He laughed then stole a kiss from her. "Sabi ko na nga ba."

"Hinuhuli mo 'ko eh." She said with accusation in her voice.

"I told you... you can't lie to me." He replied with confidence.

May ilang segundo ring nagkatitigan ang mag-asawa.

"What?" Takang-tanong ni Dani ng hindi na nagsalita si Meg. Nakatingin na lang ito sa kanya--animo'y nag-iisip ng malalim.

"Nothing. I'm just trying to imagine my life if I hadn't married you." She answered.

"And?"

"I can't."

--

Naabutan ni Dama si Eula na nag-aayos sa ilalim ng puno ng mangga. So far naman, may mga bagay pa rin sa buhay nila na hindi pa rin nagbabago.

Feelings nya lang yata ang nagbago eh.

"Hoy." Bati niya rito.

"Hoy back." Umusod si Eula para makaupo si Dama sa tabi nya.

"Pansin ko lang, bakit ka dito nag-aayos? May CR naman." Tanong nya rito.

Bahagyang namula ang dalaga sa tanong niya.

"Masama bang dito mag-ayos?"

Dama squinted her eyes at Eula. "Sabihin mo nga... kanino ka nagpapa-cute?"

"Wala!"

Nagpalinga-linga si Dama. The only people she can see na malapit sa kanila ay ang men's volleyball team ng school nila. Araw-araw ang mga ito sa pagpapractice.

Now that she thinks of it--parang too much of a coincidence naman ata na at this time of the day palaging nag-aayos si Eula sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa volleyball court?

"Sino ba sa kanila ang crush mo?" Tanong niya rito while roaming her eyes around the guys.

"Wala nga!" Eula hissed.

"Sus. Kunwari ka pa. So who is it? Si number 17 ba?"

Number 17--tall and moreno guy. Short, clean cut hair. He looks okay.

Eula shook her head. "Wala nga."

"Si number 5 ba?" Tanong ulit ni Dama. Si number 5 ay mas maliit ng di hamak sa mga kasama nito. He was also the cutest. Pansin ni Dama na mahilig itong ngumiti kahit minsan ay sablay ang tira nito sa bola.

"Hindi nga." Pagtanggi ni Eula. Sakto naman that the ball flew near them. Tumakbo palapit si number 5 para i-retrieve iyon. 

At ang pasaway na bola, sa may paanan ni Eula tumigil.

"Miss! Pasalo naman! Salamat!" Nakangiting pakiusap ng lalaki sa kanila. Eula blushed scarlet and pretended to not hear the guy. Inuntag naman sya ni Dama.

"Huy... yung bola daw."

"Eeee... ikaw na magbigay." Nakatungo nitong sagot.

"Ayoko nga. Tinatamad ako. Ikaw na lang."

Eula looked helplessly at her. Nang hindi matinag si Dama ay wala na syang nagawa kundi kunin ang bola at iabot iyon sa lalaking nakikiusap.

"Salamat!" Masayang sabi nito sa kanya.

Dama saw her friend hold up her giggle until she was back to her seat. 

"So si number 5 nga?" Nakangis nyang tanong dito.

"Oo na." Pag-amin ni Eula. "Wag mong ipagsasabi kahit kanino ah?"

"Why not tell him? Para hindi naman sayang yang pagpapa-cute mo sa kanya."

Eula sighed.

"May girlfriend na kase sya."

Awww... look little organ--may karamay ka ulit.

"Ganun ba? Sayang naman..."

Ngumiti na lang si Eula. "Ganun talaga eh. Yung mga kagusto-gusto yung hindi na available." Nalulungkot nitong sabi sa kanya.

"Oo nga." Pagsang-ayon niya.

Sabay silang napabuntong-hininga.

"O? Ang aga-aga, buntong-hininga agad? Problema nyo?"

Dumating na pala si Zelo... kasama ang girlfriend nito na as usual ay parang tuko na naman kung kumapit. Gusto na talaga ni Dama na manabunot.

Problema ko? Ikaw!

"Wala." Sagot niya sa pinsan.

Naupo ito sa tabi niya. Naupo naman si Tassie sa tabi nito. Magkahawak pa ng kamay ang dalawa.

"Wala pa sina Keeme?" Tanong ni Zelo sa kanya.

"Nakita mo ba?" Pabalbal niyang sagot dito. She can't help it eh... lumalabas yung frustration niya everytime na makikita nya si Zelo at Tassie--usually one with the other.

"Tinatanong kita ng maayos ha."

"Eh nakita mo na kaseng wala, tinatanong mo pa!"

"Oy oy... umagang-umaga ang iinit agad ng dugo nyo!" Saway ni Eula sa dalawa.

"Hayaan mo na... ganyan silang magmahalan eh." Natatawang sabat ni Tassie.

Aray naman.... so ganito pala kami magmahalan? Bulyawan at sakitan ang peg? Kayo lang ang sweet? , she thought bitterly.

Don't worry little heart... I'll find someone for you too.



xxxxxxxx

AN: Namiss ko ulit si Dani--at Meg. Haha... ayan. Silip lang ulit sa kanila. Antayin nyo si Pierre!!!! Malapit na sya dumating!!!! Mga 20 chapters pa! Hahaha...

Comment? Happy 800 votes. :>

 PS. If you wanna see number 5, his picture is posted on my FB group. Click external link though I don't know if you'll see it. XD

DAMA: The Princess BitchWhere stories live. Discover now