na ba kayo?

joy
hindi ko kaya

joy
after ko malaman yon pakiramdam ko nahiya na ko sa sarili ko

joy
akalain mo yon, kapatid ko pala siya?

joy
tangina diba?

joy
hindi ko alam kung kaya ko pa ba siya harapin after non

joy
buti kong madali lang sana tanggapin ang lahat na tipong, "yow jay! kapatid kita, pa-kiss nga si sister."

joy
kaso hindi eh, nakakatangina

joy
JUSQ FRANCINE ANG GANDA KO TALAGA

joy
sa sobrang ganda ko pati si tadhana naging basher ko na rin hahahahaha

francine
pupunta ako diyan, sleepover tayo nila cy para may kasama ka

joy
yes please

joy
kailangan ko kayo

joy
kailangan ko ng masasandalan ngayon

francine
i'll be there

joy
salamat

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon