Chapt. 9: Mr. kindness (final)

Start from the beginning
                                    

"Ganun ba? Sige, ieenroll kita sa school where I am studying. But first, we need to buy you your clothes. You can't out just wearing that" tapos tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Sexy nya pala? Haha xD perv. Ka Matt! Pero nag blush sya. Tss' I knew it, she's just like the same girls I had met before.

Hatch's P.O.V

Wow. Ang bait pala nitong si Zach? At, wag na kayong mag taka kung kaya ko makaintindi ng Ingles at nakakapag salita din kami ng ganun dahil nga diba sa ulap, nag aaral din kami. Para din yun sa misyon namin. yun na lang, late kami sa mga lessons namin about sa mga makina, at kung anu-ano pang gamit na modero ngayon dito sa lupa.

Ngunit nasanay na din ako mag salita ng ganto dahil buong buhay ko na sa ulap lang ako,. Pero ngayon lang hindi..

Hindi ko parin tanggap Ama.. patawad po.

Sabi ni Matt, may papapuntahin daw sya dito, ung yung pinabili nya ng mga damit ko. Dahil di daw kami pwedeng umalis ngayon dahil isasama nya daw ako sa school ngayon. Natutuwa ako dahil mararanasan ko mag aral dito sa lupa.

Nakaupo lang ako dito sa kama nya, habang sya naliligo pa. Hm? Ano kaya susuotin ko mamaya? First time ko din kasi mag suot ng damit ng mga taga lupa.

*cree-eek~*
Tunog ng dahang dahang pag bukas ng pinto ng Cr. Hala? Bigla kong tinakpan ang mga inosente kong mata. B-bakit.. b-bakit kalahating katawan nya lang sya may tapis?

"Oh ano? Pupunta punta ka dito tapos mag tatakip ka lang?" Natatawa nyang sabi. "Sayang naman, di mo makikita yung maganda kong katawan"

"Psh. Mag bihis ka na nga taga lupa!!" Sigaw ko habang naka lagay na yung unan sa mukha ko at nakahiga na ko sa kama nya.

"Tss. Ok na, kala mo naman napaka inosente mo haha!" Hala ? Inosente naman talaga ako ah.

May nag bell sa loob ng condo, baka yung bisita nya na. Hinila nya ko papunta sa pinto saka ito binuksan.

"Hi baby! You look so .. handsome" bungad sa kanya nung babae. Maganda, medyo matangkad, kasi naka suot ng mataas na sandals. Maikli ang buhok at kulay ivory. Niyakap nya din si Matt at hinalikan nya ng mabilis sa labi nito. Agad naman humiwalay si Matt at nag salita sya,

"Uhm, Hatch this is my N-new girlfriend, Kasey. And Kasey, this is Hatch, my c-cousin''. Nauutal nyang sabi.

"Nice to meet you cousin!" At niyakap naman ako nung girl. Tumango nalang ako.

Naalala ko lang kasi ng kumakain kami ng umagahan , nabanggit din ni Matt na kaylangan namin mag panggap na mag pinsan, kasi nakakasira daw ng Image nya na may babae syang kasama araw araw at ulit ulit daw. Kasi baka daw maraming mag selos at mawalan ng flavor of the month. Kaylangan ko din daw mag bihis ng mag gagarang damit dahil mayayaman daw ang nag aaral dun sa school nila at para daw di kami pag kamalang hindi tunay na mag pinsan.

Agad naman akong hinila ni Matt, ulit. Papunta sa kwarto nya at hinagis sakin yung isang papel na bag na may nakalagay Juana. Tinignan ko yung damit. Wow. Ang ganda. Mukha syang may sinaunang disensyo pero dress sya fit din sa katawan ko. Yun nga lang medyo maikli, isang dangkal bago ang tuhod ko. Ayoko sanang suotin ngunit naalala kong nag mamagandang loob lamang ang tagalupang iyon kaya lumabas nako ng kwarto.

Nagulat naman ako sa reaksyon nila. Bigla sila napa tigil sa pag lalambingan nila sa sala ng makita nila ako. Si kasey, halos kuminang na ang mata. Si Matt naman parang napatulala.

"H-hi.. ahm.. o-ok lang ba to?" Tanung ko habang nilagay ang mahaba kong buhok na may natural na pag kakulot papunta sa likod ko at hinayang malaglag hanggang bewang ko.

"Yes, ofcourse Insan!" Niyakap nya ko ulit. At this time niyakap ko rin sya at bumulong ng salamat.
Lumabas na kami at, gumamit ng elevator ba yun? Nakakahilo at feeling ko bigla akong bumagsak nung tumigil ito. Nasa labas na kami ng gusali at nag babye na si Kacey ka Matt pati sakin, syempre ngumiti ako pabalik.

Biglang hinawakan ni Matt yung kamay ko at hinila ako sa kotse nya. Wow. Ang ganda. Pero bakit may sira? Aha! Eto si carla? Ang sama ko naman nasira ko yan. Hayy. Pumasok na ko sa kotse hindi man lang ako pinag buksan.

Nakauniform si Matt. At may pinindot syang button. Biglang bumaba yung bubong ng kotse, hala ang galing! Nag slide down to papunta sa likod ng kotse at sinusundan ko ng tingin. At mainit pala, kaya pala pinag suot nila ako ng hat at pareho kami na sunglasses. Sabi nya yun ang tawag dun e.

"Taga bundok talaga"

"Taga lupa ka naman" sagot ko.

Teka.. "t-teka.. san tayo pupunta?"

Tumingin sya sakin at ngumiti. "School" sabi nya ng matipid pero malambing. At.. kumindat sya sakin.. dun ko lang napansin na,

Ang gwapo naman ng nilalang na katabi ko.
At ngumiti ako pabalik kay Matt.

__________________________________________

If I got 15 stars in this Chapter, mag a-update ako mamaya. Pag walang, edi matatagalan po. Sorry ~ motivation ko yung stars eh. So Vote! ;D
★★★

~ Ree/iyakin

Cupida: The fallen AngelWhere stories live. Discover now