Chapter 2: The Inevitable

29 4 1
                                    

There are things in this world that are inevitable. 


Things like the wind, rain, dirt— death. We know that they're bound to happen, but we can never be fully prepared for them. Having to break up with Kiel, it was inevitable. Hindi ko man inakalang matatapos ang lahat nang dahil sa kasal, alam kong meron at merong katapusan ang relasyon namin.


I knew it from the start, but he made me feel things I didn't know I could feel again and I found myself smiling every single time that he was around. 


2 years. We were together for two years. Two years and six months, to be exact. Ang bilis ng panahon... masyadong mabilis. Hindi manlang bumagal ang ikot ng mundo. Parang kahapon lang nung nagkakilala kami. 


Pinarada ko yung kotse sa isang bakanteng parking space sa kalye. Hindi gaano karami yung tao dahil nasa klase pa ang mga tao. My old school. Dito ako nilipat ng magulang ko pagkatapos nung aksidente at dito ako nagtapos ng senior high school. Sabi nila kinailangan nila akong ilipat dahil mas private itong school na ito. Konti lang mga estudyante dahil isa siyang elite school kaya mas matutuunan nila ako ng pansin kumpara sa dati kong school. 


Kahit na isang taon lang ako nag-aral dito, napakarami kong memories dito. 


Bumalik ako sa realidad nang may narinig akong katok sa bintana ng kotse ko. Bumungad sakin ang ngiti ng taong mahal ko. Inunlock ko yung pinto at umupo siya sa passenger seat. "Hey," bati niya. 


"Hi, Kiel." I forced a smile. 


"Kamusta yung libing? Ang tagal nating di nagkita." 


"Okay naman. It was peaceful, maraming dumalo... everything went well... except for..." I paused. Pati si Kiel ay napatigil, inaantay na ituloy ko ang sasabihin ko. "Yung last will and testament reading ni lolo."


Kitang-kita sa mukha ni Kiel na naguguluhan siya sa sinabi ko. "Bakit? Naghimagsikan ba yung mga kamag-anak niyo dahil 'di sila nabigyan ng mana? Sorry, I don't know how a last will and testament reading could possibly go wro⁠—"


"I'm engaged." 


And there was silence. 


"Yun yung last dying wish ni lolo. He wants me to marry... this person." I can't even remember my soon-to-be husband's name, god. Mababaliw na ako. Ni hindi ako makatingin kay Kiel dahil hindi ko kaya makita siyang nasasaktan. 


"Ayumi," he spoke, "you know that I love you, right? And I want you to be happy." 


Tumulo lahat ng pinipigilan kong luha nang sabihin niya ang mga salitang iyon. "Pero sayo ako masaya," hikbi ko. "Ayokong mawala ka, Kiel." 


Kinuha niya yung kamay ko at hinila papalapit sa kanya, ipinalibot niya sa'kin ang kanyang mga braso at niyakap ako nang mahigpit. "Ano ka ba, 'di naman ako mawawala. Andito lang ako lagi para sayo. Tahan na, Ayumi." 


Umiling ako at patuloy paring humahagulgol sa yakap niya. Hindi padin nags-sink in na dito na magtatapos ang lahat. "Naaalala mo pa ba nung unang beses tayong nagkakilala?" simula niya. "Ano nga ulit yung sinabi mo... akala mo either kidnapper, holdapper or multo ako?" Pareho kaming natawa sa sinabi niya. 


"Paano ba naman kasi, andun ka sa abandoned waiting shed. Nakayuko ka lang tapos bigla-bigla kang umiyak," pagtanggol ko sa sarili ko, "sino ba namang hindi matatakot?"


"Pero dinalhan mo ako ng kwek-kwek. Napaka-tapang mo naman po." 


Dinalhan ko siya ng kwek-kwek noon dahil nakita ko ang sarili ko sa kanya nung mga panahong kine-kwestyon ko ang sarili ko pagkatapos nung aksidente. "At ikaw naman napaka-sungit mo. Inaway mo pa 'ko sa pagdadala ng kwek-kwek sayo pero kinain mo din naman."


"Umamin ka na, may gayuma yung kwek-kwek na yun, noh?" Hinampas ko siya sa braso pagkasabi niya yan. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki 'to. 


"Ang sabihin mo, marupok ka sa kwek-kwek." Irap ko sa kanya. Napasandal ako sa upuan ko at napangiti. Ang bilis talaga ng panahon. "Gumawa ka pa ng eksena sa school namin. Napunta tuloy sakin lahat ng atensyon ng mga tao, lahat inaasar ako tungkol sayo."


"Paano naging eksena yun? Pumunta lang naman ako dun para tanungin kung pwedeng manligaw, yung mga schoolmates mo ang gumawa ng eksena. Masyado silang kinilig." He had a cocky expression on his face, proud of the effect that he had on the girls, but his expression went blank soon after. "Siguro kung naglakas ng loob akong magpakilala sa magulang mo noon palang, hindi na tayo dumating sa puntong ito."


No, no, no. He's not supposed to blame himself for any of this. "Kiel, please don't. Pamilya ko sila, ako ang dapat na nagsabi sa kanila pero natakot ako na baka pag nalaman nila, paglayuin nila tayo. You were my safe zone and I didn't want them to take you away from me." I told him as I cupped his face in my palms. "But now it's too late. Too fucking late. I did this. Not you. Me. Don't you ever blame yourself for my shortcomings."


"I don't want to let you go, Ayumi." he whispered, pressing his forehead against mine. "Stay with me... just until we can no longer do so... stay with me, alright? Then I'll let you go."


"Alright," I replied, just before our lips touched. 


"I love you, Ayumi."


"I love you, Kiel."




Arranged Marriage From Hell: RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon