CHAPTER 33 - Payback

Magsimula sa umpisa
                                    

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang kaso nakahiga na ako sa kama, hindi naman ako dalawin ng antok. Nawala yung takaw ko sa tulog kanina eh. Hindi din nakatulong yung pag pasok ni Andrea sa kwarto ko maya maya lang din. Nakataas pa din ang mga kilay at nag susungit.



Sumimple na ako. Nakataob na ako ngayon sa kama. Para lang ba iwas yung line of sight ko sa kaniya. Para no need na magtalukbong pa ng kumot. Pero, kahit hindi ko siya nakikita, nakikiramdam naman ako. Hinihintay ko na magsalita siya. Mag paliwanag at mag baba ng pride. Pati nga yung text ni Clarence hinihintay ko, pero matigas din yung isa na yun eh.


“What the hell is your problem?!” Napaangat ako ng tingin sa babaeng nag susungit na naman. Ang sama pa nga ng tingin niya sa akin at ang taas pa ng boses ha. Wow naman talaga.  Siya pa galit eh. Umupo na siya sa kama at bahagyang lumapit pa. Pero hindi ko na pinansin yun. Bumangon na ako para harapin siya.




“Wala akong problema. Baka ikaw meron.” Nakita ko na umirap siya.




“What?!”




Napailing ako. Katarayan talaga. “Kumalma ka nga. Huwag mo ako taasan ng boses.”




“Don't tell me how to act! Get to the point, already. Ano nga problema mo?!"





“O sige, sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga nangyari sa inyo ni Clarence kanina? Kulang nalang talaga mag sampalan kayo eh."





Pero imbis na mag paliwanag, isang simple at walang kabuhay buhay na ‘I don’t know’ lang yung sinagot niya. Parang naiinis na naman tuloy ako.




“I don’t know? Pwede ba yun? Nag papasaringan kayo sa isa’t isa kanina tapos hindi mo alam kung bakit? Ano yun joke?”





“I said I don’t know that means I don’t know! Hindi ka ba nakakaintindi? Bakit hindi yung bff mo ang tanungin mo. She’s the one who started it, for fuck's sake.”




Sinamaan ko siya ng tingin. Inikutan niya lang ako ng mga mata. Nakakainis talaga 'tong babae nato. Nakakaubos din ng pasensya eh.




"Bibig mo nga."





"Pakialam mo ba."






Napa buntong hining nalang ako.
“Ah, bahala nga kayo. Ewan ko sa inyong dalawa.” Humiga na ulit ako sa kama sabay talukbong ng kumot. Matutulog na talaga ako. Totoo na talaga to. Ayoko na makipag usap sa kaniya.




“Chase."






Hindi ko pinansin yung tawag niya.




“Ano ba! Chase!” tawag niya pa ulit. Bahala ka diyan. Tinataasan mo lang naman ako ng boses at tinatarayan. Hay nako.

 



“Dammit, talk to me!” Nako. Galit na ang prinsesa.

 


“Don’t ignore me! I hate it when you do that. Please.”  Halos malaglag naman yung puso ko sa paawa effect nung boses niya. Parang ang lungkot lungkot kasi. Yung ‘please’ pati na yan, naku! Hitting below the belt! Hindi ko naman natitiis yang please na yan.



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon