Chapter 7: Sieg

4 0 0
                                    

MALUMANAY ANG TINIG ng tumawag kay Emi pero nang mapalingon ang tinawag ay bigla na lang kumabog ang kanyang dibdib. Saglit ay binalot ng katahimikan ang paligid habang nagkatitigan sila nang matagal ---tingin ng isang hindi makapaniwala at tingin ng isang hindi nakabanat ang labi. Maging si Sean ay hindi naka-imik.

Halos habulin ni Emi ang hininga nang bumigat ang kanyang dibdib dahil natiyak na niya kung sino itong lalaking nasa harapan niya. Saka sumabay ang pag-init ng kanyang mga mata't pisngi.

Kilalang kilala niya siya. Kilala niya noon at kilala niya kanina. Nanghina ang mga tuhod ni Emi. Kulang na lang ay bumagsak siya sa sofa.

"S-Sieg..." halos hindi makahingang bulalas ni Emi.

Iyon nga si Sieg --ang lalaking nakasalubong niya kanina, nakabangga sa 7-11 kahapon, nakapulot sa kanyang enrollment form nung makalawa at ang kaibigang pinakatatangi niya sa nakaraan.

Hindi pala nagkamali ng akala si Emi.

"Emi..." pag-uulit ni Sieg.

Maiiyak na si Emi nang matunugang may pagsamo ang pagtawag na iyon lalo na't overwhelmed din siya sa lahat ng nararanasan niya ngayon. Hindi niya maikakailang may "magic" na naganap sa mismong araw na pinagdiwang niya ang 13th Anniversary ng Kubo Kids. Halos hindi nga rin siya makapaniwalang isang araw lang nangyari ang lahat ng ito.

"You shouldn't be here."

Biglang umurong ang mga luha ni Emi at napanganga sa dinugtong ni Sieg.

"A-ano?"

Saka pinutol ni Sieg ang titig kay Emi nang si Sean naman ang tiningnan niya nang matalim. Hindi nakasunod si Emi sa mga pangyayari lalo na nang mapalingon siya kay Sean na naka-de-kuwatro sa sofa at naka-smirk. Naibahan si Emi sa smirk na iyon.

Tinaas pa ni Sieg ang noo na parang tinitingnan si Sean nang sobrang baba. Tila hindi iyon nagustuhan ni Sean kaya tumayo siya't tinuwid ang tindig nang nakabulsa ang mga kamay para pantayan ang tingin ni Sieg.

Kung gaano katalim ang titig ni Sieg ay ganoon naman kalawak ang smirk ni Sean. Saka siya tumawa nang nakakaloko.

"What's with the fierce looks, Sieg? Ano bang narinig mo sa pinag-uusapan namin ni Emms?" naka-smirk pa ring tanong ni Sean.

"Emi, hindi ka dapat nandito," malumanay na sagot ni Sieg nang lingunan ulit si Emi. "Umuwi ka na. Ihatid na kit---"

"---Oh, come on! She's my visitor! And why ruin the moment? Ngayon mo nga lang din siya nakita ulit, o! Wala bang sentimental greetings diyan? Childhood friend natin 'to, o!" sabat ni Sean na patingin-tingin kay Emi.

"Hindi 'to yung first time na nakita ko siya," sagot naman ni Sieg na napaiwas bigla ng tingin sa kanila.

"Oh! Talaga?! Nagkita na kayo ni Emms? Emms, totoo ba?" tugon ni Sean na umaliwalas ang mukha.

"Uhm, oo. Pero hindi ko siya nakilala..." nahihiyang sagot naman ni Emi.

"Wait... Bakit hindi naman nagpakilala si Sieg sa'yo?"

"It's none of your business," agad-agad na sagot naman ni Sieg. "...And let's mind our 'own' businesses."

Saka tuluyang natawa si Sean. Nakakuyom ang mga palad ni Sieg na hindi makatingin ni kahit sino sa kanilang dalawa. Wala pa ring maintindihan si Emi. Wala siyang naiintindihan sa lahat lalo na't ngayon lang niya nakita sina Sieg at Sean na nagka-initan. Isang bagay na hindi niya nasaksihan sa loob ng pitong taon nilang pagsasama.

Napaisip tuloy si Emi kung ano nga ba talaga ang nangyari makalipas ng pitong taon.

"Sieg, look. We're just setting up a reunion for Kubo Kids. I'm pursuing our dream for real. Hindi ka ba na-e-excite?" paliwanag ni Sean na naging mahinahon at umupo ulit sa sofa.

Kubo Kids: See You at VR ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon