"Where did you get that?" Gulat na tanong ko.

Kinakabahan na talaga ako lalo na yung picture na pinakita nila samin ay yung kamuntik na kami magkiss ni Knight.

"Are really sure that, You and Knight are just a friend or more than a friend?" Mariing tanong ni Kuya Third. agad nanlaki ang mga mata ko at sobrang kinakabahan na ako ilang beses akong napalunok.

Okay they got me! But what the hell!

"Magkaibigan lang kami ni Knight." Kinakabahan kong sinabi.

Bakit ba ako kinakabahan totoo naman talaga na magkaibigan kami iyon nga lang ako hindi na kaibigan ang turing ko kay Knight kasi may feelings na ako for him.

"Are you inlove with him?" Seryosong tanong ni Kuya Third habang nanlilisik na ang mga tingin niya sakin, agad ko naman iniwasan iyon.

"Samantha, alam namin na hindi tayo lumaki na magkakasama pero kahit papaano alam namin kung nagsisinungaling ka or naglilihim ka samin."Kuya Ford said.

Umupo sila ngayon sa kama ko, napatingin ako sa kanila at masasabi kong kahit kailan hindi ko pa rin magawang magsinungaling or maglihim sa kanila.

"I'm asking you again Samantha, Are you inlove with him?" Mariing tanong ni Kuya Third, tumango na lang ako bilang sagot sa kanila.

"Damn it!" Kuya Ford said.

"Fuck!" Kuya Xander said.

"Shit!" Kuya Marky said.

Habang yung iba kong kuya nanahimik pero si Kuya Third disappointed na nakatingin sakin.

"Hindi ba sinabihan ka na namin!" Sigaw na sabi ni Kuya Xander.

"P-Pero bago niyo ako sinabihan may feelings na ako for him! Bakit ba ayaw niyo akong magkaroon ng feelings for him!"Mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanila.

Agad lumapit sakin si Kuya Third at hinawakan agad niya ang siko ko ng mahigpit, napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya sakin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya bakit ba ganito na lang sila magreact ayaw ba nilang maging masaya ako?

"You know na inlove si Chel kay Knight! Sisirain mo ang pagkakaibigan niyo dahil lang kay Knight!"Mariing sambit ni Kuya Third habang pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa may siko ko.

Bakit ba mas concern sila kay Chel kesa sakin na kapatid nila hindi ba nila alam na nasasaktan na nila ako sa ginagawa nila. Ano bang meron kay Chel at ganyan na sila kung umasta.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko kaya agad ko itong pinunasan pero sadyang walang planong tumigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Y-Yung p-pagkakaibigan l-lang ba namin ang reason niyo or may iba pa kayong reason kung bakit hindi ako pwedeng mainlove kay Knight?" Mahinang sabi ko sa kanila habang patuloy na umiiyak.

Agad naman akong binitawan ni Kuya Third sabay talikod at bago siya umalis tumingin ulit siya sakin ng matalim na tingin.

Nakayuko lang ako habang umiiyak. Bakit ba lagi na lang sila ang dahilan ng mga luha at sakit na nararamdaman ko. Bakit ba masyado silang concern kay Chel. Ano ngayon kung parehas kaming may feelings kay Knight hindi naman sila at pinipigilan ko naman hanggat maaari. Akala ko kapag umamin ako sa kanila mauunawaan nila ako kasi kapatid nila ako, pero I was wrong mas sinusuportahan pa nila ang hindi nila kapatid kesa sakin.

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pinto ko na sumara hudyat na umalis na sila Kuya. Mas lalo akong umiyak ng lahat sila umalis at walang naiwan para damayan ako... sa bagay ganyan naman talaga sila dapat.... sanay na ako.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now