ELECTRIC FAN

5 4 1
                                    

'ELECTRIC FAN'

"Ang init shutah!!." Inis 'kong sigaw dito sa loob ng bahay, na kahit lumabas ka pa ay sobrang init pa din.

"Maligo ka na daw kasi." Napalingon naman ako sa naka-ngiseng aso na bunso 'kong kapatid, gusto ba nitong lumipad patungo sa lugar kung saan siya nararapat?.

Sinamaan ko ito ng tingin, "Umalis ka sa harapan ko aleluyah baka sipain ko pagmumukha mo." Kunot ang noong ani ko na ikina-busangot naman nito, akala mo kagandahan mukha namang impakta sabi ko na nga ampon lang ako ehh, hindi ko ito kapatid.

"Ate, it's Alleyah not Aleluyah." Maarteng aniya na ikina-ngiwe ko,

Nanggigigil na inabot ko ang cellphone ko na naka-charge at nanlaki naman ang mga malalaki na talagang mata ng kapatid ko nang batuhin ko siya mismo ng cp ko, hah!! Akala niya maiilagan niya 'yon? Lol, in her pakening dreams.

"MAMA, SI ATE BINATO AKO NG CELLPHONE HINDI KO NAMAN INAANO!!." Pa-iyak-iyak nitong saad, nasaan ba dito 'yung medal ko sa simbahan noong nag-aaral pa ako doon, isasabit ko lang sa kaniya.

"ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO SA KAPA-Ohh ayan, medalya salamat sa magaling mo'ng pag-arte mahal ko'ng KAPATID." Ngise at may diin 'kong pag-putol sa sasabihin sana ni mama tsaka ko isinuot sa kapatid ko ang medal ko dati, sumama ang timpla nito kahit si mama.

"Mama ohh si ate ito 'yung binato niyang c-cp?" Takhang tanong niya nang kuhanin niya 'yung cellphone na ibinato ko, napa-ngise naman ako sa nakita.

'Taena, triple death ata ang makukuha ko dito o double death, ano man doon sa dalawa gusto 'kong maka-alis na.'

"LINTEK KA TALAGA KAHIT KAILAN PRINCESS JYANE!!." Nanlaki naman ang mga mata ko nang habulin ako ni mama, taena mukhang naka-limutan ko ata 'yung init ng panahon huhuhu.

"HUWAHHH!! HUHUHU 'YUNG CP NI MAMA!! HUWAHHH!! WALA NA AKONG GAGAMITIN PANG-YANDERE!!, PANG-SAKURA, AT PANG-SCHOOL GIRL SIMULATOR!! HUHUHU." Dinig 'kong sigaw ng magaling 'kong kapatid, taena 'yon pa talaga ang inaalala niya?.

"MA!! ARAY KO TAMA NA!!." Sigaw ko ng pagbabatuhin ako nito ng kung ano-ano, taena nagkamali pala ako ng bunot, akala ko cp ko 'yung naka-charge natandaan ko pala wala na akong cellphone dahil ibinato ko 'din ito noong nakaraang taon huhuhu, mashakeyt sa hart.

"Una sinira mo cp ng kapatid mo-Ma kalma, hindi ako nag-sira no'n 'yung kaklase ko iyon!!." Pagtanggi ko dito pero sinamaan ako nito ng tingin kaya napa-tikom ako,

"Pangalawa, sinira mo mismo sarili 'mong cellphone, akala mo bibilhan kita?-Pamana mo nga lang 'yung cp na iyon, sira na pati iyon noong ibinigay mo sa akin, biruin mo ba naman binili mo iyon ng second hand tapos nag-six years sa atin then binigay mo sa akin tapos makalipas ng mga buwan, tapos na!!." Sabay irap 'kong pag-kuwento dito, totoo 'yon akala ninyo hindi? Taena miss ko na cp ko huhuhu.

