Chapter 8: Deal

5 0 0
                                    

PARANG LASING SI EMI sa sunod-sunod na nilagok na kape nang mapagpasyahang hindi na niya pipiliting matulog at gumawa na lang ng mga random na bagay na bumabagay sa random na nararamdaman niya ngayon. Sinubukan pa man din niyang magpaantok nang gawin ang una niyang post sa website ng Gia's Time Machine tungkol sa ala-alang hindi siya nilubayan mula nang makabalik siya sa Villa Teresa.

Ngayon ay pagulong-gulong siya sa kama at nang pumirme sa pagitan ng paggulong ay kundi siya matutulala para ipagluksa ang pinakawalang paboritong kahon, ay magsi-scroll naman sa phone para mag-add-to-cart ng mga bagay na 'di niya akalaing binebenta pala sa online shop gaya ng tamagochi, brick game, paper dolls, CDs, at disposable camera na kamukha ng Kodak.

Kung mabibili niya pala ang lahat ng 'to ay magkaka-koleksiyon siya ulit. At least. 

Mahigit dalawang oras din siyang nag-ipon ng mga inadd-to-cart na hahantong na sana sa place order kung hindi niya naalalang nasa sampung libo na lang pala ang meron siya. Pawasiwas na hinagis ni Emi ang phone palayo sa kanya. Napilitan siyang bumangon at nilatag sa kama ang iilang libo na natira sa kanya. 

Mahigit walong libo pa pala ang meron siya. Akala ni Emi ay mas mababa pa rito ang natira. Kailangan na niyang makahanap ng trabaho na muntik niya pang makalimutan pero ayaw mag-isip ni Emi nang malalim ngayon. Wala siya sa matinong ulirat para mag-plano. 

Pabagsak siyang humiga ulit at pawasiwas na hinagis sa ere ang mga tig-iisang libo pero wala itong confetti  effects na 'di tulad noong hinagis niya ang trentang libo kay Darang Berry. Saglit lang na lumipad ang kanya at nagsikalat sa sahig.

Doon niya pa lang naramdaman ang matinding pagod kahit gising na gising ang diwa niya sa kape. Hindi niya inasahang masyadong marami ang pangyayari ngayong sinubukan lang naman niyang ipagdiwang ang anniversary ng Kubo Kids gaya ng dati. Nanghinayang siyang hindi nabati nang pabio sina Sean at Sieg kanina. Natameme na lang talaga siya lalo na nang makita si Sieg.

Naalala niya ang contact number ni Sieg.

Hinugot niya ang papel sa bulsa ng bag. Sa dinami-dami ng mga sinabi ni Sean sa kanya nung pauwi'y may hindi siya makalimutan.

"7 years may had been a lot. Like 'a lot.' But Sieg is still who you knew before."

Sinimulan niyang mag-type ng isang text message kahit nangingibabaw ang kaba. Gayunpaman, ayaw na niyang pakawalan ang pagkakataon. Gusto niya ulit makita si Sieg.

"Hi Sieg! Si Emi to. Nakuha ko number mo kay Sean. Sorry kung nag-text ako. Sorry rin kung may something off sakin kanina. Akala ko kasi pag nagkita-kita tayo ulit, yung tipong parang kahapon lang huling nagkita. Pero iba rin pala pag after 7 years, no? Magkakapaan pa rin pala. Na-feel mo rin ba?"

Pikit-matang sinend ni Emi ang text. Hindi na niya sana hihintayin ang reply kahit iyon pa ang gusto niyang gawin. Baka kasi wala namang reply na dumating. Sa pakikitungo ni Sieg kanina'y parang kaya siyang hindi pansinin.

Binitawan na ni Emi ang phone at nilayo sa higaan pero pala-isipan pa rin sa kanya kung mag-rereply ba siya. Pala-isipan sa kanya kung siya pa ba talaga ang Sieg na nakilala niya noon dahil maraming nakakapanibago sa kanya ngayon.

Biglang napabangon si Emi nang umilaw at mag-beep ang phone. Nagmistulang alarm clock ang hindi inaasahang mabilis na pag-reply ni Sieg. Lumamig ang dulo ng mga daliri ni Emi.

Sieg: Hi Emi! Lagot sakin si Sean. Haha.

Pinakatitigan muna ni Emi ang "Haha" para siguraduhing hindi siya nananaginip.

Sieg: Oo. Na-feel ko rin.

Napanganga si Emi. Lalong nanlamig ang dulo ng kanyang mga daliri. Bumilis ang palitan nila ng texts.

Kubo Kids: Long Time No SeeWhere stories live. Discover now