FAKE FRIENDS, REAL FRIENDS

6 4 1
                                    


TITLE; Fake Friends, Real Friends
GENRE; Random
AUTHOR; Darkverssaya

#PLAGIARISM_IS_A_CRIME
#BEWARE_OF_GRAMMARICAL_ERRORS_AND_TYPOS

~~~~~~~

"Princess, pahawak nga nitong cp ko gan'yan ka lang huh? Steady ka lang d'yan tapos naka-front 'yung camera then kapag sinabi naming stop, ititigil mo okie?" Tumango lamang ako dito bago sinunod ang utos niya,

Napa-ngiti naman ito, "Jasmin, Jayb, Lance halika na kayo dito" Ngiting tawag niya sa tatlo pa naming kaibigan,

"Kawawa naman si Princess ginawa ninyong taga-hawak Hahahahaha" Tawang ani ni Lance,

"Hey!, Huwag mo ngang gan'yanin ang brownie ko! Hmpp!! Halika dito Princess" Ngusong ani ni Jayb ang panda ko, hehe ngiting nilapitan ko naman ito

"Jayb naman, ayaw mo'ng mag-tiktok tayo?" Tila nagtatampong tanong ni Jasmin

Ngunit hindi sila pinansin ni Jayb tsaka inagaw lamang ang cp ni Allison at ibinalik ito sa kan'ya, "Sa susunod matuto kayong maghanap ng paglalagyan ninyo huh?" Seryosong aniya tsaka ako hinila papunta sa upuan namin sa pinakang-likod,

"Jayb, bakit mo ginawa 'yun? Nagpapatulong lang 'yung tao" Mahinahong ani ko ngunit sinamaan lamamg ako nito ng tingin tsaka padabog na umupo,

'Hala, mukhang nagtampo ata'

"Jayb, woi! Pansinin mo naman ako" Pakiusap ko dito habang kinakalabit ko siya,

"Ayaw ko nga" Napangiti naman ako

"Ehh bakit mo ako pinansin?" Sabay ngiti ng mapang-asar,

"Pinansin ba kita? Hindi nga kita pinapansin ehh" Patay malisyang aniya na ikina-tawa ko na lamang,

~~~~

"Saan kayo mag-aaral sa susunod na taon?" Tanong ni Jasmin

Nagkibit-balikat naman ako dahil paniguradong dito ulit ako mag-aaral, dahil nga sa mula kinder hanggang ngayong grade 7 dito na ako sa school namin which is ABIS.

"JRU basta sa akin" Aniyang muli

"Lilipat kayo?" May lungkot ang boses 'kong ani

"Bakit? Hindi ka ba lilipat?" Tanong nila, umiling lamang ako

"Paano 'yan makakalipat bahay nga hindi maka-bili, pambayad pa kaya ng tuition fee" Tila Nang-iinsulto na ani ni Lance tsaka sila ni Jasmin tumawa,

Napa-yuko naman ako 'Tama nga naman, paano ako makakapasok sa mga gano'ng paaralan bukod sa hindi naman ako matalino, wala pa kaming pera' napailing naman ako tsaka pilit na ngumiti na lang sa kanila.

"Hoy! Huwag nga kayong gan'yan kung magsalita, akala ninyo naman sigurado na kayong makakapasok kayo sa University na iyon" Sabay irap ni Jayb sa kanila,

"Ayos lang naman Jayb, tama sila hindi namin afford 'yung ganoong University" Mahinahong ani ko kaya naman sinamaan ako nito ng tingin tsaka padabog na lumabas ng classroom,

ONESHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now