Nakangiti nalang akong mabilis na tumakbo. Nadaanan ko pa ang mansyon nila Seguzam. Nakita kung naka sara ito. Marahil ay lahat sila ay sumama sa pag hatid kay Ezequil sa daungan. Mabilis na lamang akong tumakbo.

NANG MAKARATING Ako sa mala gubat na daanan ay agad akong napa buntong hininga. Sa dulo nito ang palengke. Kung kaya't kailangang lakarin. At isa pa. Walang kalesa ang na daan dito kung kaya't kailangan talaga lakarin. Buti nalang may kalesa sila Antipatiko kaya hindi na nila kailangan mag lakad. Sana all nalang.

Umulan pa nung madilang araw kaya napaka putik nang daanan. Hindi kagaya nang probinsya sa future ang probinsya dito. Kahit syodad man yan ay lupa padin ang dadaanan. Siguro kasi wala pang usong mag pagawa nang mga daanan dito. Nakangiwi nalang akong nag lakad habang hawak hawak ang aking saya. Bawa't hakbang ko ay halata ang pag mamadali. Ramdam ko ang bilis nang pag lalakad ko kaya medyo hinihingal pa ako. Hay, sana biglang may kotseng dumaan tapos ihatid ako sa daungan. Tsk. Tsk. Laking impossible.

NANG MAKARATING Ako sa palengke ay napaka rami na nang tao. Aish. Mukhang didiretso ako sa pag tinda nito ha? Mabilis nalang akong tumakbo papuntang daungan. Muntik pa akong mabunggo nang mga lalaking may dalang mga isda. Agad akong nag sorry doon sa lalaki bago pumunta sa daungan. Hindi ko alam kay Antipatiko kung bakit mag ba-barko pa sya. Eh apat na oras lang naman ang byahe papuntang San Andres kapag kalesa ang gamit mo eh.

Sosyal kasi. Pero bakit ganoon? Nung kasama nya ako? Bakit hindi kami nag barko? Siguro dahil baka isipin nang mga tao nag tatanan kami o mag ho-honey moon no? Kaya itong matalinong si Antipatiko. Naisipan na mag kalesa nalang kisa maissue pa kami. Galing naman! Minsan nakaka inggit din ang utak nang lakaking ito eh! Kairita sana all nalang!

Napahinto ako sa pag takbo nang makarating ako sa daungan. Pinunasan ko ang aking pawis bago nag lakad na pang Maria Clara. May usapan kami ni Antipatiko na mag uusap kami sa dulo nang daungan kung saan walang masyadong taon. Mahirap na. Baka may makakita sa amin. Maissue pa ako na ako ang kabit ni Antipatiko kaya pinutol ni Don Fortunato ang kasal kay Estela Asuncion. Ayaw ko namang ganoon. Kaya mas maganda ang sikret relationship muna. Tsk.

Napangiti ako nang makita ang bulto ni Antipatiko na naka tingin sa malawak na dagat nang silayan. Masasabi kung maganda din ang dagat dito sa Silayan. Mukhang kaparehas nga lang nang sa San Andres kaya hindi ko masyadong namiss ang dagat na nandoon eh. Tsk. "Antipatiko!" Tuwang tuwa na saad ko nang halos sampung hakbang lang ang layo namin sa isa't isa.

Mas lalo akong napangiti nang tumingin sa akin si Antipatiko. Agad itong ngumiti sa akin. "Mahal!" Nakangiti ding pag tawag nito sa akin. Mahina akong natawa. Naka open arms akong tumakbo papalapit sakanya. Mabilis akong tumakbo. At nang makalapit ako sakanya ay mabilis ko syang niyakap. "Ang bago mo naman." Nakangiting saad ko habang yakap yakap si Antipatiko.

Narinig ko ang mahinang pag hagikhik nya. Humiwalay ako sa yakap ko sakanya bago nakangiti syang tiningnan. "Asaan na pala sila Donya Sergia at Seguzam?" Kunot nuong tanong ko dahil kasama daw na nag hatid sila kay Antipatiko. Pero nakaka pag taka na wala akong na daanan na kalesa nila. Hindi ko din sila nakita sa pamilihan kasi ang kalesa nila. Kaya asaan nayon?

Kagat labing kumagat sa labi si Antipatiko. "U-Uuwi nang San Andres sila Tiya, Mahal." Saad ni Antipatiko. Tumango tango nalang ako at hindi na nag tanong. Siguro sila naman ang mag babakasyon sa San Andres diba? Yun lang naman na ang dahilan? At wala nang iba d-diba? Agad kung pinisil ang dalawang pisnge ni Antipatiko. "Ganoon ba? Mamimiss kita! Ang ibig kung sabihin ay mangungulila ako sayo! Kaya yung pangako mo sa akin ha?! Babalik balik karito!" Nakangiting saad ko.

Malawak na tumango tango si Antipatiko habang may ngiti sa labi. "Opo mahal. Babalikan agad kita. Ayaw kung mangungulila sa akin ang aking mahal dahil baka mag hanap nang ibang Ginoo." Humahagikhik na tawa ni Antipatiko habang sinasabi yun. Napangiwi ako bago binitawan ang kanyang pisnge. Nag cross arms ako bago umayos nang tayo. "Ikaw Antipatiko, huwag kang lilingon sa iba ha? Kahit mahina na si Ama! Andyan naman si Tiya Eleha kaya umayos ka." Saad ko. Medyo magulat pa si Antipatiko bago mabilis nalang na tumango.

