"I don't want her hurt anymore, Michelle. So please... help me talk to her. I want her to know that I don't care about my family. Siya... siya ang mahal ko kaya siya ang pakakasalan ko. Please..." he said.

I took a deep breath and thought for a moment. Pwede ko namang kausapin si Mommy sa ibang araw. Right now... I think this thing is more important. Blade looked so desperate to talk to Luna. I can feel that he's scared Luna will leave him forever just because of his family.

"Fine. Let's go out," I said.

Nabuhayan siya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako at dudugtungan na tutulungan ko siya kay Luna nang napalingon ako sa gilid namin ni Blade. May gumalaw kasi akong nasulyapan. Kasabay ng paggalaw na 'yon ay ang pag tunog ng pagsara ng back door ng isang sasakyan. Sabay kaming napalingon ni Blade roon.

Natigilan ako nang nakita ko si Lee na may hawak na bag, siguro laman ay laptop. Tumingin siya sa amin nang naisara niya na ang kanyang back door car, halos lamigin ako sa lamig ng kanyang titig.

Umawang ang bibig ko. Na-realized ko ang huling sinabi at posibleng narinig niya iyon! Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"I'm sorry for interrupting but I would  also like to take this opportunity to say sorry to you, Michelle, for what happened last night. That's all. You can continue what you are talking about," he said coldly while looking at me seriously before he walked away.

Gusto ko siyang habulin at sabihin na mali ang narinig niya ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw. Nanatili ako roon sa kinatatayuan ko, unable to move... like a statue.

"Is that Leandros Hidalgo?" Blade asked.

Nag iwas ako ng tingin sa kinatatayuan ni Lee kanina. Tumikhim ako. Tumango ako bilang sagot sa kanya ngunit wala nang sinabi pang iba.

"Halika na... Tatawagan ko si Luna pagkarating natin sa... mall..." tanging sinabi ko, hindi ko alam kung bakit parang nawala bigla ang lakas ko.

"Thank you, Michelle..." Blade said.

Lee never left my mind again. Mukhang doon ulit siya pupunta sa shop ko and now, it looks like he has something to do because he's carrying his laptop. Hindi ko na tuloy alam kung sasama pa ba ako kay Blade o mananatili na lamang sa shop para makita si Lee.

I remember the conversation we had last night. He said sorry today. Bakit? Dahil siguro akala niya naabala niya ako? O akala niya hindi ko gusto ang nangyari? O akala niya hindi ako naging komportable?

I want to talk to him. But right now I don't know if I can still do it. Nalilito rin ako sa sarili kong nararamdaman. Gusto ko siyang makausap ngunit natatakot ako. Gusto kong sabihin ang totoo kong nararamdaman ngunit naduduwag ako.

I took a deep breath and thought I didn't have to go with Blade anymore. I can just call Luna and tell her to meet me at the mall but the truth is she will meet Blade and not me. I don’t know if she’ll get mad at me for doing this but I also don’t want her to think she doesn’t deserve Blade just because his family doesn’t like her. I also don't want her to get hurt just because of me. Just because the family of the man she loves wants me... over her.

I went back to Blade at our table here in a coffee shop inside the mall after I called Luna. She's coming here.

"Natawagan ko na siya at pupunta siya. Ikaw na ang bahala sa kanya. Make sure to explain everything to her. Tell her how much you love her," I said.

Ang tulalang si Blade ay unti unting tumango. He seems to be thinking about what to say to Luna and is obviously nervous as well. I sighed and said goodbye to him. I left the coffee shop and I plan to immediately do my plan earlier. Ang puntahan si Mommy.

Usually, tanghali pa siya pumupunta sa building ng mga Agravante dahil may ginagawa pa siya sa study table nila ni Dad. Umaga palang ngayon kaya sigurado akong nandoon siya.

Sumasakit ang ulo ko ngayong parang magkakasagutan na naman kami ni Mommy. Kahit dito, pagod na ako.

"Kailan mo ba ako maiintindihan, Mommy?" mahinahon kong tanong kahit napupuno na naman.

She sighed heavily. "Michelle... I'm sorry. I'm sorry for everything. Pero... kailangan kasi--"

"Kailangan? Para saan? Para sa business? Puro nalang ba business ang iisipin niyo, Mom? Paano naman ang nararamdaman ko?"

"I know... I just want you to try it--"

"Ilang beses ko nang sinubukan, Mom! Para sayo! Pero hindi niyo ba nakikita ang nangyayari? It's not working!"

"Because you don't want to try! Malay mo magustuhan mo rin si Blade. He's a good person at sigurado akong hindi siya mahirap magustuhan."

"I already told you, he loves someone else!"

Hindi nagsalita si Mom.

"Kailan niyo ba makikita na nahihirapan na ako? Bakit ba parang hindi niyo iniisip ang nararamdaman ko?"

"Hindi ganoon, hija--"

She looks calm now but I don’t care anymore!

"Kung hindi ganoon, ano? Kailan niyo ba inisip ang nararamdaman ko, Mom?"

"It's for your own good!"

"No, Mom! It's not for my own good! It's for the company's own good!"

Mommy took a deep breath and stood up from her chair here at the study table. Hindi siya naglakad. She remained in front of her table.

"I just want you to end up with a man who can provide for you, Michelle Morganna. Hindi sa kung sino sinong lalaki lang!" ngayon tumataas na naman ang boses niya.

"So wala ka ngang pakialam sa nararamdaman ko..." tumango tango ako at nangilid ang luha sa aking mga mata. "Ang pakialam niyo lang ay ang yaman... yaman nalang palagi!"

"That's not what I mean, Mina. What I mean is I don't want you to struggle just because of a man you will choose!"

"Yes, naiintindihan ko, Mom. Pero hindi ko nga po gusto si Blade!"

"Sino ang gusto mo, kung ganoon? You said you love someone else. Who exactly is the man you're referring to, Michelle Morganna?"

"Leandros Hidalgo!" buong puso kong sigaw, punong puno na talaga sa lahat ng ginagawa niya!

Namilog ang mga mata ni Mommy.

"Yes! His name is Constantino Leandros Hidalgo! Sebastian's twin!" I shouted, pumiyok pa ang boses ko.

"W-What--"

"Yes! Yes, Mom! So stop pushing me to Blade Castillo anymore! I don't want him! I don't want to marry him!"

"P-Pero akala ko ba... Ang mga Hidalgo..." hindi makapaniwala si Mommy, hindi alam ang unang sasabihin.

Nangilid ang luha sa aking mga mata kahit anong gawin kong pagpapatapang sa sarili. Kahit anong gawin ko talaga, malambot pa rin ako.

"Wala rin naman akong sinabi na pakakasalan ko siya, Mom..." namaos ang boses ko.

Parang may kumukurot sa puso ko.

"Dahil kahit siya... galit rin sa akin. Kaya wag kang mag alala, Mom... hindi ko na dadagdagan pa ang galit sa atin ng mga Hidalgo... hindi nila malalaman na nagustuhan ko rin ang isa nilang anak... hindi masisira... ang pagkakaibigan mo sa kanila..." at wala rin namang pag asa... dahil nga ayaw niya na rin sa akin.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now