. . . ⇢ 49 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

isang japanese school kung saan major nila ang pagsasayaw at pagkanta— just like belift university. doon din sa japanese school na 'yon pumapasok ang mga trainees na tulad nila.

"fran.."

"aalis na kayo, sige na."

hindi pinansin ni francine ang pag-aalinlangan ni jungwon, ngumiti lang siya kahit ang bigat-bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na 'to. si jungwon naman ay hindi maiwasang mag-alala sa inaakto ni francine.

siguro mas gusto niya pang makita si francine na malungkot sa pag-alis niya kaysa sa francine na pinipilit maging masaya. it hurts to see her laughing and smiling dahil ang totoo ay nasasaktan siya.

"fran—"

"jungwon—"

"pakinggan mo muna ako." dahil doon ay napatingin si francine kay jungwon. "sigurado ka bang ito ang gusto mo?"

agad sumagot si francine. "sigurado ako dahil ito ang mas makakabuti para sa'yo at sa future mo."

napabuntong hininga si jungwon. "i told you, mas gusto kong makasama ka—"

"let's be real, ano ba sa tingin mo ang mas mahalaga? pag-ibig o pangarap?" sa sinagot ni francine ay tuluyang natigilan si jungwon.

hindi maiwasan ni jungwon ang makaramdam ng kaba sa mga pinagsasabi ni francine ngayon. nakangiti pa rin ito pero ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay may pinangagalingan at natatakot siya sa posible nitong kahantungan.

"pangarap.." mahinang usal ni jungwon na mas lalong ikinangiti ni francine.

"then go, choose your dream. ang pag-ibig, makakapaghintay 'yan."

"fran.." tiningnan ni jungwon si francine ng diretso. "mahal mo pa rin ako, di'ba? kakapit ka pa rin sa relasyon natin, tama?"

hindi nakasagot si francine at pasimpleng umiwas ng tingin.

"yang jungwon, nandiyan na ang eroplano!"

tinatawag na si jungwon ng manager nila pero nagbingi-bingihan lang ang binata at nanatili lang na nakatingin sa dalaga, naghihintay sa sasabihin nito. pero iniba ni francine ang usapan.

"j-jungwon tawag ka—"

"no, sagutin mo muna ako."

hindi makatingin si francine ng diretso kay jungwon kaya alam ni jungwon na may mali. alam niyang may bumabagabag sa isipan ng dalaga at gusto niya 'yon malaman bago pa siya makaalis.

"please."

"jungwon." unti-unting nag-angat ng tingin si francine. "i think it's time for us to put ourselves first."

matagal bago nakasagot ang binata. "please.. think about our promises.."

"i'm sorry.. but mom is right. kahit anong araw pwedeng dumating ang taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo pero dadating din ang oras na kailangan mo namang unahin ang sarili mo." huminga ng malalim si francine. "walang may mali sa atin, jungwon. pero sa tingin ko masyado pang maaga to the point na kailangan muna natin kompletuhin ang mga sarili natin."

kinuha ni jungwon ang kamay ng dalaga at mahigpit 'yong hinawakan. "kaya kong kompletuhin ang sarili ko nang hindi tayo nagkakahiwalay. kaya kong i-prioritize ang sarili ko at ikaw. ganun na din ang abutin ang mga pangarap ko kasama ka."

"won.."

"walang rason para itigil natin kung anong meron tayo ngayon, francine. hinarot mo 'ko, nagtagumpay ka at na-fall ako sa'yo, ngayon ay tayo na. parehas natin 'to ginusto kaya gaya ng sabi mo, sabay nating haharapin ang future ng magkasama."

hindi na nakasagot si francine. kanina pa nagtatalo ang utak at puso niya. gusto niya makipaghiwalay kasi natatakot siya na baka maging hadlang siya sa pag-abot ng pangarap ni jungwon pero at the same time ay ayaw niya ring mawala sa piling niya ang binata.

pero ngayon, matapos niyang marinig ang lahat ng 'to sa binata ay nakapagdesisyon na si francine. ngayon ay pipiliin niya ang sinasabi ng puso niya na 'wag iwanan si jungwon at kumapit sa kanilang mga pangako.

"yang jungwon ano ba—"

natigilan ang manager nang makita niya kung paano lumapit si francine kay jungwon at bigyan ito ng mabilis na halik. natulala ito at ganun din si jungwon. nakangiti lang si francine pero this time, isa na 'tong tunay na ngiti.

"mananatili ako sa tabi mo yang jungwon."

unti-unting napangiti si jungwon. "kahit anong mangyari?"

tumango lang ito. "kahit anong mangyari, pangako."

-♡️-

francine @luvfrncn

i love you and i'll wait for you ♡️

i love you and i'll wait for you ♡️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

reply | retweet | like

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon