𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟷

Start from the beginning
                                    

Sh*t. Ngayon ang kuha ng litratong ito!

Muling nag-vibrate ang phone ko.

From: 09*********

I hope they enjoy eating. Because sooner or later, they won't taste anything at all.

-Muerte

Mabilis akong bumalik sa pwesto namin na ikinagulat nila. Tiningnan ko kung anong anggulo ito kuha, tsaka luminga-linga. May nakita akong lalaking naka-black hoodie at black mask na dali-daling tumayo at lumabas. Sinubukan ko siyang habulin, pero mabilis siyang nawala sa paningin ko.

"CJ! Anong problema?" Tanong ni Clover. Tumingin ako sa kaniya at sa mga kasama namin na tapos nang kumain.

"We need to go. Now." I said. "Get them all and wait for me here. I'll just pay for our food." I added and walked towards the cashier.

"Kuya Zeke! Ito yung bayad ko sa food namin. Keep the change nalang." Nagmamadaling sabi ko at lumabas na. Nakita kong hinihintay na nila ako sa labas.

"Tara na." Sabi ko at sumakay sa motor ko. PInaangkas ko na sa likuran ko si Renz habang yung iba naman ay may kaniya-kaniyang dalang sasakyan.

"Kumalma ka nga!" Naiinis na sabi ni Ice pagpasok sa room namin. Kami pa rin daw kasi ang magbabantay ng mga booth, pero sigurado naman akong walang magtatangkang manloob dito sa school namin kaya tinawag ko muna sila para makapag-usap kaming lahat.

"I can't!" Inis na sagot ko at naglakad pabalik-balik. Ni-lock ko yung pinto at sinara ang mga bintana. "Give me your phone." Sabi ko sakanila pero walang ni isa ang kumilos.

"Why?" Tanong ni Clover. Hindi ko siya pinansin at humarap kay Renz.

"Give me your phone." I told Renz. Tumingin siya kela Ice na parang nanghihingi ng pahintulot. "Huwag kang tumingin sakanila. Give me your phone. Now." I said at nilahad ang kamay ko. Wala silang nagawa nang ilagay ni Renz ang phone niya sa kamay ko.

Hindi na ako magtataka kung madaling mabuksan ang phone niya. Ang gamiting passcode ba naman ay 12345abcde.

Nang ma-open ko ang phone niya ay mabilis akong nagtungo dun sa messages. At tama nga ang hinala ko.

Na-contact na niya ang mga kaklase ko.

"Kelan pa?" tanong ko sakanila at ibinalik ang phone ni Renz. Walang sumagot sakanila.

Tarages 'tong mga 'to kanina pa ako hindi kinikibo piste.

"Sumagot kayo. Please. Kelan pa?" Tanong ko pero wala pa ring nagsasalita. Napasuklay nalang ako sa buhok ko at napahilamos sa mukha. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ang numerong unang tumawag saakin.

"So, you have found out. I guess I have to change my plan?" Nang-aasar na sabi ng taong nasa kabilang linya. I gritted my teeth and clenched my fist.

"F*ck you. Whoever you are, f*ck you. Ako ang kailangan niyo. Lubayan niyo ang mga taong 'to." Gigil na sabi ko. "I swear to God if one of your kids touch these people, I'm going to hunt you for the rest of your d*mn useless life." Banta ko pero tinawanan lang ako nito.

"You're so funny Cyan. Dati mo pa ako hina-hunting. May nahanap ka ba? Wala! Kaya huwag ka nang umasang mahahanap mo pa ako." Sabi niya.

"You don't know me. You call yourself death? Eh ano bang ginawa mo? Magpadala lang ng magpadala ng mga tauhan mo. May napala ka ba? Wala! Kaya huwag ka ring umasang habang buhay kang ligtas diyan sa lungga mo. Dahil kahit saang lupalop ka pa ng mundo nagtatago, mahahanap at mahahanap kita. Itatak mo yan sa utak mong kinakalawang." Sabi ko at binaba ang tawag. Hinarap ko ang mga kaklase ko.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now