"Anong klaseng punishment, Sir?" Tanong ni mama kay Sir Jay.


"Three days suspension for Mr. Estev and one week suspension for Ms.
Callo." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.

"But, Sir! Wala pong kasalanan si Lesther dito." Reklamo ko. Magiging unfair kay Lesther kung pati siya ay masu- suspend.

"Kailangang mabura sa isip ng mga students ang nangyari, Ms. Callo. Bibigyan ko ng suspension si Estev para makapag pahinga pa siya. At ikaw naman ay bibigyan ko ng one week suspension for you to reflect what happened." Paliwanag ni Sir Jay.


"For all I know, you are the reason kung bakit sinapak ni Mr. Cruz si Mr. Estev." Napayuko naman ako sa narinig. Bigla namang bumukas ang pintuan ng office, si Sir Jom.

"Sir Jom, I will suspend Ms. Callo." Mataray na sabi ni Sir Jay.


"I respect your decision, Sir. But I can handle my student. Hindi niya kasalanan ang nangyari." Para naman akong maiiyak sa narinig.


"Hindi pwede, Sir Jom. Nakakahiya ang ginawa nila." Si Sir Jay.


"Alam ko po, Sir Jay. But let me handle my student. Also, let me handle Mr. Estev. Huwag ninyo lang sila i-suspend." Doon ay Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko.

"Fine. Pero kailangan nilang linisin ang school grounds sa loob ng isang linggo kapalit ng suspension." Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig.


"Excuse me, Sir. Pero, anak ko ang naagrabyado nang batang 'yan. Pero bakit ang anak ko ang kailangan magdusa?" Angal ng mama ni Lether at tinuro si Jan. Naiintindihan ko ang galit ng mama niya.


"Ako na po ang humihingi nang pasensya sa ginawa ni Arceo. Alam kong hindi maganda ang ginawa niya." Pagpapa kumbaba ng mama ni Jan. Nalipat naman ang tingin ng mama ni Jan sa'kin.


"Hija, I'm sorry.." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. I wave my hands.


"Y-you don't need to say sorry po.." Nahihiya ko pang sagot sa mama niya.


"You can go ahead, students. Ka kausapin ko lang ang parents ninyo. Pati ikaw, Mr. Cruz. Lumabas ka rin muna." Tumango naman kami kay Sir Jay at sabay sabay na lumabas. Naiwan naman si Sir Jom sa loob ng office.


"Mauna na ako, Cedes. May speech pa kami sa CL." Bigla ko namang naalala ang gagawin kong speech bukas. Hindi pa pala ako tapos. Tumango naman ako sa kaniya at pinanood siyang maglakad paalis.


"Siya ba yung sumapak doon sa grade ten?"


"Gwapo naman siya, sayang sa'kin nalang sana s'ya."


"Ano kayang pangalan niya?"


Dinig kong bulungan nang tatlong babaeng dumaan sa harapan namin ni Jan. Napatitig tuloy ako kay Jan at pinagmasdan ang reaksyon niya.

Ngumisi pa nga.


"Bakit ka nakatitig sa'kin?" Halos mapatalon naman ako nang magsalita si Jan. Napalunok naman ako.


"Bakit?" Naiiyak kong tanong.


"Anong bakit?" Nagtataka niyang tanong.


"Bakit ka ganiyan? Hindi ka naman ganiyan ah? Parang Hindi ikaw yung Jan na nakilala ko." Pinigilan ko ang sariling pumiyok at manginig ang boses.


"Seryoso ka ba, Cedes? Tinatanong pa ba 'yan? Una palang Sinabi ko na sa'yong layuan mo yung lalaking 'yon!" Pinigilan niya ang pag sigaw nang dumaan ang ilang estudyanteng nakatingin saamin.


"Seryoso ka rin ba? Hindi kita pinapalayo kay Meoni, pero ako? Kailangang lumayo sa taong mabait naman sa akin?" Doon ay nanginig na ang boses ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko.


"Ayan, Iiyak ka na naman. Sa'kin mo naman lahat isisisi." Para namang sinuntok ang dibdib ko sa narinig. "Sinabi ko na nga sa'yong hindi ko s'ya pwede layuan dahil magkaklase kami! At hindi maiiwasang magkakasama kami sa mga grupo. Nangako naman ako sa'yong ikaw lang ang mahal ko, 'di ba?" Sagot niya na naging dahilan para mapangisi ako.


"Kaya nga hinayaan ko na ring huwag kang lumayo sa kaniya, 'di ba? Dahil naiintindihan ko naman ang point mo—


"Kung naiintindihan mo, bakit hindi mo maintindihan ang dahilan kung bakit pinapalayo kita kay Lesther?" Pintulol niya ang pagsasalita ko.


"Pinapalayo kita dahil Gusto ka pa niya, Cedes! Hindi mo ba nahahalata? Hindi mo ba nararamdaman? Lalaki ako kaya alam ko ang dugo ng lalaking may Gusto sa isang babae." Galit niyang sabi.


"Magkaibigan nalang kami, Jan!" Sagot ko sa kaniya. Napangisi naman siya.


"Hindi 'yon ang nakikita ko, Cedes. Hindi lang friendship ang nakikita ko sa mga mata ni Lesther. Alam mo kung anong Nakikita ko?"


"Pagmamahal ang nakikita ko." Pagpapatuloy niya. Pinunasan ko naman ang luhang kanina pang bumabagsak sa mukha ko.


"Alam mo, Jan? Nahihirapan na nga ako sa kundisyon ko, pero mas lalo mo akong pinapahirapan." Reklamo ko habang pinipigilang humikbi.


"Sa tingin mo ba ikaw lang yung nahihirapan, Cedes?" Natatawang tanong niya.


"Cedes, hindi lang ikaw yung nahihirapan. Ako rin!" Sigaw niya dahilan Para mapapikit ako.


"Nahihirapan ako, dahil..." Hinayaan ko siyang magsalita.


"Ang hirap mong mahalin."

Kasabay nang sinabi niyang iyon ay ang paglabas ng mama niya at si mama sa office. Gulat silang tumingin sa'kin, habang ako ay pinipilit na ikalma ang sarili upang hindi umiyak.

"Para ka namang nakakita ng multo, Hija." Tipid akong ngumiti sa mama niya. Nalipat naman ang paningin ko kay mama na ngayon ay Nagtataka.

Ngumiti ako sa kanila.

"M-mauna na po ako... M-may klase na po k-kami.." Tuloy tuloy ang paglunok ko habang nagsasalita.


"M-mauna na ako." Tumingin akong muli kay Jan na ngayon ay mukhang nag-aalala. Hindi kita maintindihan.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at tuluyan nang tumalikod at naglakad papuntang hagdan. Doon ay Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pag-ayos ng luha ko.

"Mercedes!" Dinig kong sigaw ni Jan.

'Wag kang lilingon... 'Wag kang lilingon...

Kung ako mahirap mahalin.. ikaw naman ay mahirap intindihin.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now