"Anong sira!? Gusto mo sirain ko ang buhay mo bata ka?! Ito pangatlo, naman at sinira mo ang cellphone ko!? Mamasura na lamang kayo wala kayong kakainin." Sermon niya at muling nanlaki ang aking mga mata nang kuhanin niya 'yung electric fan namin na maliit, ang pangalan eureka taena.

"MA, ANO GAGAWIN MO!?." Nanlalaki ang matang sigaw ko,

"'Di ba sabi mo ang init?" Tanong niya tumango naman ako,

"Ito ohh electric fan, para lumamig kasing lamig ng convo ninyo!!." Inis nitong sigaw at ibinato sa akin ang electric fan,

Naka-hinga ako ng maluwag nang maka-iwas ako at napa-iyak nang mapagtanto na iyon lamang ang mayroon kami, kung mayroon lang kaming ref. doon ako tatambay hanggang sa mamatay si me huhuhu ang kaso wala ehh.

'Tapos nawala pa si electric fan, RIP Eureka papalitan ka na lang namin hehehe.'

~

~

~

"Taena, ikaw ang may kasalanan nito ehh!!." Inis 'kong paninisi sa kapatid 'kong busy sa kakapaypay sa sarili niya.

"Anong ako? Aba!! Ikaw ang may kasalanan." Aniya sabay irap papatalo ba ako? Siyempre inirapan ko siya 'yung tipong wala ng itim 'yung mata ahmpp.

"Manahimik ka baka sakalin kita ng 'di oras, at tsaka pati kung hindi mo lang ako inasar hindi sana ito man'yayari." Kunot ang noong ani ko,

"Dzuhh, kung hindi ko lang rin 'yun sinabi hindi ko rin iyon sasabihin!!." Inis nitong bulyaw sa akin,

"Taena, tangekok ka pala ehh paanong hindi ko iyon sasabihin ehh ang init nga?! Tapos sa iyo lang naka-tapat 'yung electric fan!?, Sige nga alangan namang sabihin ko na Ang lamig shutahh!! Taena may gano'n?." Inis 'kong bulyaw dito na ikina-tikom niya, maganda 'yan baka mabigwasan ko pa siya.

"Mag-tigil nga kayong dalawa diyan, pare-parehas naman kayong may mali isama na ninyo ang mama ninyo na hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang sumapi at inihagis ang electric fan." Iling na ani papa sinamaan naman siya ng tingin ni mama, "Totoo naman ahh? Bakit ang sama ng tingin mo?." Dagdag ni papa

"Ikaw na lalake ka imbes na mag-daldal ka diyan bakit hindi ka mag-hanap ng trabaho!?." Sigaw ni mama

"Tsk, ano ba ginagawa ko?." Tanong ni papa,

"Anong ginagawa mo? Puro ka ml!! Ml!! Wala ka'ng ginawa kun'di puro ML!!." Pasigaw na sagot ni mama,

Nagka-tinginan naman kaming dalawa ng kapatid ko at pumunta na lamang sa gilid para hindi madamay, at nag-paypay ng sarili namin.

Taena nag-reklamo lang naman ako ahh? Bakit ito ang kinahantungan? Huhuhu gusto ko lang naman ng electric fan ehh!! huwahhh!!

~~~~THE END

AUTHOR'S NOTE;

Pasensya na kung mukhang ehwan ang part na ito pero totoo po 'yung mga names dito ahh?, pati 'yung laro ng kapatid ko at ang ginawa ko sa sarili 'kong cp at ang ginawa ng mga kaklase or kaibigan ko sa cp ng kapatid ko.

Pero 'yung sa cp ni mama hindi 'yun totoo at siyempre 'yung pag-hagis niya ng electric fan taena, hindi 'yun gawain ni mama ang mag-bulyaw oo pero 'yung gano'n? Hindi ahmpp.

Lesson learned; Mag-ingat sa mga sinasabi at sa mga galaw na gagawin dahil maaaring ikasira ito ng iyong pyutur ( future ), like taena nag-sisisi na talaga ako na binato-bato ko 'yung sarili 'kong cp huhuhu!!.

ONESHOT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon