C25: Unknown Encounter

4 1 0
                                        

Chapter 25

Shaira’s POV

BINITBIT ni Mr. Calvin si Hazel sa loob ng ospital. Inihiga siya sa isang kama na may kurtinang iniis-slide para maging pantakip sa karatig na mga pasyente.

Dumating ang isang doctor at sinuri ang kanyang kalagayan.

“Kumusta po si Hazel?” may kaunting pangambang tanong ko kay Doc.

“Wala kayong dapat ipag-alala dahil okay lang ang kalagayan niya at maayos din ang kanyang mga vitals,” tugon ni Doc na ikinaginhawa ng pakiramdam ko. “Kailangan niyang umiwas sa mga bagay na maaaring magbigay sa kanya ng labis na stress at shock kasi iyon ang dahilan kung bakit siya nahimatay.”

“May phobia po kasi siya sa dugo. Kaya po siguro na-trigger iyon ay dahil sa nakita niyang mga corpses kanina crime scene,” sabi ko kay Doc. No more hiding from him because he knows what's the best for his patients.

“Oh, that's why. A gentle reminder for you especially for her, she should refrain herself from seeing those kind of scenes. A phobia is sure curable but it depends on the person. For her, she couldn't bear to see such events so watch out for her until she fully suppresses it.”

“Thank you, Doc.”

“Pwede na siyang ma-discharge kapag naging maayos na siya. Sige, mauna na ako. I still have to check my other patients.”

“Thank you po ulit,” sabi ko bago tuluyang umalis ang doctor.
Wala pa ring malay si Hazel kaya hindi pa kami pwedeng lumabas  Pinabalik ko na si Mr. Calvin sa police station kasi knowing Hazel, deep sleeper ang babaeng ito kaya malamang na matatagalan siyang magising.

Kahit na medyo crowded ang ospital na ito ay hindi siya magulo at maingay. People have respect to other patients. Pwedeng ito rin ang rason kung bakit kahit na public hospital lang ito, dito ini-confine ni Wil ang kanyang kakambal.

“Nandito kaya si Wil ngayon?” bulong ko sa sarili ko. “Sinabi kasi niya sa aking ipakikilala niya ako sa twin brother niya though he's in the state of coma.”

Napatingin ako kay Hazel. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Minsan, namimiss ko rin iyang katahimikan mo. Hindi sa hindi ko gusto na naging madaldal ka na. Naalala ko lang kasi noong nabubuhay pa si Rizza. Kaming dalawa ang maingay at ikaw naman ang tahimik. Hold it up! Gumising ka na, Hazel. Nag-re-reminisce na ako ng happy but likewise sad moments of our friendship,” monologo ko.

Muling tumahimik ang paligid. Tanging mahihinang usapan lang ang maririnig at tunog ng ventilator na ginagamit ng ospital.

Dumapo sa ala-ala ko ang panaginip ko kagabi lang. Akala ko ay ang massacre na ng pamilya ng Mayor ang pinaka-eerie na masasaksihan ko. Then there's the massacre of the prisoners. The latter was way horrible than the former. It seemed like the serial killer killed out of revenge or something. It's too much.

Naalala ko rin ang huling reaksyon ni Timothy bago kami bumalik. Galit na galit siya na parang gusto niyang pumatay. His eyes were full of wrath and hatred. Siguradong dahil iyon sa nagkaharap na sila ng killer na matagal na naming tinutugis.

I can't blame him because even I felt furious and enraged when I saw him. After all what he'd done that I saw, my heart felt like squeezed to death. I wanted to punch him, torture him, and kill him. But, I wasn't no match on him so I froze.

May sinabi rin siya tungkol sa natagpuan ko na kailangang bawiin niya. What the hell was he talking about? We are the ones who found him so we’re also the ones who will get him back. Ahhh! This is driving me crazy!

Scarlet Lucid Dream (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon