“Gago, bakit tumatalino siya sa ganito?” Narinig kong bulong ni Cad kay Ashteroh.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Okay, fine. Iisipin ko na lang na couple meant ang sinabi n'ya. Palagi naman kasi akong napupuri sa ganitong bagay.

“H'wag kang mag-alala, Nathalie. Nakahanda na 'yan,” sabi ni Cad saka binuksan ang likuran ng kotse, yung nilalagyan ng mga gamit. Ano ngang tawag do'n? Apartment?

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang maraming kung ano-ano ro'n. May bag din na mapaglalagyan ko ng nanakawin ko. Grabe, pinanganak na handa yata si Cad Toth.

“Magnanakaw rin kami gaya mo kaya alam namin ang mga ganyang bagay,” nakangising sabi ni Cad.

Nanlaki ang mga mata ko. “Bakit pa kayo nagnanakaw eh mukha naman kayong mayaman? Lalo na si boss Ashteroh,” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo maiintindihan kahit i-explain ko. Ito na lang...” Tinapik n'ya ang balikat ko. “Alam mo ba kung bakit sa 'kin nakabase kung papasa ka o hindi?” tanong n'ya.

Napailing ako. Bakit ba siya tanong nang tanong sa mga bagay na hindi ko alam ang sagot? Kairita siya for real.

“Sa feroci, ako ang pinakamagaling magnakaw. Kahit 'tong si Ashteroh na malakas ang pakiramdam nananakawan ko, e. Kahit gaano kahigpit ang security ng isang lugar, kaya kong pasukin at nakawan... Kaya galingan mo, lods. Babantayan kita,” sabi ni Cad saka ngumisi sa akin.

Napalunok ako saka napatango. Biglang nagliyab pagiging competitiontive ko. Ayaw kong magpatalo sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na mas magaling talaga siya sa akin kaya medyo kinakabahan ako... at naiirita rin.

Kinuha ko na ang bag at ibang kailangan ko lang talaga. Inayos ko ang bonet na suot ko saka huminga nang malalim.

Umalis na ako at agad na nagtungo sa likod na parte ng mansyon. Medyo mahirap akyatin 'to kumpara sa gate ni Ashteroh pero keri naman... Agad kong nilibot ang tingin ko kung may CCTV at guard sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing walang guard.

Agad akong tumalon pababa. Medyo mataas ang gate kaya naging mahirap ang pag-landing ko. Kung nandito lang talaga sina Chinu, malamang sisiw lang 'to.

Pasimple kong pinasok ng likod. Nakabukas ang pinto at may katulong na nagwawalis doon. Laking pasasalamat ko nang may tumawag sa kanya na isa pang katulong kaya lumapit siya ro'n. Mahalaga na sa akin ang ganitong madalang na pagkakataon. Mahirap sa iba ang daanin ang ganito pero sisiw lang sa 'kin ang kumilos ng mabilis pero walang ingay... Tahimik na pumasok naman ako at nilibot ang tingin ko kung may CCTV o bantay. Agad akong napatago sa malaking vase nang mapansin kong may CCTV sa isang pwesto.

Muli kong nilibot ang tingin ko. Walang masyadong tao sa mansyon na 'to pero may ilang CCTV. Agad na lang akong dumaan sa blind spot ng CCTV at dahan dahang nagtungo sa malapit na pinto. Naging madali lang naman sa akin ang pag-alis ng pagkakalock no'n. Agad na kong pumasok sa loob.

Maraming alahas na nakatago sa kwartong pinasukan ko. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at tahimik na inilagay ang mga 'yon sa bag. Sa tingin ko babae ang may-ari ng silid na 'yon dahil maraming mamahaling alahas sa mga drawer n'ya na sa tingin ko ay collection n'ya.

Tangina, dito pa lang sa kwartong 'to, tiba tiba na.

Sinubukan kong pasukin ang ilang kwarto pagkatapos no'n. May mga nakuha akong pera at mga alahas. Medyo mabigat na ang bag na bitbit ko kaya hindi na 'ko pumasok sa iba. Buti na lang at malakas ako sa kabila ng pagiging babae ko. Palagi rin kasi akong nag-eensayo kasama si Ken kaya sanay na rin ako magbuhat ng mabibigat.

Isa sa pinakamahirap ang paglabas dahil malamang hindi na 'ko seswertehin ulit gaya ng kanina. Inihanda ko na lang ang pang-kuryente na isa sa mga gamit ni Cad kung sakali. Lugi ako kung sa may baril ako sasabit, kaya kailangan ko talagang mag-ingat.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن