Chapter 10: Kieff

11 0 0
                                    

MAKABOG NA LIGAYA ng Eraserheads ang pa-tugtog ni Kieff sa jeep nang tanghaling tapat na iyon. Siya namang pagkapuno ng ligaya ni Emi dahil ramdam na naman niyang para siyang nakauwi dahil maliban sa nakita ulit si Kieff ay ganito pa rin ang mga kantang tinatangkilik niya. Iyong mga kantang hilig nilang kantahin noon sa karaoke.

"Muntik na kitang 'di makilala, pre, ha. Kung di mo lang kasama si Ems, di kita makikilalang talaga," masiglang bungad ni Kieff na palingon-lingon sa dalawang katabi habang nagmamaneho.

"Ako nga rin, eh. Macho na tayo, ah," sagot ni Sieg na siya namang paghalakhak ni Kieff.

Narinig naman ni Emi ang tawa ni Bapang Ruben sa kanya sa tuwing malalasing na sa pa-karaoke ni Darang Berry noon.

"Siyempre, maraming chicks," sagot naman ni Kieff. "O, si Ems, di nagbago itsura, no? Kung paano kita naabutan nung nag-bike tayo rito sa Angeles, ot, ganun ka pa rin."

Nangiti lang si Emi. Hindi niya alam ang sasabihin lalo na't hindi pa rin siya makapaniwalang nakita nila si Kieff sa 'di inaasahang pagkakataon at balbas-sarado na ito't pumuputok ang mga braso --malayong malayo sa dati. Parang si Sean. Parang si Sieg.

Napatingin din siya sa side mirror ng jeep. Tiningnan niya ang sarili at ang dalawang katabi. Totoo nga ang sinabi ni Kieff. Walang nagbago sa hitsura niya. Nakalugay pa rin ang buhok na hindi pinakulay ni pina-rebond. Ni hindi rin pumuti, hindi gaya ni LC --kung si LC nga 'yung nakita niya sa ospital kanina. Ni hindi rin gaanong nagbago ang hubog ng kanyang pisngi. Nakasalamin lang siya, iyon lang ang naiba pero wala siyang balak mag-contact lens ng blue o brown gaya ng pilit na nirerekumenda ni Netty sa kanya.

Wala ngang gaanong nagbago sa kanya. Kaya pala nakilala siya agad ni Sean at ni Kieff. Ngayon niya lang ito napansin.

"Ot, di makapagsalita si Ems. Nabigla ata sakin. Akala mo ata ako si Domingzu. Hahaha!" dugtong ni Kieff.

"'Di nila type si Domingzu noon. Si Tamahome crush niyan," dugtong naman ni Sieg na nakangiti nang nakakaasar na sinabayan ng paghalakhak ulit ni Kieff.

"Hindi kaya!" sagot naman ni Emi.

"Ayown! Nagsalita rin!" bulalas ni Kieff na muntik nang hindi narinig ang pasaherong pumapara sa likuran.

"Ano? Kayo ba?" tanong ni Kieff nang nakatingin sa rear mirror na parang hindi sila matingnan.

"Hindi," walang katiga-tigatig namang sagot ni Sieg. Lalong hindi naka-imik si Emi.

"Sayang! Hindi ko na sana kayo sisingilin sa pamasahe. Pang-congrats ko na sana sa inyo," tugon naman ni Kieff. "Saan pala kayo bababa niyan? Hulaan ko. Sa SM no? Manonood kayo ng pelikula ng AlDub."

"May showing nga pala sila ngayon, no? Wholesome naman. Kaso hindi ako fan. Ewan ko lang sa katabi ko," sagot ni Sieg na pinaringgan si Emi.

"Hindi rin ako masyado," pasimpleng sagot naman ni Emi.

"Weh?" tugon naman ni Kieff. "O, saan nga kayo niyan? Pwera biro."

Nagtinginan muna si Sieg at Emi bago sumagot.

"Sa inyo," diretsong sagot ni Sieg.

"Samin? Sabi ko, 'pwera biro,' eh," sagot ni Kieff.

"Gusto kang kumustahin ng katabi ko. Balak nilang mag-set ni Sean ng reunion," sagot ni Sieg.

"Ow! Kaya siguro dumaan si boss samen nung minsan..."

"Si Sean? Pumunta niya sa inyo?" tanong ni Emi na nagulat.

"Oo. Kinuha yung kahong may mga laruan naten nun. Buti na lang nga 'di ko tinapon, eh. Ilang beses ko nang tinangkang itapon yon. Gusto lang gawing laruan ng mga kapatid ko kaya di natuloy-tuloy."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kubo Kids: Long Time No SeeWhere stories live. Discover now