Chapter 33

59 4 0
                                    

Bumalik ang lahat ng katanungan sa akin magmula nang mapansin ang kakaiba roon. Kahit na may kasiguraduhan naman sa naiisip, parang bigla na lang akong kinabahan nang sumunod na araw.

I came late at school because of that. Dahil sa kagustuhang maobserbahan iyong parteng iyon, hindi ako nakaabot sa oras na dapat ay nakapasok na ako.

I was hurrying earlier when I finally arrived. Iyong bisitang inaasahan ay paparating na raw. Still, I came prepared though. Halos lahat sa mga kasamahan ko ay bukambibig ang mga donations na binigay ng bisitang iyon.

Wala akong ideya sa mga sinasabi nila kung kaya't buong usapan ay hindi ako kumibo. I remained still and silent, still thinking of that thing before I left the house.

"Balita ko nga, may itsura saka mayaman. Hindi taga rito at napusuan lang na mag-donate kahit papaano," dinig kong saad ng isang guro na nasa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya. She got the same height with mine. Pareho rin kami ng edad ngunit kabilang section ang kanyang tinuturuan. I smiled at her when she finally gave me a glance.

If I am not mistaken, she likes handsome men and those who can pass her standard. Maganda siya, makinis saka may ibubuga pero hindi tinatanggap ang minsang kawalan sa options ng na-set na standard sa sarili.

"Good morning, Ms. Eliazar," she greeted me. My smile didn't fade.

"Magandang umaga rin. Paparating na ba ang bisita?" I sat finally on the vacant seat next to her.

Nakapalibot kaming lahat sa mahabang mesa sa ngayon. They prepared some foods for the visitor. Lahat nang iyon ay nasa mesa na at tanging hinihintay na lamang ay iyong presensya ng bisita.

Ang nalalaman ko, nag-donate ito ng malaking halaga ng pera para sa pampagawa ng school amphitheater. The school has budget for that, but I think that person insisted to give the money instead. Hindi na ako magtataka kung magara ang lagay nito maya-maya.

"Parating na."

"Mabuti naman kung ganoon, Ms. Bell," saad ko rito saka ipinagkrus ang braso. "Kilala mo ba iyon?"

She shrugged her shoulders. Sinuklay nito ang mahabang buhok saka pinadausdos ang kamay ng marahan. I like her wide smile now.

"Hindi masyado. Dinig ko nga na hindi naman siya residente ng lugar na 'to. Well, hindi tayo sure. Malay mo, pareho na naming kilala ang isa't isa." She giggled at that and I didn't remove my smile. Nanatili lang iyon na parang nagpapanggap na nagugustuhan ang sinasabi niya.

I do not hate her. Sometimes, she likes blaming me for something I didn't do but I am not giving attention on it. Hinahayaan ko lang kasi ayokong magalit sa kanya. Not with the students' favorite teacher.

"That's nice. Tingin mo ba gwapo 'yon?" She blushed at my question and I almost pinched her arm.

Maraming rason kung bakit gusto kong gawin iyon sa kanya ngayon. She likes me as her victim sometimes. At dahil mabait nga ako, hindi ako pumapatol.

"Hmm. Sigurado naman ako. Isa pa, single daw iyon. I can suggest myself if ever." She started checking her nails as if there is something inside of it. Napailing na lang ako saka walang seremonyang uminom ng tubig.

As long as I am not related to her, I can let her say everything she wants. Hindi ko hawak ang buhay niya. It's her life and I've got no control on it anymore.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na kaming nakarinig ng ingay sa labas. The principal guided that visitor I guess. Tumayo na ako handang i-welcome na ito sakali nang bigla akong napabalik sa pagkakaupo.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now