𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟿

Start from the beginning
                                    

Siya ang binabantayan ng kabilang players, kaya malayang nakakagalaw ang iba naming players. Magaling si Marc. Hindi man siya makabawi sa pangbabalya ng Monster Eaters sa players namin, binabawi naman niya sa pag-shoot ng bola. Kaya ngayon, siya ang binabantayan.

"They're forming." I said and watched them as number 1, number 9, number 15 and number 16 formed a diamond. They didn't notice it, but I do. And I know what they're going to do.

Tahimik akong nagdasal. Hindi ko na rin napigilan at kinutkot ng kinutkot ang balat ko sa daliri. Naramdaman kong may humawak dito at pinigilan ako. Napatingin ako sa kamay ni Ice na nakahawak saakin, pero hindi ko muna iyon inintindi dahil sobrang kinakabahan na ako. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya nang makita ang unti-unting pagdidikit ng apat, kinukulong sa formation nila si Marc.

But the next thing I saw is what I didn't expect. Sa tinagal tagal nilang ginagawa ang formation na yun, sa dami ng laro at taon nilang ginagawa iyon, wala ni isa ang nakaligtas sa kanila at palaging nauuwi sa injury ang target nila. But not Marc. Nilito niya silang apat. Kunwari ay inilabas niya sa labas ang bola kaya agad sumunod dun si number 1, kaya nakalabas si Marc sa formation nila at dali-daling nag three points shoot. Saktong pagpasok ng bola sa ring ay ang pagtunog ng buzzer.

"YES!" Naisigaw naming lahat. Napayakap ako kay Ice sa sobrang tuwa. Pero agad ding humiwalay nang tumikhim siya.

"Sorry." Bulong ko at mulingtumingin sa harap. Kitang kita ko ang saya sa mukha ng players namin.

Agad kaming bumaba at lalapitan sana si Marc pero may nauna saamin. Mga naka business attire sila. Nanatili lang kami sa isang gilid.

"Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng matagal na panahon, that formation was deadly. Pero nalusutan ni Marc. Sh*t." nakangiting bulong ko.

Hinarap ko sina Kyle at Renz na nakangiti ng nakakaloko saakin.

"Ano nanaman?" tanong ko.

"Nakita namin yun." Sabi ni Kyle.

"Ang?" Takang tanong ko. Sa dinami-dami ba naman ng nangyari malay ko ba kung ano ang tinutukoy nila.

"Niyakap mo si ice. CJ napaghahalataan ka na." Sabi naman ni Renz. Sinamaan ko sila ng tingin at sasagot sana ng may yumakap saakin ng mahigpit at inikot ako sa ere kaya napatili ako.

"Thank you! Maraming maraming salamt CJ! Thank you! Thank you! Thank you!" sabi ni Marc at hinarap ako sakaniya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"T-teka lang. M-marc nasu-suffocate na ako." Sabi ko at tinapik tapik ang balikat niya. Lumuwag naman ang yakap niya saakin. "Kalma lang Marc. Bakit ka nagt-thank you? Ibinalik ka na ba sa team?" Tanong ko.

"Much bigger than that! They offered me a scholarship! CJ makakapag-aral ako sa ibang bansa!" Tuwang-tuwa na sabi niya. "Kung hindi dahil saiyo, hindi ko makukuha yung scholarship na 'yun. Kaya thank you!" Sabi niya at muli akong niyakap at inikot nanaman sa ere.

"Gah tama na nahihilo na ako." Tumatawang sabi ko kaya ibinaba niya ako at tumawa din.

"You might wanna let her go." Bumitaw agad saakin si Marc nang marinig niya ang sinabi ni Ice.

"Congrats pre!" Sabi ni Mykel habang naglalakad kami palabas ng school. Napag-usapan kasi namin na kakain kami sa malapit na kainan dito. Dito kami sa back gate dadaaan. Malapit lang iyon sa building namin. Para makaiwas sa dami ng tao sa front gate. Wala kasing taong pumupunta dito.

"Congrats. Matutupad mo na ang pangarap mo." Sabi naman ni Allan.

"Oo nga pre. At dahil diyan, magpapa blow out daw si CJ!" Sabi ni Marc.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now