"DALAWANG MINUTO NALANG AALIS NA ANG BARKO! ANG MGA BUMABA MAARI NA ULIT NA TUMAAS KUNG HINDI AY MAARI KAYONG IWAN NANG BARKO!" Malakas na sigaw nung lalaki habang may may taling inaayos sa gilid. Napatingin kaming dalawa ni Antipatiko doon sa lalaki bago sabay bumuntong hininga. Awit same vibes. Tumitig ako kay Antipatiko. "Basta Antipatiko ha? Huwag mo akong kakalimutan." Saad ko. Ngumiti sa akin si Antipatiko bago mabilis akong niyakap.

"Huwag karing lumapit kay Carlo. Ako ay napupuot kapag nakikita ko kayong dalawang nag tatawanan." Nakangiting saad ni Antipatiko. Bakas ang pait sakanyang sinabi. Napangiwi naman ako bago medyo lumayo kay Antipatiko. Tiningnan ko si Antipatiko. Mukha ngang naiinis sya kay Carlo. Tsk. Kung alam lang nang isang ito na baliw na baliw si Carlo kay Liwayway baka matawa nalang sya sa sarili nya. Ito naman kasing si Carlo. Imbes na kay Liwayway dumikit. Sa akin dumidikit. Tsk. Tsk.

Natatawa kung tiningnan si Antipatiko. "Huwag kang mag alala. Mahal naman kita kaya huwag kang mag overthink. Masama yun." Natatawang saad ko. Nakita ko ang pag kunot nang nuo ni Antipatiko kaya napairap ako. "Ang sabi ko mahal kita. Mag ingat ka ha? Kailangan mo akong balikan." Nakangiting saad ko. Nawala ang pag kakunot nang nuo ni Antipatiko.

Malawak itong ngumiti sa akin. "Mahal na mahal naman kita, mahal ko. Pangako gagawin ko ang lahat makabalik lang sayo mahal." Nakangiting saad ni Antipatiko. Muli kaming napatingin doon sa lalaking sumigaw nang mag salita ito. Papaalis na ang barko. Mabilis akong tumingin kay Antipatiko. "T-Tumakbo kana! Baka maiwan kapa!" Kabadong saad ko bago mahina syang tinulak papunta doon sa daanan nang barko. Mahina naman itong natawa.

"Sandali lamang, mahal." Napakunot ang aking nuo. Napahinto ako sa pag tulak sakanya. "Bakit?" Takang saad ko dito. Malawak lalo itong ngumiti sa akin. "Asaan na pala ang iyung pabaon sa akin?" Pilyong saad ni Antipatiko. Napakunot ang aking nuo. "Ano naman yung baon nay------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang hawakan ni Antipatiko ang aking mukha.

Napaawang ang aking labi sakanyang ginawang pag siil sa akin nang halik. Pag dikit palang nang kanyang labi sa aking labi ay andoon agad ang kaba at takot nama'y halong saya ang aking naramdaman. Kumakalabog ang aking puso sa kanyang ginawa. Napangiti nalang ako sa loob loob ko bago humawak sakanyang leeg. Agad kung sinuklian ang kanyang halik kagaya nang pag sukli ko nang halik nung bilog ang buwan nuong nakaraang nakaraan na araw.

Napabitaw nalang ako sa pag hahalik sakanya nang maalala ang pag alis nya at nang barko. Mahina ko syang tinulak. "Alis na. Baka makahala nyan si Don Fortunato kapag naiwan kanang barko." Nakangiwing saad ko. Humahagikhik nang tawa si Antipatiko bago mabilis na hinalikan ang aking nuo at pisnge. "Mahal kita Eeya, mahal na mahal." Nakangiting saad ni Antipatiko sa akin. Napailing nalang ako nang mabilis syang tumakbo. Sinundan ko sya nang tingin habang tumatakbo.

Nang makasakay sya sa barko ay agad syang tumingin sa gawi ko. Malawak itong ngumiti sa akin. Napailing na lamang ulit ako at hinintay ang pag layo nang barko. Nang hindi ko na matanaw si Antipatiko ay agad akong napalingon sa isang gawi kung saan may naramdaman akong may nakatingin sa akin. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang makita ang isang lalaking nakatingin sa akin. Ngumisi ito sa akin bago nag lakad kung saan.

Bigla akong nakaramdam nang kaba at takot sa hindi malamang dahilan. A-Andito sya. Andito ang Don. Andito si Don A-Agustin. Ang lalaking kausap ni Don Macario sa kwartel. Sa hindi malamang dahilan ay agad akong binalot nang takot at kaba. Mabilis akong tumakbo papunta sa magiging pwesto namin nila Liwayway!

K-Kailangan kung sabihin ito kila A-Aexniqn!

****

Hi moon's! It's already 4:27 pm na nang August 21, 2021! Yan muna para hindi nyo sila mamiss! Muahh! HAHAHAHA! Huwag kayong mag alala mahaba ang next chap! Skl.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now