𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐕𝐄𝐍𝐃𝐎𝐑

2 0 0
                                    

𝗪𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴: Ang iyong mababasa ay pawang kathang-isip lamang ng may likha. Ang pangalan, lugar, at mga pangyayari ay walang kinalaman sa personal na buhay ng may akda pati na rin ni Dua Lipa. Errors ahead.

_____________________________________________

"Late na ah," sambit nang nagtitinda ng balut sa may kanto ng street namin.

"Ahhh opo, overtime po kuya. Pabili nga po, lima." sambit ko.

Agad niyang ibinigay sa akin ang hinihingi ko, pagtapos niyon ay ibinigay ko ang bayad sa kaniya, at saka sinabing sa kaniya na ang sukli. Ngumiti ako sa kanya, at saka umalis na roon upang dumiretso na sa inuupahan ko.

Si Mang Ruel 'yon, tuwing gabi ay napuwesto siya sa lugar na 'yon para magtinda ng balut. Dahil sa gabi-gabi siyang naroon ay nakilala ko na siya at naging malapit na ang loob ko sa kaniya bilang kuya ko. Sa tuwing uuwi ako ng hating gabi ay nariyan siya at ganoon ang palaging litanya sa akin na kesyo, "Late na ah."

Medyo malayo-layo ang bahay ko dahil bandang dulo pa ako. Noon, takot ako sapagkat medyo madilim sa dinadaanan ko, ngunit ngayon ay hindi na dahil nalagyan na ito ng ilaw.

Pagdating sa tapat ng inuupahan kong bahay ay agad kong hinugot ang susi ko. Ilulusot ko na sana 'yon sa may pinto nang makarinig ako ng munting kaluskos mula sa likuran ko. Hindi ako kaagad gumalaw, nagbabaka sakaling pusa o asong gala lamang ito. Ngunit may kakaibang presensya mula sa aking likuran na sadyang nagpapabigat at nagpapabilis nang tibok ng puso ko.

Pagkaharap ko ay agad sumalubong ang pag ngisi ng isang lalaki sa harapan ko at agad nitong tinakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako ngunit patuloy pa rin ang pag ngisi niya sa akin. Hanggang sa, magising ako mula sa pagkakatulog. Isang masamang panaginip lang pala 'yon.

Napatingin ako sa orasan at 10am na ng umaga, malapit na akong mahuli sa aking trabaho. Kaya naman nagmadali na akong kumilos at pagtapos ng lahat ay pumasok sa trabaho.

Kagaya nang nakasanayan, overtime. Pagdating sa kanto ng street namin ay nakita ko ulit ang tindahan ng balut ni Mang Ruel. Lumapit ako roon.

"Mang Ruel, limang balut nga po." Sambit ko. Kakatwang sa masayang tono kong 'yon ay wala akong natanggap kay Mang Ruel, nakatungo lamang ito habang suot ang black niyang hoodie. Ang nakasanayan kong pagsabi niya ng, "Late na ah," ay hindi ko naririnig ngayon.

Doon ay lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

"Huli ka na, wala na si Mang Ruel." Mahina at nakakikilabot niyang sambit sabay sinundan iyon nang pagtawa.

"Huwag ka nang tumakbo pa hija, sapagkat huli na." Agad niyang hinablot ang kamay ko at saka ako nito pinagsasaksak sa dibdib.

____________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Street VendorWhere stories live. Discover now