𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟾

Start from the beginning
                                    

"Guys! It's 10:30 already. Tara na." Sabi ni Allan.

"Mauna na kayo. Susunod ako." Sabi ko. Nauna na yung iba at ako naman ay nagpaalam kay Ate Cami. Sakto naman dumating si Kuya Dylan.

"Yow Kuya Dyl! Ayos ka na?" tanong ko habang inaayos yung bag ko na nilagay ko kanina sa locker.

"Yup! Para kay Cami, nagpagaling ako." Sabi niya sabay kindat kay Ate Cami. Namula si Ate at nag-iwas ng tingin. Nililigawan kasi ni Kuya Dylan si Ate Cami.

"Walang forever!" Sabi ko na nakapagpatawa sakanila.

"Bitter mo masyado. Sabi ko sayo yung isa sa mga classmates mo, yung naka black plain shirt, bagay kayo. Kaya kung ako sayo, jowain mo na." sabi ni ate Cami.

"Teka lang Cams, baby pa itong si CJ. Bawal pang magjowa jowa." Sabi ni kuya at inakbayan ako. "Ako nalang jowain mo." Sabi niya at lumapit kay Ate Cami at ngumuso.

"Tumigil ka Dylan at tumulong ka na dito! Ang aga aga lumalandi ka na agad." Sabi ni Ate Cami at umirap. Inabot namna niya saakin yung brown envelope na maliit.

"Yan daw yung sweldo mo sabi ni madam Cat. Hindi niya maibibigay sayo kasi nasa business trip ata siya together with her jowabels." Sabi ni Ate Cams. Tumango ako at kinuha iyon.

"Babush lovebirds!" Sabi ko at lumabas.

"Bagal mo."

"Ay lovebird!" Naisigaw ko sa gulat. Tiningnan ko ng masama ang nagpipigil tawang sina Riu bago sinamaan din ng tingin si Ice.

"Epal ka?! Bakit ka nanggugulat?!" Singhal ko at hahampasin sana siya pero sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ko nalang itinuloy.

Sabi ko nga hindi na.

"Pasakay." Sabi bigla ni Renz at bago pa man ako makasagot ay naka angkas na siya sa likod ko.

Inabutan ko lang siya ng helmet at pinaandar yung motor ko. Nagulat ako nang dumaan sa gilid ko at nagtungo sa harapan ko si Ice na sobrang bilis ng takbo.

"Kumapit ka." Sabi ko Kay Renz. Nang masigurong nakakapit siya ng mahigpit ay binilisan ko din ang andar ng motor ko.

Nagulat ako ng bigla niya ako bugahan ng usok mula sa tambucho niya. Binilisan ko ang takbo ng motor ko hanggang sa mapantayan ko siya. I raised my middle finger at him at mas lalo pang binilisan ang takbo ko.

Nakita ko sa side mirror na nakikipag paligsahan siya saakin.

Oh no you messed with the wrong motorist.

"Kumapit ka ng mabuti!" Sigaw ko kay Renz at mabilis na pinaandar ang motor ko. Pagkarating namin sa parking lot at bumaba si Renz sa likod ko. Ang inaasahan ko ay takot siya but instead...

"Ate isa pa! Dali isa pa!" Sabi niya. Aba'y tuwang tuwa pa ang batang kumag!

"Racer ka ba?" Tanong agad ni Riu. "Yung galaw mo kanina at yung takbo mo pang racer eh." Sabi niya.

"Maybe." Kibit balikat kong sagot sakto naman dumating na si Ice. Malayo sa pinag-parking-an ko yung motor niya dahil wala nang bakante sa tabi ko. Habang naglalakad siya ay may nakabungguan siyang parang taga-ibang school ata or baka civilian lang.

"Ang sama ng mukha mo?" Sabi ko.

"Tch." Yun lang ang sinabi niya at naunang maglakad. Nagkatinginan lang kami at sumunod sakaniya.

Busy kaming mag-asaran ng mga kumag nang ako naman ngayon ang may nakabanggaan.

"Watch where you're going, b*tch." Mataray na sabi nito at nilampasan ako.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now