Wala ako sa sarili ko. Natatakot ako, hindi ko ma-kontrol ang sarili ko.. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Tanging hikbi sa pag-iyak lang ang nagagawa ko.


Lumabas ako ng banyo na hindi man lang sinasara ang shower at dahang-dahang naglakad papuntang living room.


Tulala lang ang tanging nagawa ko habang naglalakad papunta sa kung saan. Basang basa ako at iyak nang iyak. Hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko.



"Cedes!" Rinig kong sigaw nang pamilyar na boses. Hindi ko makilala kung kaninong boses iyon.


Naramdaman ko na lamang na nauntog na ako at napansing kaharap ko na ang pader namin. Para naman akong nagising at namalayan ang nangyayari.


Pinakatitigan ko sila Ellie, Kuya Sheed, Mama, at Papa na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nag dire-diretso namang pumatak ang mga luha ko saka pinukpok pukpok ang ulo.


"Anak!" Dinig kong sigaw ni mama saka hinawakan ang dalawang braso ko para matigil sa ginagawa.



"Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni mama. Bigla namang lumapit si papa na may dalang baso nang tubig at inabot  iyon sa'kin. Kinuha ko naman ang baso saka ininom ang laman niyong tubig.



"Umupo ka muna." Tinulungan akong umupo ni Ellie saka ni mama sa sofa. Tuloy tuloy pa rin ang pag-iyak ko.



"Anong nangyari? Bakit?" Nag-aalalang tanong ni mama.



"H-hindi ko po alam.. natatakot ako.. Hindi ko alam pero sobrang sikip ng dibdib ko.. nahihirapan na ako, ma.." Tuloy tuloy ang pag-iyak at paghikbi
ko. Naramdaman ko namang hinahagod ni Ellie ang likod ko para itahan.



"Sige na, Ellie, Sheed. Mag-ayos na kayo. Hindi muna papasok si Mercedes. Kayo na ang bahalang ipaalam siya sa adviser niya." Napayuko naman ako sa narinig at nagpatuloy lang sa pag-iyak.


Lumipas ang oras bago pa ako tuluyang mapa-tahan at mapa kalma. Natagpuan ko naman ang sariling nakatayo sa banyo ng kwarto namin ni Ellie habang hawak ang basong pinaglagyan ng tubig ko Kanina.


I looked myself in the mirror. Para akong multo dahil sa hitsura kong parang pinagsakluban ng langit at lupa.


Nakaramdam na naman ako nang bigat sa dibdib. Napansin ko naman ang basong kanina ko pang hawak at inihagis ito sa salamin sa may sink
dahilan para mabasak ang parte nang salamin.


Naramdaman ko naman ang pagtulo nang luha ko at wala sa sariling kinuha ang malaking bubog bago ito pinagkatitigan.


"Hindi ko na alam kung ano pang nangyayari sa'kin. Pagod na pagod na 'ko.." Pilit akong nagsalita kahit na humihikbi na ako.


Hinawakan ko ang bubog na kinuha ko saka ito itinapat sa pulsuhan ko. Idinampi ko ang bubog sa balat ko bago ito dahan-dahang sinugat.


Maya-maya pa'y Naramdaman ko ang hapdi At sakit na dulot ng pag sugat kong iyon. Nasaksihan ko ang paglabas at pagsirit nang dugo mula sa pulsuhan ko.



Muli kong tinignan ang sarili sa basag na salamin saka tuloy tuloy na umiyak. Narinig ko naman ang kalabog na nanggaling sa pinto.



"Mercedes!" Bumulaga sa'kin si mama na gulat na gulat sa nakikita at napatakip pa sa bibig.


I smiled at her, until everything turned black.




Nagising ako nang maramdaman ang sakit sa bandang pulsuhan ko.  Medyo blurry pa ang paningin ko at tanging liwanag lang mula sa ceiling ang nakikita at naaaninag ko.


"Anak?" I heard mom's voice. Tuluyan ko na siyang nakitang nakahawak sa kanang kamay ko.



"Mama.." Pag tawag ko sa kaniya. I realized that I am in the hospital.


Sumakit naman ang kaliwang pulsuhan ko na ngayon ay may benda at naka dextrose.


"Ano bang iniisip mo, Cedes ha? Nag-alala kami nang sobra!" Rinig kong pagalit na tanong ni papa.


"Sshh, imbis na pagalitan mo ang anak mo, kumustahin mo nalang.." Inis na sagot ni mama sa kaniya.


"Anong nangyari, ma?" Kahit na nahihirapan akong magsalita ay sinikap ko pa ring magtanong.  Sa sobrang kahiluhan ko ay wala akong maalala.



"Nakita kitang sinugat ang sarili mo gamit yung basag na salamin sa banyo ninyo ni Ellie." Halos manlaki naman ang mata ko sa narinig. Naramdaman ko rin ang pagtulo nang luha ko.



"Tinawagan ko na ang Tita mo. Sinabi niyang kailangan mo nang magpa therapy, Mercedes. And this time, Hindi ka na aayaw." Wala na akong nagawa sa sinabi ni mama. Kahit naman na tumanggi ako ay hindi pa rin siya papayag at itutuloy pa rin ang therapy.


I got discharged hours after I woke up. Mas pinili ko na rin na magpagaling nalang sa bahay dahil lalong bumibigat ang pakiramdam ko kapag naiisip na nasa hospital ako.


Nakita ko naman ang banyo namin ni Ellie na bago na ang salamin. Ang bilis naman nilang mapalitan. Sobra ring nag-alala si kuya Sheed at Ellie kaya magmula nang makauwi sila kanina ay hindi na ako tinantanan.


"Sa isang araw ka na pumasok, you need to gain energy." Pagpapa-alala ni kuya Sheed habang inaayos ang kama namin ni Ellie.


Tinulungan niya akong makahiga at hininaan nang kaunti ang aircon.


"If you need anything, andiyan si Ellie. O kaya ichat ninyo ako, andiyan lang naman ako sa kabilang kwarto." Pagpapa-alalang Muli ni kuya Sheed bago lumabas ng kwarto.


Inabot ko naman ang cellphone ko na nasa side table at in-open ang messenger.


Juan Arceo Cruz
Hi love!


Juan Arceo Cruz
Napansin ko, hindi ka pa nag-oonline. May problema ba?



Siguro ay kailangan ko munang mag focus na pagalingin ang sarili ko, Jan.. Hintayin mo ako.. Ayaw kong maapektuhan ka, kaya pansamantala muna..



Ignore Juan Arceo Cruz?

Bumuntong hininga ako bago pinindot ang ignore message.


Juan Arceo Cruz has been ignored.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now