chapter 16

6 1 0
                                    



Mas lalong umingay ang mga usap usapan tungkol sa akin. It was annoying and frustrating. Hindi ko alam kung bakit may ibang nagagalit sa akin kahit na hindi ko naman sila kilala.


Maybe they were Jesy's friend and they are defending her to the people like me. As time passes by, parang tinatanggap na ng katawan at utak ko ang pinagsasabi nila. I can perfectly hear their words, lalo na kapag dumadaan ako, pinaparinig talaga nila.



So, nasa loob pala ako kulo ko? At kinakain ko kung ano ang niluwa na ng kaibigan ko?




It was disturbing. Gising ako hanggang madaling araw dahil sa mga salitang umiikot sa isipan ko.



"Ate, sasabihin ko na 'to kay Mamà! I won't let those bitches pull you down! Kung papayag ka, ako hindi!" Iris yelled and left me.





Napailing na lang ako at naglakad na papasok ng building. Medjo inaantok pa ako dahil napupuyat ako sa mga bagay na dapat hindi ko na lang isipin pero hindi ko magawa.




Napamura ako kahit hindi ako nagmumura nang makasalubong si Stefan na ilang araw ko ng iniiwasan sa loob o labas man ng eskwelahan.

Ang kanyang malalalim na mata ay seryoso at daig pa ang kalangitan sa sobrang dilim. He looks like he's ready to shout and ready to kill. Nanlamig ang mga kamay ko dahil doon. He's tall, nanliit ako at hindi na siya tiningala pa.



"Mag uusap tayo, Mavis." seryoso at kalmadong sabi niya. Kabaliktaran ng kanyang ekspresyon.


"M-May pasok ako..." sabi ko at tumingin sa paligid. Wala pa masyadong tao, maaga pa kasi.. Oh god, boba.



"'Wag mo akong ginagago, Mavis. Wala ka pang klase." galit na sabi niya at mabilis akong hinatak papunta kung saan.

Of course he knew! Alam niya rin kung saan kami dadaan kung saan walang CCTV na makakahagip sa amin na kinakaladkad niya ako.




Tahimik na lang ako habang hinihila niya. Hindi naman marahas ang paghila niya, masyadong malalaki lang ang hakbang niya kaya't nahihirapan akong sabayan siya.


Huminto kami sa isa sa mga lumang at abandonadong building sa GNU. Bumitaw siya sa kapit kaya bahagya akong lumayo ay tumingin sa paligid.




"Hanggang kailan mo iindahin mag-isa?" his first question made me froze and cold. Napakurap ako at inilayo ang aking tingin.




Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at hindi ko rin alam ang isasagot ko. I didn't expect that, I thought he'll be mad because I'm ignoring him.




"I'm not pressuring you about what we have, Mavis. I will never pressure you.." he said in a calm way.



I bit my lips and played with my fingers to ease my nervousness.



"Talk to me." matigas na sabi niya kaya napatigil ako at napabuntong hininga.



"People are talking about us, Stefan." mahinang sabi ko sa kanya.



"And you didn't even bother to tell me that they are verbally harassing you?" he asked angrily. Mabilis na kumalat sa sistema ko ang takot dahil sa kanyang malakas at madiin na boses.





"If Stan didn't told me about this thing, kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag ayaw mo na sa akin kasi tinanggap mo na kung ano ang sinasabi ng nakapaligid sa'yo?" he asked, he sounded hurt and mad.



When Things Fall ApartWhere stories live. Discover now