Nagpasalamat ako sa kanila at naghanda para sa sunod na video. Iba naman ang suot ko at gagamitin na bags and jewelries. Kanina ay halos puti ang suot ko at makikinang na silver jewelries. Ngayon naman ay itim. Midnight black coat and mini skirt. Ang tanging top ko lang ay ang coat na isa ang saradong butones. Inilabas ni Berta ang mataas na boots. It was black and shiny. Isinuot ko 'yun at nalula sa taas. Hanggang tuhod ang sakop nito at halos matangkaran ko si Berta.

Isinuot nila sa akin ang mga gintong alahas at pinahawak din ng gintong bag. Ang make up ko ay mas ginawang dark pati ang aking lipstick ay sangria red ang kulay. Kabaliktaran ng naunang photoshoot ko ito.

Tinulungan ako ni Berta umakyat sa platform dahil sa suot kong boots. May nakahandang puting na lamesa at upuan doon. Hindi ko na nabilang kung ilang beses pumukaw sa matako ang nakakabulag na liwanag ng camera.



Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit ng paa. Tapos na ang aking photoshoot at talagang nakaramdam ako ng pagod. Maagang natapos ngunit ngalay ang aking paa. Nagpalit na ako ng damit at hindi pa sinuot ang aking heels.

Nagpapahinga pa ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Adrien.

From: Adriend Cuangco

You are always welcome. I actually want to invite you to have dinner, don't worry. It's not a date. We'll be with my friends if it's okay with you.


Napangiti ako sa sinabi niya. It's good to know that he cleared some things. Pumayag ako at nagtext kay Iris na baka malate ng uwi. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi ako kay Adrien, late na nga ang thank you ko tapos tatanggihan ko pa..

Nilagyan ko ng band aid ang paa dahil nagkaroon ng paltos. Napangiwi ako noong isinuot ko ang aking heels. Maayos naman ang damit ko, I am wearing a plain white body suit and black trousers at puting stilleto. Hindi ko na tinanggal ang make up ko at naunang nagpaalam kila Candy.

Adrien texted me the address. He said he'll wait for me there. Ang sabi pa nga niya ay susunduin niya ako pero sinabi kong mayroon akong dalang kotse.

Itinali ko sa low ponytail ang aking buhok. Itinext ko si Adrien noong nakapag park na ako sa may restaurant na sinabi niya. It was a fancy resto bar.

Mabilis kaming nagkita, well, he's tall and masculine. Mukhang galing pa sa opisina dahil naka itim siyang longsleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko.


“I'm sorry, late ko na nabasa ang text mo. I got busy with my shoots,” sabi ko sa kanya. He kissed my cheeks and nodded.

“It's fine, kakarating lang din naman namin..” he said and guided me inside.

Tahimik ang loob at medjo dim ang lights. The ambiance is really pretty. Nakita ang mahabang lamesa kung saan nandoon ang mga kasama niya. Four guys and one girl. Stefan and Jesy were here.. of course.

“Hi, Mavis. You look pretty tonight,” bati sa akin ni Andrew at humalik. Ganoon din ang ginawa ng iba sa akin. Pero hindi ni Stefan and Jesy. I smiled at them.

“It's nice to see you again,” I smiled at them. Ipinaghila ako ni Adrien ng upuan at nagpasalamat. Sa harap kami ni Stefan at Jesy. What a view..



“Likewise, Mavis..” Jesy smiled and rested her head on Stefan's shoulder. Napangiti ako sa kanila. May kirot but I love it.

Tumingin ako kay Stefan, he stared back. I refused doing your home. Nauna akong nag iwas ng tingin.

Medjo maingay ang table namin dahil sa mga usapan. Tinignan ko ang menu at napanguso. I wonder kung ano ang niluto ni Iris ngayon para kay Mavin.

When Things Fall ApartWhere stories live. Discover now